Chapter 20
Hindi mawala sa isipan ni Shey ang sinabi ni Jose. Hindi kasi niya malaman kung may alam ba talaga ito tungkol sa kanya, o kaya naman ay nagdududa lang ito sa bigla niyang pagsulpot sa buhay ni Igo.
Lahat naman ng ipinakita niya sa mga ito ay totoo ang hindi lang talaga ay ang dahilan kung bakit siya umalis ng bahay nila, at ang pagkukunwari na walang maalala.
Napaiktad pa sa gulat si Shey ng biglang bumukas ang pintuan ng kwarto ni Igo. Nakaupo kasi siya sa kama habang nag-iisip. Si Igo naman ay galing sa bahay ni Jose. Kinulit kasi ito ng dalawa na doon naman daw tumambay si Igo, at mag-iinuman daw ang mga ito. Isinasama naman siya ni Igo pero nagpaiwan na lang siya sa bahay nito.
"Bakit ka nagulat? May problema ba?" Tanong ni Igo na medyo mapungay ang mata.
"Lasing ka?"
"Ang kulit kasi ng dalawa ayaw akong tigilan. Hindi tuloy ako makaalis hanggat hindi namin nauubos iyong alak na binili ni Cy." Paliwanag niya.
"Ganoon ba? Matulog ka na." Aniya.
"Sa labas na ako matutulog, amoy alak ako kahit maligo ako. Ayaw kong mailang ka sa amoy ko. Matulog ka na dito. Sa labas na lang ulit ako matutulog."
"Dito ka na lang. Dito sa tabi ko." Nakangiting wika ni Shey kaya naman biglang napalunok si Igo.
"Siguro pag hindi na ako lasing Shey. Isipin mong mabuti, lalaki pa rin ako Shey, at girlfriend kita. Iginagalang kita. Baka mamaya ay."
"Ay ano?" Putol ni Shey sa sasabihin ni Igo na ikinalayo ng kanyang nobyo sa pwesto nito ng ilapit ni Shey ang sarili dito.
"Mahal ko, layo ka muna sa akin, nahihilo na ako." Ani Igo na mas lumapit pa si Shey sa kanya.
"What do you call me?"
"Mahal ko."
"It's music to my ear Igo. I can't imagine, that someone I love call me with that endearment and I love it. Call me again, mahal, mahal ko." Masayang wika ni Shey, na wala ng nagawa si Igo kundi titigan na lang si Shey sa mukha dahil nakalapit na ito sa kanya at ang dalaga pa mismo ang yumakap sa kanya.
"Mahal ko. Hmm."
"Ang sarap sa pandinig at pakiramdam ko mahal ko. Hindi ko akalaing mararamdaman ko ang pagmamahal na ito. Sana hanggang tayo sa huli Igo. Mahal na mahal kita, sa maikling panahon na magkasama tayo, iyon ang sinisigaw ng puso ko." Ani Shey na hindi na napigilan ang maiyak. Umiiyak siya dahil sa sobrang kaligayahan.
"Ganoon din ako Shey. Ipaglalaban ko itong nararamdaman ko para sayo. Kung ano man ang buhay mo bago ka napunta sa poder ko, sana hindi maging dahilan para mawala ang pagmamahal mo sa isang mahirap na katulad ko. Nararamdaman kong hindi ka lang basta normal na babae noong nakita kita. Base na rin sa suot mo. Pinigilan ko naman pero nahulog ng nahulog ang puso ko sayo. Hindi ko man mahigitan ang buhay na nakasanayan mo. Sana ako pa rin ang piliin mo kahit mahirap lang ako. Mahirap man ako, pero pipilitin kong ibigay sayo lahat ng pangangailangan mo at buong pagmamahal ko." Mahabang wika ni Igo na lalong nagpaluha kay Shey.
Maliban sa pera, pagmamahal talaga ang pinakamahalaga. Ano naman kung mahirap lang si Igo? Ang mahalaga ay may trabaho ito. Masipag at handang gawin ang lahat para sa kanya. Para kay Shey okay na iyon para piliin si Igo sa kahit na anong yaman na nakapalibot sa kanya.
"Tahan na, pakiramdam ko kasi pinapaiyak kita."
"Hindi ganoon mahal ko. Luha ito ng sobrang kaligayahan. Masayang-masaya ako. Sobrang saya ng puso ko." Ani Shey at siya pa ang naglapat ng kanyang labi sa labi ni Igo.
Noong una ay mabagal at ninanamnam lang nila ang labi ng isa't-isa, hanggang sa naging mapaghanap. Pareho lang silang nakaluhod sa kama habang pinagsasaluhan ang mainit na halik na iyon. Nakakaliyo, nakakadala, nag-iinit ang kanilang mga katawan dahil sa halik na hindi nila gustong bitawan. Halik na ayaw nila parehong magkaroon ng hangganan.
BINABASA MO ANG
Poorman Series: Rodrigo Cardenal
RomanceBlurb Rodrigo Cardenal, isa sa tinitilian ng mga kababaihan sa loob ng palengke ng San Lazaro. Matangkad, matipuno higit sa lahat gwapo. Pero sa likod ng pangmodelong katawan at mukha, hindi siya mayaman. Sabi nga kung hindi siya magtatrabaho walang...