Chapter 21
Masakit ang katawan at halos hindi mabuhat ang mga braso at paa. Iyon ang nararamdaman ni Shey pagmulat ng kanyang mga mata. Madilim pa sa labas pero naramdaman niyang kailangan na niyang magbawas ng panubigan. Pero ang katawan niya ayaw makisama sa kanya. Daig pa niya ang nabugbog ng ilang beses sa nagdaang magdamag.
"Nabugbog?" Mahinang usal ni Shey tapos ay napailing na lang siya.
"Hindi ako nabugbog, nagpabugbog sa sarap sa lalaking aking mahal." Halos mapatakip pa ng kumot si Shey ng maalala ang nangyari sa kanila ni Igo sa nakaraang magdamag.
"I spend my first night with Igo. We make love countless times. Kung hindi ko pa sinabing pagod na pagod na talaga ako. Parang ayaw pa akong tingilan ng mahal ko." Napangiti pa siya sa kilig.
"Mahal ko? Hindi ako makapaniwala. Noong nakaraan may boyfriend lang ako, tapos ngayon, nakipagmake love na ako, real quick. Ganoon ba ako kalandi?" Tanong niya sa sarili na agad ding binawi ang sinabi.
"Kung malandi ako, di sana pumatol na lang ako basta makakita ako ng gwapo. Pero hindi. Hindi nga ako bumigay sa mayabang na Daniel na iyon. Kay Igo lang talaga. Sa mahal ko lang talaga." Napangiti pa siyang muli ng maalala ang pinagsaluhan nilang sandali. Nang maalala ni Shey ang dahilan kung bakit bigla siyang nagising.
"Naiihi na talaga ako. Pero ang katawan ko, ayaw namang sumunod sa akin, nauna ko pa nga kilig at landi. Bago ko pa naisip ang katawan ko. Ah, ah." Reklamo ni Shey habang isip na isip kung paano babangon.
Hindi lang dalawang beses may nangyari sa kanila ni Igo. Parang sinulit nila ang kabataan nila sa unang beses na may mangyari sa kanila. Masakit oo, pero nandoon ang sarap, lalo na at ang mahal niya ang kanyang kasalo. Iyon nga lang, ng makaramdam ang katawan niya ng pahinga, saka naman hindi maigalaw sa sobrang sakit na nadarama.
Wala na sa tabi niya si Igo. Hindi niya malaman kung nakaalis na ito, o naghahanda para sa pagpasok sa trabaho ng hindi nagpapaalam sa kanya. Isang buntong hininga ang kanyang pinakawalan, bago pinilit na bumangon sa kama. Kailangan na talaga niyang bumangon, at pakiramdam niya, ilang minuto na lang hindi na niya mapipigilan ang pantog niya, ng biglang bumukas ang pintuan ng kwarto ni Igo.
"Mahal okay ka lang?" May pag-aalala sa tono ng pagtatanong nito, pero wala naman dapat ipag-alala. Kasi sa tingin niya normal lang ang nararamdaman niya ngayon. Dahil sa ginawa nila ng nagdaang gabi.
"Wag ka na munang bumangon, magpahinga ka muna." Malambing nitong wika na ikinailing ni Shey.
"Naiihi ako mahal. Kaya lang sobrang sakit ng katawan ko, lalo na ang gitnang bahagi ng katawan ko. Hindi lang ako makabangon." Nahihiyang sambit ni Shey ng pangkuhin siya ni Igo na parang bagong kasal.
"Sorry mahal, hindi ko lang napigilan ang nararamdaman ko kagabi para sayo. Pero hindi ko pinagsisisihan ang pag-angkin na ginawa ko sayo. Mahal na mahal kita. Kung ano man ang kalabasan ng kapusukan nating dalawa, pananagutan kita. Sorry kasi hindi pa tayo kasal, ng maganap ang nangyari sa ating dalawa. Sorry talaga mahal ko." Ani Igo ng ihilig ni Shey ang ulo niya sa dibdib nito.
"Hindi naman kita sinisisi sa pag-iisa natin kagabi. Lalo na at wala kang kasalanan. Ako ang nag-insist, isa pa mahal kita. Kaya walang halong pagsisisi. Masaya akong sayo ko binigay ang aking sarili." Tugon ni Shey at naramdaman pa niya ang paghalik ni Igo sa kanyang noo.
Nasa tapat na sila ng banyo ng pati si Igo ay pumasok sa loob.
"Labas ka na. Kaya ko na ito."
"Sige pero wag mo ng ilock ang pintuan, kukunin ko iyong tubig na pinakulo ko. Isa pa wag ka ng mahiya na makita kita na walang saplot. Nakita ko na rin iyang lahat, kaya masanay ka na." Ani Igo at hinalikan muna niya ang nobya sa labi bago iniwan si Shey.
BINABASA MO ANG
Poorman Series: Rodrigo Cardenal
RomanceBlurb Rodrigo Cardenal, isa sa tinitilian ng mga kababaihan sa loob ng palengke ng San Lazaro. Matangkad, matipuno higit sa lahat gwapo. Pero sa likod ng pangmodelong katawan at mukha, hindi siya mayaman. Sabi nga kung hindi siya magtatrabaho walang...