Chapter 5

227 5 0
                                    

Chapter 5

Matapos magluto ay tinawag na ni Igo si Shey para kumain. Nakangiti pa itong lumapit sa kanya at masayang tumingin sa pagkaing nasa hapag.

"Maupo ka na at kumain ka na." Ani Igo at sumunod namang siya.

Natigil sa ere ang kutsara na dapat isusubo ni Igo ng mapansing nakangiti lang sa kanya si Shey na wari mo ay may hinihintay.

"May kailangan ka?"

"Kakain na ako." Nakangiting wika pa nito na hindi naman maunawaan ni Rodrigo kung ano ang ibig sabihin sa kanya ng dalaga.

"Kumain ka na nga, kumuha ka na ng kanin." Sabi pa ni Igo, pero hindi naman kumikilos ni Shey.

Napalatak na lang si Igo ng maalala ang nangyari kagabi. Ibinaba niya ang hawak na kutsara at nilagyan ng kanin ang plato ni Shey.

"Okay na. Kain ka na."

"Paano ako kakain ay may damo na naman itong ulam ko." Sagot ng dalaga sa kanya.

"Tinola ang pinaluto mo di ba? Natural na may dahon iyan ng sili at papaya. Paano ka ba kumain ng tinola?"

"Yaya Lourdes always give me only a soup and chicken meat. Hindi niya nilalagyan nitong ibang nakalagay." Sagot ni Shey na pinaningkitan naman ni Igo ng mata.

Ilang sandali pa ay narealize din ni Shey ang sinabi niya.

"Anong sabi mo? Yaya Lourdes? Ibig sabihin hindi ka talaga nawalan ng alaala, kasi may ibang pangalan kang binabanggit.

"No! I can't say any name ha. Sabi ko yah. Yeah, sabi ko yah ibig kong sabihin oo tinola nga ang pinapaluto ko. Pero hindi naman ako nakain ng ganyan kaya sabaw at manok na lang ang uulamin ko." Paliwanag ni Shey. Hindi man bumenta kay Igo ang sinabi nito. Kaya hindi na lang niya pinahaba ang usapan nila.

"Okay, anong gusto mong gawin ko?"

"Pwede bang alisin mo na lang para sa akin?"

"Ano pa nga ba?" Inalis na lang ni Rodrigo ang papaya at dahon ng sili na nakalagay sa mangkok nito at ang itinira na lang ay ang sabaw at karne ng manok.

Masaya naman si Igo, dahil sa naging magana namang kumain ang kanyang bisita. Naubos nito ang pagkaing ibinigay niya dito.

"Ang sarap ng luto mo."

"Napansin ko nga. Mabuti at nagustuhan mo. Sige na. Ako na dito. Mag-ayos ka na at tutungo tayo sa bayan." Ani Igo.

Matapos makapaghugas ng pinggan ay pinuntahan na niya si Shey, para makaalis na sila at ng makapamili ito ng gamit nito, pati na rin ng mga damit nito.

Pumasok naman ng kwarto ni Igo si Shey para hanapin ang wallet niya. Alam niyang dala niya hanggang sa pagpasok ng bahay ang wallet niya. Pouch lang iyon dahil hindi nga siya nagdala ng mismong wallet niya na may i.d's.

"Ito ba ang hinahanap mo?" Tanong ni Igo habang hawak ang wallet na hinahanap ni Shey.

"Oo ayan na nga. Saan mo nakita?"

"Sa bulsa ng damit na suot mo ngayon. Nakapa ko ng labahan ko kanina. Ipinatong ko yan sa ibabaw ng ref. Akala ko nakita mo na kanina. Tapos nakita ko na nandoon pa rin. Tara na, para makabili ka ng mga gagamitin mo."

Namula naman ang mukha ni Shey dahil naalala na naman niya ang paglalaba nito sa damit niyang suot ngayon. Pero pinilit niyang baliwalain iyon.

Sumunod naman siya kay Igo. Nakangiti pa siya ng maisip na sasakay na naman siya si tricycle. Masasabi niyang masarap sumakay sa sasakyang iyon. Lalo na at presko ang hangin na nararamdaman niya pagsakay doon. Hindi katulad ng sa kotse niya na need mo pang magbuhay ng aircon. Para makaramdam ng lamig.

Poorman Series: Rodrigo Cardenal Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon