Chapter 17

186 5 0
                                    

Chapter 17

Tanghali na ng makatapos magtanim sina Igo ng mais. Magulo kasing katulong iyong dalawa. Pinulot pa nila, isa-isa ang nagkalat na butil ng mais na nabitawan ni Shey kaya mas lalo silang nagtagal.

Nagpresinta naman si Chellay na magluto. Ayaw sana ni Shey pero wala naman siyang magawa dahil sa part na iyon wala pa siyang gaanong alam sa pagluluto. Tamang si Igo lang palagi ang nagluluto para sa kanilang dalawa. Prito pa lang talaga ang kaya niyang gawin kahit papaano.

Nanonood lang si Shey kay Chellay sa pagluluto. Naiinis man siya dito, pero wala  naman siyang maiipagmalaki.

"Okay ka lang?" Tanong ni Igo ng makalapit sa kanya. Tango lang ang naisagot ni Shey. Napatingin naman sa kanila si Chellay.

"Bakit s'ya lang ang kinukumusta mo? Ako kaya nagluluto dito. See napaso pa ako ng dahil sa kanya. Kung hindi niya ako kinulit dito hindi sana ako mapapaso. Wala naman pala siyang alam sa pagluluto." Reklamo ni Chellay, habang ipinapakita ang maliliit na paso, gawa ng pagtalsik ng mantika ng si Shey ang naglagay ng sibuyas at bawang sa kawali.

Napatingin naman si Igo kay Shey. Nakatungo ito. Isang buntong hininga naman ang pinakawalan ni Igo bago muling tumingin kay Shey.

"Ako na magtutuloy niyang niluluto mo. Gamutin mo muna iyang paso sa kamay mo." Ani Igo.

"Sus malayo sa bituka. Kaya ko namang tiisin. Masaya pa rin akong maipagluto ka. First time ko dito sa kusina mo, na ako mismo ang magluluto para sayo. Dapat nga masanay ka na. Hindi natin masasabi ang future di ba?" Nakangiting sambit ni Chellay at pasulyap na tumingin kay Shey.

Mas lalo lang nagbaba ng tingin si Shey. Magkaiba sila ni Chellay. Maarte siya at walang alam sa pagluluto. Kung sa kanya nangyari iyong natilamsikan ng kumukulong mantika baka nga umiyak na siya. Pero si Chellay hindi man lang kakikitaan na nasaktan. Pero sa totoo lang kanina pa niya gustong umiyak. Kasalanan naman kasi niya. Nahihiya lang talaga siyang makita ni Igo ang kahinaan niya. Tapos mas lalong mararamdaman niya na makakapuntos si Chellay kay Igo kaya naman nanahimik na lang siya.

"Sorry hindi ko naman kasi sinasadya hindi ko alam na sobrang init na noon, kaya nabigla ako at nabitawan ko ang lalagyan ni sibuyas at bawang." Pag-amin ni Shey sa kasalanan niya.

"See, aminado talaga siya na kasalanan niya. Tss." Ani Chellay.

"Ano bang lulutuin mo?"

"Ginisang kalabasa. Tapos may talbos ka pala dito ng kalabasa, pagsasamahin ko na. And may nakita akong tuyo, iprito ko na rin. Mas masarap iyon sa pananghalian." Masiglang wika ni Chellay at tumingin naman muli siya kay Shey.

"Okay lang makakain ko naman iyon. Siguro." Nakangiwi pero nakangiting aniya kay Igo.

"Matuto ka ngang kumain ng iba't-ibang gulay, ang payat mo oh. Para magkaroon ka naman ng laman. Hmmm." Ani Igo na ikinatango niya.

"Okay ka lang dyan Chellay, thank you sa pagluluto. Maghintay na lang kami nina Jose at Cy sa labas."

"Sure, ako ng bahala dito. Isama mo na rin yang si Shey sa labas, ako na lang dito. Honey ko." Halos pabulong na wika ni Chellay ang pahuli kaya hindi narinig ni Igo. Pero narinig ni Shey. Nginisian lang siya ni Chellay bago ipinagpatuloy ang ginagawa.

"Okay puntos mo ngayon Chellay, pag-aaralan ko rin lahat ng kaya mo. Akin lang si Igo." Aniya pa sa sarili ng isipan.

Hawak ni Igo ang kamay niya, at pinaupo siya sa isang upuan doon sa maliit na balkonahe. Nakaupo rin doon si Cy sa pasamano, at sa silya si Jose.

Napansin naman ni Igo ang pagkunot ng noo ni Jose na nakatitig kay Shey.

"Anong problema?" Maang na tanong ni Igo.

Poorman Series: Rodrigo Cardenal Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon