Chapter 32

186 4 0
                                    

Chapter 32

Madaling araw pa lang ay naghahanda na paalis si Piping. Hawak na nito ang sulat na ginawa ni Shey para kay Igo. Umaasa siyang sa pamamagitan ng sulat na iyon ay mauunawaan siya ng lalaking kanyang minamahal at dahil doon ay mapapatawad siya nito sa kanyang pagsisinungaling.

Sasakay na sana si Piping ng taxi na si Yaya Lourdes ang nagbooked ng makita nila ang paglabas ni Henry mula sa loob ng bahay.

"Shey! Lourdes, Piping! Anong nangyayari sa mga oras na ito, at nasa labas kayong lahat?" Mariing tanong ni Henry ng makalapit sa kanila.

Nagkatinginan naman ang tatlo at walang may balak magsalita. Pero kinalaunan ay si Piping na ang sumagot sa tanong ni Henry.

"Senyor, ako laang ay uuwi sa amin. Alam naman ninyong nagtutuyo ng pusit doon, ay tinawagan ako ng aking inay na may nakalaan na talaga sa akin. Iyon nga lamang ay hindi ako makakauwi para magbakasyon. Hindi ko naman maiwan si Susan, at baka mahulog ang loob sa iba. Kaya ako ay maaga ang alis ngayon senyor ay para naman makapagbonding naman ako sa aking pamilya. Para makabalik din ako mamayang hapon. At itong si Manang Lourdes ay naiibig din sa pinatuyong pusit." Paliwanag ni Piping na ikinahinga ng maluwag ni Shey.

"Ay ikaw Shey? Bakit naman nandito ka sa labas? Madaling araw pa lang ah." Aniya ng tingnan siya ng masama ng anak.

"Anong masama daddy? Bawal na po bang lumabas? Si Piping at si Yaya Lourdes lang ang nakakaintindi sa akin. Isa pa. Kumakain na ako ng sinasabi ni Piping. Masama po bang magbilin na kung maaari ay damihin niya iyon?" Inis na wika ni Shey at iniwan na sila ng dalaga at pumasol na sa loob ng bahay.

Isang buntong hininga naman ang pinakawalan ni Henry. Hindi talaga niya alam kung paano susuyuin ang anak. Si Piping naman ay tumuloy ng sumakay ng taxi at nagpaalam na sa kanila.

"Anong gagawin ko Lourdes?" Tanong ni Henry ng tapikin ng huli ang balikat niya.

"Hanggat hindi mo naaayos ang dapat mong ayusin ay wala akong magagawa. Hindi ko pwedeng utusan ang anak mo na maging mabait sayo. Dahil matagal na nating alam na sobrang bait ng anak mo. Iyon nga lang. Ikaw din ang nagtulak sa kanya para sumagot sa iyo ng pabalang." Sagot ni Lourdes at nagpaalam na rin sa kanya na papasok na ito sa loob ng bahay.

Siya na lang ang naiwan sa labas. Muli niyang pinagmasdan ang kwarto ni Shey. Wala na iyong ilaw. Kahit ang kurtina ay nakaharang na rin sa bintana.

Dalawang linggo ang lumipas ay wala man lang natatanggap na tawag si Shey mula kay Igo. Tinanong pa niyang mabuti si Piping kong kay Igo talaga nito ibinigay ang sulat na ginawa niya. Pero sinigurado naman ni Piping na sa binata talaga niya iyon ibinigay.

Flashback

Alas otso na ng umaga ng dumating si Piping sa bahay ni Igo sa San Lazaro. Hindi naman siya inihatid ng taxi na sinakyan niya gawa ng hindi daw pasok doon sa lugar na pupuntahan niya ang taxi kaya naman after sa taxi sumakay siya ng tricycle, para magpahatid sa bahay ni Igo.

Nasa harapan na siya ng bahay pero mukhang walang tao doon. Nakailang katok pa siya, bago bumukas ang pintuan at iniluwa ang wari mo ay binagyong si Rodrigo.

Magulo ang buhok nito na wari mo ay isang linggo ng hindi nasusuklayan. Ang mata nito ay mapungay na mukhang hindi nagkaroon ng maayos na tulog. Sa maghapon at magdamag na dumaan ay kitang-kita dito ang kamiserablehan na dinanas. Amoy na amoy din ang alak sa katawan nito. Kaya napailing na lang si Piping.

"Magandang umaga, Ginoong Rodrigo Cardenal. Ako nga po pala si Piping. Hardinero ako sa bahay ng mga Pagsinuhin. Nandito ako dahil sa utos ni Senyorita Shey. Iabot ko daw po sa inyo itong sulat niya." Mahabang pakilala ni Piping sabay abot ng sobre na naglalaman ng sulat ni Shey.

Poorman Series: Rodrigo Cardenal Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon