Chapter 30

208 4 0
                                    

Chapter 30

Patuloy lang na sinasabayan ni Igo ang mga halik na pinapadama ni Chellay sa kanya. Mainit, nanunudyo at mapaghanap. Lasing na lasing siya sa mga oras na iyon. Wala din sa katinuan ang kanyang paningin. Basta ang alam niya. Si Shey lang ang nasa isip at puso niya ng mga oras na iyon. Higit sa lahat wala siyang ibang nakikita kundi si Shey lamang. Si Shey na unang babaeng pumukaw sa kanyang puso. Ang babaeng kanyang mahal.

"Mahal ko." Ani Igo ng hawakan ni Chellay ang ulo nito para hindi makalayo sa kanya. Pero ilang sandali pa at si Igo na mismo ang bumitaw sa halik na kanilang pinagsasaluhan ng babaeng kaulayaw.

Si Chellay naman ay abot langit ang ngiti. Sino ang hindi? Ang lalaking mahal niya, pero ayaw nga lang sa kanya, ang ngayon ay kasama niya sa iisang kama. Sa kwarto nito, higit sa lahat ay matutupad na ang pangarap niyang may mangyari sa kanila. Ang makasiping si Igo ay pangarap na ni Chellay mula ng makilala niya ang binata.

Bumaba ang halik ni Igo sa panga ni Chellay, damang-dama ng dalaga ang init ng hininga ng binata na lalong nagbibigay init sa kanyang katawan.

"I-Igo." Impit niyang daing lalo na ng haplusin ni Igo ang kanyang likod. "Oohh... I-Igo.." Aniya ng bumaba ang halik ni Igo sa kanyang leeg. Mas lalo pa niyang itinagilid ang sarili para mabigyan ng access si Igo sa nais nitong gawin sa kanya. Nasa kainitan siya ng biglang tumigil si Igo sa paghalik, na ipinagtaka niya.

"Bakit ka tumigil?" Tila yamot na sambit ni Chellay dahil sa pagkabitin, ng mapansin niyang tinitingnan siya ni Igo. Napalunok naman si Chellay sa pag-aakalang nakilala ni Igo kung sino siya.

"Ba-bakit ka huminto?" Nauutal ng wika ni Chellay ng bigla siyang itulak ni Igo kaya naman bigla siyang nahulog sa kama.

"Aray! Ano ba Igo!?" Inis na tanong ni Chellay. Ang init kasi na nadama niya kanina ay napalitan na ngayon ng pagkairita. Nasaktan pa siya gawa ng pagkahulog sa kama. Habang nakatingin pa rin si Igo sa kanya.

"Hindi ikaw si Shey. Hindi ikaw ang alien na mahal ko." Ani Igo sa mababang boses.

"Ako kaya ito Igo. Ako ito mahal ko." Sagot ni Chellay at muling nilapitan si Igo para yakapin.

Itinulak namang muli ni Igo si Chellay palayo sa kanya. "Hindi ikaw si Shey. Naaalala kong umalis siya. Kasama noong mga nandito kanina. Isa pa magkaiba kayo ng amoy. Hindi ganyan ang amoy ni Shey. Iba ang amoy ng mahal ko."

Laglag pangang napatitig si Chellay kay Igo dahil sa sinabi nito.

"Ano ka? Aso? Paano mo  naman nasabing iba ang amoy ko? Ako nga ito mahal ko." Pangungulit pa ni Chellay ng biglang bumaba si Igo ng kama at nagtalukbong ng kumot.

"Igo! Alisin mo nga iyang talukbong mo!" Inis na tawag ni Chellay. Habang hinihila paalis kay Igo ang kumot nito. Sumiksik kasi ito sa gilid ng kama habang nababalutan ng kumot.

"Hindi ikaw si Shey. Kung alien s'ya, baka monster ka. Bakit mo ginagamit ang mukha niya!? Oo nga at pinaglaruan niya ang puso ko. Pero hindi ako maloloko ng isang monster na katulad mo na kakaiba ang amoy! Hindi ikaw si Shey. Ako ang bumibili ng sabon niya kaya alam ko ang amoy niya. Bukod pa sa mabangong natural na amoy niya kahit walang sabon!" Gigil na paliwanag ni Igo.

"Ako nga ito Igo."

"Kahit pa anong sabihin mo, dito lang ako at hindi ako maniniwala sayo! Kakaiba ang amoy mo kumpara sa babaeng mahal ko!" Sigaw ni Igo na mas lalong kinipit ang kumot na nakabalot sa kanya, para hindi maalis ng babaeng nagpapanggap na si Shey sa harapan niya.

Napagod na rin si Chellay sa kahihigit sa kumot at napahiga na lang sa sahig.

"Ano bang meron sa babaeng iyon. Wala na nga dito. Siya pa rin ang hanap ni Igo. Isa pa, aso ba itong si Igo. Mabango naman ako at bagong ligo bago nagtungo dito. Kainis! May sa alien nga ang babaeng iyon. May sa aso naman itong si Igo. Lasing na nga't lahat. Ang lakas ng pang-amoy. Kainis!" Reklamo ni Chellay ng tingnan ulit si Igo. Binato pa niya ito ng nalaglag na unan kanina. Pero wala itong kibo kaya naisip niya na nakatulog na ito sa sulok gawa ng labis na kalasingan. Nakatakip pa rin ng kumot na wari mo ay batang takot makakita ng multo.

"Pambihira, sa ganda kong ito?" Sabay turo sa sarili. "Mapagkamalan pa akong halimaw! Mababaliw ako sa pagmamahal sayo Rodrigo! Ano ba kasing amoy ng babaeng iyon! Kainis!" Aniya at mabilis ng bumangon mula sa pagkakahiga at nagtungo na lang sa labas ng kwarto ni Igo.

Kailangan niya ng malamig na tubig, para maibsan ang nabitin niyang pagnanais na maangkin si Igo, ng dahil lang sa lintik na amoy niyang, "hay ewan!" Inis niyang sambit at nagsalin na lang sa baso ng malamig na tubig at mabilis na ininom.

Sa kabilang banda, ay tahimik  na lumuluha si Shey, habang binabagtas ang malawak na highway pabalik ng Maynila. Nakatingin lang siya sa labas, at hindi pinapansin ang daddy niya na nasa passenger seat. Tatlo sila sa backseat. Si Piping, Yaya Lourdes at siya.

"Anak tahan na. Baka madehydrate ka na niyan. Uminom ka kaya muna ng tubig. Ito oh." Alo sa kanya ni Yaya Lourdes sabay abot ng isang bottled water.

"Y-yaya." Nauutal niyang tugon dito, at tumingin pa si Yaya Lourdes niya sa daddy niya.

"Tumahan ka muna anak. Magpahinga ka muna. Mamaya tayo mag-usap kung ayaw mong marinig ng daddy mo. Hmmm." Anito na ikinatango niya.

Ilang oras ang naging byahe nila, bago sila nakarating ng bahay. Nauna ng bumaba si Shey at hindi pinansin ang daddy niya.

Bagsak ang balikat na sinundan ni Henry ng tingin ang anak. Hindi siya nito pinansin at nagpatuloy lang sa paglalakad papasok sa loob ng bahay. Nagpaalam na rin si Piping sa kanya dahil may gagawin pa ito. Lumapit naman sa kanya si Lourdes.

"Henry, nakita mo ba kung gaano kalungkot ang anak mo? Para ko ng anak at apo si Shey. Hindi ko kayang nasasaktan ang batang iyon dahil lang sa ipinipilit mo ang gusto mo. Mula ng mawala si Sherin ako na ang tumayong kanyang ina. Kaya nasasaktan akong nakikita na nasasaktan si Shey. Ikaw ang kanyang ama, dapat ikaw ang mas unang nakakaunawa sa kanya." Paliwanag ni Lourdes. Inaya naman siya ni Henry na isang upunan na nandoon sa garden.

"Hindi ko alam. Babagsak kasi ang plantasyon kung hindi makakasal si Shey kay Daniel. Ang totoo niyan nakautang ako ng ilang milyon kay Danilo. Ang kapalit ay ang pagpapakasal ni Shey kay Daniel. Nalugi ang plantasyon ng ilang bagyo ang dumaan. Sunod-sunod iyon, kaya nasira ang lahat ng pananim. Natatandaan naman siguro ninyo ang mga kalamidad na iyon. Naospital pa ang sampong magsasaka ng pilitin nilang isalba ang mga tubo, at bungga ng mangga. Pero biglang natumhaban ng puno ng mangga ang sinisilungan nilang kubo noon. Nagpasalamat na lang ako na ang mga malala ang kalagayan ay naisalba ang buhay. Kung hindi baka hanggang ngayon inuusig pa ako ng aking konsensya. Ngayon naman ay nagtatrabaho na silang muli. Pero hindi pa rin sapat ang mga ani ng plantasyon para makabayad kay Danilo. Isa pa ang kompanya, hindi ko kayang mawala ang kompanya na maliban kay Shey ay mga alaalang iniwan ni Sherin." Naluluhang paliwanag ni Henry kay Lourdes. Isang buntong hininga naman ang pinakawalan ni Lourdes at napatingin kay Henry.

"Henry, para na rin kitang anak. Bakit hindi mo sabihin kay Shey ang sitwasyon ninyo? Alam kong mali, pero ang trust fund na iniwan ni Sherin sa anak niya ang pwedeng maging sagot sa problema mo."

"Hindi ko kayang galawin ang perang iyon. Para iyon sa kinabukasan ni Shey."

"Sa palagay mo? May magandang kinabukasan pa si Shey kung makakasal siya kay Daniel. Hindi naman sa panghuhusga. Kung ako lang ay may karapatan. Hindi ko hahayaang makasal si Shey kay Daniel. Sa mga masasakit na salitang binitawan niya sa binatang nakasama ni Shey noong nawawala ito. Hindi ko hahayaang makasama ni Shey si Daniel sa iisang bubong. Gwapo ang batang iyon, pero sa ugali, hindi na siya papasa." Ani Yaya Lourdes at tumayo na.

"Pag-isipan mo ang sinabi ko Henry. Mas mabuting piliin ni Shey kung ano ang makakapagpasaya sa kanya. Hindi iyong ipinipilit mo ang isang bagay, na sa bandang huli baka pagsisihan mo pa." Napatingin na lang si Henry kay Lourdes.

"Kakausapin ko muna ang alaga ko. Alam kong may kakaiba kay Shey at sa lalaking kasama niya doon sa San Lazaro. Payo lang kung itutuloy mo ang kasal ni Shey at Daniel, siguraduhin mong hindi ka masasaktan sa ganti ng sakit na pwedeng iparamdam ng iyong anak." Aniya at tinalikuran na si Henry.

Napatingin na lang si Henry sa malaki nilang bahay. Nakita pa niya sa bintanang salamin ng kwarto ng anak, si Shey na nakatingin sa malayo, habang ang patuloy pa rin sa pagluha.

"Paano ko hindi itutuloy ang kasal ninyo anak? Kung ang kapalit ng pagsira ko sa kontrata ay ang pagbagsak ng kompanya na pagmamay-ari din ng iyon ina. Kung mababaliktad lang ang sitwasyon sana."


Poorman Series: Rodrigo Cardenal Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon