Chapter 34

196 4 0
                                    

Chapter 34

Sabi nga kung kailan ayaw mong dumating ang mga araw ay saka naman parang hinihila ng ganoong kabilis ang araw. Nakatingin ngayon si Shey sa harap ng kalendaryo at binibilang kung ilang araw na lang at darating na ang pag-iisang dibdib nila ni Daniel.

Parang pinipiga ang kanyang puso, ng mabilang niya na ilang araw na lang iyon. Mas lalong naging abala ang mga tao sa paligid niya. Kahit ang daddy niya na nagdadalawang isip na ngayon ay napipilitang maging abala.

Flashback

Matapos ang araw ng kunin ng gumawa ng gown ang sukat niya, kinaumagahan noon, ay kinausap niya ang daddy niya tungkol sa tunay na dahilan kung bakit napilitan siyang ipakasal kay Daniel. Hindi ito tumanggi sa mga nalaman niya mula kay Daniel. Bagkos ay humingi pa ito ng tawad sa kanya.

Masama ang loob niya habang magkausap sila ng daddy niya. Naiiyak na siya noon. Habang magkausap sila ng daddy niya ay sumabat pa noon si Yaya Lourdes niya ng sabihin ang tungkol sa trustfund na iniwan ng mommy niya sa kanya.

"Patawad Henry. Hindi ko kayang maging miserable ang buhay ng alaga ko, ng dahil lang sa pagpapakasal niya kay Daniel." Ani Yaya Lourdes. Nilapitan ito ni Shey at niyakap.

"Daddy bakit hindi ko alam ang trustfund na iyon? Malaki ang maiitulong noon dad." Hindi niya iyon alam. Kaya naman kahit papaano ay nagkaroon siya ng kaunting pag-asa. Kung magagamit iyon at mababayaran ang utang nila sa mga Sarmiento, pwede ng hindi matuloy ang kasal. Maliligtas pa nila ang kompanya nila.

"Anak para sa future mo iyon. Galing sa mommy mo."

"Daddy, you know what? Akala mo ba magiging masaya ako sa piling ni Daniel? Mayaman nga ako at secure ang future ko. Pero paano naman ang puso ko dad. Dad naiwan sa San Lazaro ang puso ko. Mahal ko ang lalaking inalipusta ng Daniel na iyon! Kasintahan ko si Igo." Ani Shey at hindi na napigilan ang mga luhang namumuo sa kanyang mga mata. Mabilis iyong nag-unahan at naglaglagan.

"Ano namang nagustuhan mo sa lalaking iyon?"

"Okay hindi naman po ako tanga para hindi magets ang ibig ninyong sabihin. But Igo is more valuable than Daniel." May diin niyang sambit.

"Pero anak. Mahirap lang ang lalaking iyon. Pero si Dan---."

"Dahil si Igo, marunong makisama sa iba. Oo mahirap siya, pero daddy mabuti siyang tao." Putol ni Shey sa sasabihin pa ng daddy niya.

"Mabuting tao? Mapapakain ka ba ng kabutihan niya?"

"Bakit daddy? Mapapakain ba ako ng kayabangan ng Daniel na iyon?" Pabalang na sagot ni Shey kaya natigil sa pagsasalita si Henry.

"Matagal nga akong wala dito sa bahay, pero pumayat ba ako? Pansin ninyo tumaba pa nga ako. Kumakain na ako ng gulay. Si Igo ang nagturo noon lahat sa akin. Kahit papaano marunong na akong magluto. Higit sa lahat ang makontento sa mga bagay na meron ka. Ano ang magagawa ng sobrang yaman kung hindi naman ako masaya? Pakiramdam ko ikamamatay ko din, kung tatagal akong kasama si Daniel!" Halos pasigaw na sambit ni Shey, ng mapaupo ito sa katapat na upuan. Nanghihina talaga siya sa isiping malapit na siyang ikasal kay Daniel.

"Sorry anak. Pero kung ang magagawa ko lang para maging masaya ka ay ang hindi makasal kay Daniel, ay ang galawin natin ang trustfund siguro naman ay hindi magagalit sa akin ang mommy mo." Nakangiting wika ni Henry ng walang anu-ano ay tinakbo ni Shey ang ama.

"Thank you daddy. I love you po." Umiiyak na sambit ni Shey. Umiiyak siya kanina sa panlulumo, pero ngayon dahil masaya siya.

"I love you too Shey. Mahal na mahal kita anak."

Nang araw ding iyon ay ipinatawag ni Henry ang abogado ni Sherin na siyang nakakaalam ng tungkol sa trustfund. Abogado ito ng pamilya ng asawa, kaya naman malaki ang tiwala dito ni Sherin.

Poorman Series: Rodrigo Cardenal Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon