Chapter 22

204 3 0
                                    

Chapter 22

Tahimik lang si Shey habang iniisip kung sino ang lalaking nakita niya. Pero hindi naman niya maalala kung talagang nakita na ba niya ang lalaking iyon, o baka naman nagagandahan lang ito sa kanya. Kung tutuusin naman kasi, hindi naman pangpalengke ang ganda niya. Pero mas gugustuhin pa niya ang palengke kay sa mapunta sa maling tao.

Tanghali na at halos matatapos na rin sina Igo sa kanilang ginagawa. Ang lalaking nakita niya kanina ay hindi na muli niya nakita mula ng matapos itong makipag-usap sa cellphone nito, base na rin sa pagtitig nito sa kanya at sa ikinikilos ng lalaki kanina, ay umalis na ito at nagtungo sa kabilang bahagi ng truck kung saan walang init. Mataas na rin kasi ang sikat ng araw kanina.

"Baka naman talagang nahook lang sa beauty ko. Tama nagandahan lang siguro sa akin ang lalaking iyon. Malabo naman siguro na mamukhaan ako ng lalaking iyon. Lalo na at alam kung hindi ako ipapahanap ni daddy sa ganitong lugar." Pangungumbinsi pa ni Shey sa sarili. Wala talaga siya dapat ipag-alala.

"Pero sabihin mo na kaagad kay Igo kung may inililihim ka. Kaibigan ako, at ayaw kong masasaktan ang isa sa mga kaibigan ko. Habang maagap pa. Aminin mo na agad ang dapat mong aminin." Biglang wika, kay Shey ng lalaking hindi niya inaasahan na nasa tabi na niya. Kaya naman halos mahulog siya sa pagkakaupo niya sa tricycle ni Igo sa gulat.

"Paano ka nakarating dyan? Naman Jose, you scared me! Di ba kasama ka dapat nina Cy? What are you doing here?" May gulat pa ring tanong ni Shey, habang sapu-sapo ang dibdib na katapat ng puso.

"Rest I guess. Hindi ako namahinga kanina. Kaya dito na lang ako." Ani Jose habang nakatingin sa mga kasamahan na busy pa sa ginagawang pagbababa ng gulay at prutas mula sa truck.

"May alam ka ba tungkol sa akin?" Tanong ni Shey ng titigan niya si Jose, mata sa mata.

"Actually wala naman akong alam sayo. Maliban kwento mo kay Igo about kung paano kayo nagkakilala, at kung paano ko nalaman na nagsisinungaling ka."

Napayuko naman si Shey dahil sa sinabing iyon ni Jose. Tama siya may alam ito tungkol sa kanya. "Ano bang alam mo tungkol sa akin? Gusto kong malaman."

"Wala naman akong alam talaga sayo. Nakita lang kita noon na bumaba sa isang taxi na galing Maynila. Sigurado akong taga Maynila ang taxi na iyon, dahil walang ganoon dito sa probinsya. Alam kong bago ka lang din noon kaya sinundan kita hanggang sa makarating sa doon sa daan kung saan ka nakita ni Igo. Sinundan lang kita kasi delikado ang mag-isa. Isa pa babae ka at sa tingin ko wala kang alam dito sa probinsya tulad ng inaasahan ko. Pero ng makita kong isinama ka naman ni Igo. Hinayaan ko na kayo. Safe naman kasi ang kaibigan ko. Iyong nga lang safe ba ang puso ng kaibigan ko sayo?" Tanong ni Jose kay Shey, na muling ikinalingap ng tingin ni Shey kay Igo na may buhat na isang bundle ng siling panigang.

"Mahal ko si Igo Jose. Gusto ko din namang sabihin sa kanya ang naging sitwasyon ko. Kaya lang natatakot akong hindi niya ako maintindihan." Aniya na ikinatango lang ni Jose. Pakiramdam niya ay naghihintay pa ito ng kanyang sasabihin.

"Ang haba ng sinabi mo kanina. Tapos hindi ka na naman sumagot. Talagang sobrang importante lang ng mga lumalabas sa bibig mo. Ngayon, tahimik ka na ulit?" Dagdag pang sambit ni Shey na ipinagkibit balikat lang ni Jose.

"Sige na nga. Ikukwento ko na sayo. Dahil kaibigan ka ni Igo. Pero ako pa rin ang magsasabi sa kanya, bigyan mo lang ako ng sapat na panahon para magkaroon ng lakas ng loob." Wika pa niya, na ikinatango ni Jose.

"Hindi ko kasi alam kung saan ako pupunta noon. Ang alam ko lang nais kong makaalis sa poder ni daddy. Ayaw ko sa ginawa ni daddy na pagseset-up sa akin para ma-engage sa lalaking hindi ko mahal, higit sa lahat napakayabang, ng lalaking iyon. Sa araw ng engagement party namin tumakas ako. Tapos nagpahatid sa taxi driver, sa probinsya. Tapos ayon dito ako dinala. Hanggang sa noong bumaba na ako ng taxi, wala naman akong alam na pupuntahan. Kaya naglakad-lakad na lang ako noon hanggang sa makita ko si Igo sa hindi inaasahang pagkakataon." Paliwanag ni Shey na puro pagtango lang ang sagot ni Jose.

Poorman Series: Rodrigo Cardenal Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon