Chapter 31
Nakasimangot ang mukha ng maabutan nina Cy at Jose si Chellay na nakaupo sa isang upuhan doon sa balkonahe ng bahay ni Igo. Halos nasa tatlong oras din silang nawala, mula ng ipatawag sila ng boss nila sa palengke.
"Anong mukha yan Chellay? Wag mong sabihin na naiinis ka kasi naiwan ka ditong mag-isa kasama ang natutulog na si Igo. Di ba ikaw naman ang nagpresinta na bantayan ang isang iyon. Anong sinisimangot mo?" Tanong ni Cy ng lampasan sila ni Jose at diretsong pumasok sa loob ng bahay.
"Sinong hindi mapapasimangot? Nandoon na eh, malapit na akong mahubaran. Pero hindi natuloy. Alam mo iyon Cypher?" Anas pa ng kanyang isipan ng magulat siya sa pagsnap ng daliri ni Cy sa harapan niya.
"Natulala ka na? May masama kang ginawa kay Rodrigo ano?" Binigyan pa siya ni Cy ng mapanuring tingin, bago niya iniwasan iyon.
"Wala akong ginawa kay Igo. Nananahimik ako dito sa labas noh. Lumayas ka na nga sa harapan ko. Aalis na rin ako mamaya." Aniya at iniwan na nga siya ni Cy.
Pagpasok ni Cy sa loob ng bahay ay nadatnan niya si Jose na nakahalukipkip, habang nakasandal ang kanang balikat sa may pintuan.
"Kumusta naman si Igo? Bakit nandyan ka lang sa pintuan?" Takang tanong ni Cy ng lapitan niya si Jose. Nagulat pa siya ng makitang wala sa kama si Igo. Hanggang sa makita niya ang isang bulto na gumagalaw sa tabi ng kama.
"Anong ginagawa mo dyan sa sahig?" Ani Cy, ng maalis ni Igo ang kumot na tumatalukbong sa kanya.
"Nakita ko si Shey kanina. Pero kahit lasing ako alam kong hindi si Shey iyon. Kinukulit pa ako, at ipinagpipilitan niya ang sarili niya. Kaso kahit masama ang loob ko kay Shey. Kahit alam kong wala na kaming pag-asa, dahil ikakasal na siya sa iba ay hindi ganoong kadaling alisin ang presensya niya dito sa puso ko. Kaya naman dito ako natulog sa baba para naman mawala sa paningin ko ang babaeng nagpapanggap na si Shey. Teka lang hindi ba ninyo nakita? Bakit may nakapasok na ibang babae dito sa bahay ko?" Tanong ni Igo ng biglang pumasok si Chellay.
"Mabuti naman gising ka na. Wala na si Shey dito. Bakit ba hindi na lang ako? Sa akin mo na lang ilaan ang pagmamahal mo. Pangako Igo hindi ka magsisisi. Sayong-sayo lang ako. Puso, pagmamahal at katawan ko." Pagpipilit pa ni Chellay sa kanyang sarili kay Igo.
Nagkatinginan pa si Cy at Jose na alam na ang ibig sabihin. Ang babaeng tinutukoy ni Igo ay sure silang si Chellay. Hindi talaga nila mapapagkatiwalaan ang babaeng ito. Napailing na lang si Cy. Hindi man nila alam ang buong pangyayari. Pero alam nilang dalawa ni Jose, kung tukso man ang inilapit ni Chellay kay Igo. Sure na hindi ito nagtagumpay. Kilala nila si Igo. Hindi ito basta-basta nagpapadala sa tukso. Lalo na kung usaping pagmamahal. Minsan lang ito magmahal ng isang babae, at ang minsan na iyon ay si Shey lang.
Muling tumayo si Igo, at nilampasan silang tatlo. Hindi na nito sinagot ang sinasabi ni Chellay. Nagtungo ito sa harap ng ref, at kumuha ng beer na natira nila kanina.
"Igo naman. Hagya ka ng nahimasmasan, pagkagising mo alak na naman?" Ani Cy na pipigilan sana nito si Igo pero hindi naman siya nito pinansin.
"Hindi naman mapawi ng alak ang sakit. Parang gusto ko na lang na ako na lang ang magkasakit. Sobrang sakit ng nararamdaman ko. Naguguluhan ako. Gusto ko siyang pigilan ng umalis siya at sumama sa daddy niya. Pero wala akong karapatan, sa kanya." Umiiyak na namang sambit ni Igo.
"Kung pwede ko lang pahiin ng pambura ang pangalan ni Shey sa puso at isipan ko ginawa ko na. Mahal ko siya Cy. Jose mahal na mahal ko siya. Pero nagsinungaling siya sa akin. May nakalaan na pala sa kanyang iba. Pinaibig pa ako." May hinanakit sa bawat binibitawan niyang salita. Habang walang tigil sa pag-inom ng alak si Igo.
BINABASA MO ANG
Poorman Series: Rodrigo Cardenal
Roman d'amourBlurb Rodrigo Cardenal, isa sa tinitilian ng mga kababaihan sa loob ng palengke ng San Lazaro. Matangkad, matipuno higit sa lahat gwapo. Pero sa likod ng pangmodelong katawan at mukha, hindi siya mayaman. Sabi nga kung hindi siya magtatrabaho walang...