Chapter 2

274 4 0
                                    

Chapter 2

Galit na galit si Henry ng malaman niya na nawawala ang nag-iisang anak. Nandoon na silang lahat sa hotel, pati ang pamilya ni Daniel. Ganoong din ang mga bisita at si Shey na lang ang hinihintay para magsimula ang engagement party nito sa anak ng kanyang kumpadre na si Danilo. Pero ang spoiled niyang anak, nawawala.

Hinihintay kasi nila ang pagbaba nito ng sasakyan kaya nakaabang ang lahat sa entrance ng hotel. Nandoon din si Daniel na napakagwapo sa suot nitong puting tuxedo.

Bumaba ang driver nila at pinagbuksan ito ng pintuan. Pero pagbukas ng pinto ay walang Shey na sakay, kaya walang bumababa na babaeng nakasuot ng eleganteng puting damit.

"Nasaan si Shey?" Tanong agad ni Henry kay Yaya Lourdes na hindi din malaman ang isasagot.

"Sabay kaming bumaba ng bahay, nakita ko pa si Shey ng buksan niya ang pintuan ng backseat at sumakay. Tapos noon ay sumakay na rin ako kasama ng mga bodyguard. Kaya paano ko masasagot ang tanong mo kung nasaan ang batang iyon. Gayong alam kong nakasakay na naman siya sa loob ng kotse." Sagot ni Yaya Lourdes na sobrang nag-aalala na ngayon sa kanyang alaga.

"Ikaw naman Ryan. Ikaw ang nagmamaneho, paanong hindi mo nalaman na nawawala dyan si Shey?" Tanong ni Henry sa naatasan nilang magmaneho ng kotse ng anak.

"Señor, binuksan ng senyorita ang pintuan at isinara. Kaya ang alam ko ay nasa loob na siya. Napapansin po ba niyo ang harang na iyan? Hindi ko siya nakikita sa likod." Turo pa nito doon sa harang na nakalagay. Isa iyong makapal na telang itim at hindi malaman ni Henry kung kailan pa naroon ang telang iyon.

Napahilot na lang siya ng sentido. Sakit sa ulo ang anak niyang iyon. Kung sa pasaway ay baka mabigyan niya ito ng award para sa katagang iyon.

"Shey Pagsinuhin! Nasaan ka na bang bata ka?" Halos mapapikit si Henry sa hindi maipaliwanag na nararamdaman para sa anak. Kung maaari nga lang niya itong itali at ikulong sa mga oras na iyon ay nagawa na niya.

Napatingin naman siya sa kayang kumpadreng si Danilo. Kausap nito ang esposa, habang nakatingin sa anak na nakaupo sa isang silya at hinihilot din ang sentido.

"Nasaan ka na ba Shey? Bakit ba napakapasaway mo! Wala ka ng mahahanap na lalaki na kagaya ko. Pero binigyan mo pa ako ng kahihiyan sa mga oras na ito. Wag ka lang pahuhuli sa akin. Oras na magkita tayo, sisiguraduhin kong makakasal at makakasal ka sa akin." Ani Daniel sa isipan habang pilit na nilalabanan ang kahihiyang nararamdaman.

Nagtatangis ang bagang sa inis sa mga taong nakatingin ngayon sa kanila. Sa pamilya niya. Binibigyan siya ng mga mapanuring tingin na hindi niya matanggap. Pinagtitinginan siya ngayon ng mga bisita at naririnig pa niya ang bulungan ng mga ito.

"Ang hambog kasi."

"Karma lang niya yan. Masyado kasing babaero."

"Deserved."

"Oo nga at gwapo. Pero sobra naman, para ipagmayabang."

Ilan lang sa mga narinig niyang bulungan ng mga bisita. Lalo lang siyang nagngingitngit. Pero pinipilit ni Daniel na hindi sumabog. Baka lalong makagawa ng malaking eksena, at mailathala pa sila sa mga pahayagan, radyo at telebisyon. Kaya kahit nagngangalit ang kanyang kalooban. Mas pinili na lang niyang sarilihin ang pagkapahiyang nararamdaman.

Napatingin naman siya sa kanyang ama, na lumapit sa ama ni Shey. Gusto niyang magalit sa matanda, pero ng makita niya na galit din ito sa nangyaring pagkawala ni Shey ay hindi na lang siya nagsalita, ni magtanong.

"Henry ano bang nangyari kay Shey? Akala ko ay maayos ang usapan natin? Si Shey lang ang alam kong nababagay kay Daniel pero bakit naman ganito?" May hinanakit sa boses ni Danilo habang sinasabi iyon kay Henry.

Poorman Series: Rodrigo Cardenal Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon