Chapter 13
Nag-aagaw na ang liwanag at dilim ng magising ni Shey. Nag-iwas pa siya ng tingin kay Igo dahil nahihiya siya sa nangyari.
"Kumusta ang pakiramdam mo?" Tanong agad ni Igo ng mapansing gising na siya. Nakita din niya doon sina Cy at Jose.
"Sorry, hindi ko naman akalain na magkakaganito ako. Naging pabigat na ako sayo. Pati pagpapaospital ko." Nahihiyang sambit ni Shey.
"Kung anu-ano iyang naiisip mo. Wag mong alalaahin ang gastos. Mahalaga ay nasa maayos ka ng kalagayan." Nakangiti pang wika ni Igo.
"Salamat. Pero sorry talaga.."
"Wala iyon. Ano ka ba? Nasa poder kita, kaya dapat alagaan kita. Allergy ka daw sa manì? Sabi kasi ni dok, mabuti na lang at naagapan." Ani Igo ng mapatitig siya dito.
"May peanut ba doon sa ulam na dala ni Chellay? Hindi ko kasi alam. Sorry." Nagbaba ng tingin si Shey. Hindi naman kasi niya talaga alam na may peanut ang ulam na iyon.
"Ayos lang wala kang maalala di ba? Kaya sure na pati ang allergy mo ay nakalimutan mo rin." Sagot ni Igo.
Nahihiya man pero nakahinga ng maluwag si Shey. Oo nga at nagsisinungaling siya sa kalagayan niya. Pero sa totoo hindi niya alam na may peanut ang ulam na dala ni Chellay. Masarap iyon kaya niya nakain, pero hindi niya alam na manì pala iyong matamis at masarap niyang nalalasahan.
"Sorry ulit. Pero wag mong sasabihin kay Chellay na masarap nga siyang magluto. Kasi ang bagay na iyon ay hindi ko pa kayang gawin." Pag-amin ni Shey kaya ginulo na lang ni Igo ang buhok niya. Natawa na lang din si Cy at Jose na nagpaalam na sila na ang magtutungo sa billing para naman makalabas na si Shey at makauwi na sila.
Naalala pa nga ni Cy ang beer na dala nila. Dahil maayos na naman si Shey, at nabili na ang injection na sinasabi ni dok ay tuloy na daw ang inuman nila. Hindi naman magpapakalasing chill lang talaga.
Sinalubong agad sila ni Chellay pagkarating nila. Hindi pa rin pala ito umuuwi, mula ng umalis sila kanina.
"Anong nangyari? Kumusta?" Tanong nito kay Igo na mabilis namang naipulupot ang mga kamay sa braso nito.
"Si Shey ang naospital hindi ako. Bakit hindi ka pa umuuwi?" Tanong ni Igo.
"Nag-aalala kasi ako. Kaya hinintay ko na umuwi kayo. O kahit sina Cy or Jose. Mas mabuti na lang at nakauwi na kayong lahat." Ani Chellay pero kay Igo pa rin ang atensyon. Si Shey naman ay nakababa na ng tricycle ng alalayan ito ni Jose. Hindi na kasi nagawang alalayan ni Igo ng lapitan ito ni Chellay at lingkisin ang mga braso.
"Naku Chellay mga moves mo. Ayos naman si Igo kahit si Shey ang naospital." Sabat ni Cy.
"Wala bang masakit sayo? Okay ka lang talaga?" Nag-aalala tanong ni Chellay kay Igo at hindi pinansin ang sinabi ni Cy.
"Papasok na ako sa loob." Ani Shey, ng aalalayan sana ito ni Igo, pero hinigit ni Chellay ang huli.
"Hay naku Chellay." Naibulalas na lang ni Igo at sinundan na lang ng tingin si Shey na papasok sa loob ng bahay habang alalay ni Jose.
Ilang sandali pa ay lumabas na rin si Jose, inihatid lang naman nito Shey sa bungad ng kwarto ni Igo. Lumabas din si Cy na galing sa kusina bitbit ang beer na dala nito kanina, at ang mga sitsirya.
"Ituloy na natin ito. Hindi naman tayo magpapakalasing, lalo na at may babantayin si Igo. Chill lamg tayo. Nag-alala lang talaga tayong lahat kanina." Ani Cy habang inilalagay sa maliit na mesa ang mga beer at mga pulutan nila. Naupo naman si Jose sa isang silya nanandoon.
"Ano bang nangyari kay Shey, at nagkaganoon?" Mataray na tanong ni Chellay sabay kuha ng isang beer.
"Oi Chellay bawal sayo ang alak." Puna ni Cy.
BINABASA MO ANG
Poorman Series: Rodrigo Cardenal
RomanceBlurb Rodrigo Cardenal, isa sa tinitilian ng mga kababaihan sa loob ng palengke ng San Lazaro. Matangkad, matipuno higit sa lahat gwapo. Pero sa likod ng pangmodelong katawan at mukha, hindi siya mayaman. Sabi nga kung hindi siya magtatrabaho walang...