Chapter 27

155 3 0
                                    

Chapter 27

Nagising ng madaling araw si Shey at nakaramdam siya lamig. Hindi na nila nagawang magsuot ng damit ni Igo matapos ang ilang beses na pagniniig. Sa sobrang pagod na kanilang nadama ay nakatulog na sila kaagad.

"Saan ka pupunta mahal ko?" Tanong ni Igo na biglang magising dahil sa pagkilos ni Shey.

"Nilalamig ako." Walang gatol niyang sagot, lalo na at nababalutan lang ng kumot ang hubad nilang mga katawan.

Pero bago pa nakabagon si Shey ay muli na namang sinimulan ni Igo na halikan ang kasintahan na wari mo ay unang beses lamang na may mangyari sa kanilang dalawa.

Pagod at pawisan na napailing na lang si Shey dahil hindi niya matanggihan ang kasintahan. Kahit habol pa rin sa paghinga ay tumayo si Igo at kumuha ng malinis na towel at maligamgam na tubig. Galing pa sa thermos ang mainit na tubig na iyon para punasan ang pagal na katawan ng kasintahan. Matapos ang ginawa ay siya na rin ang nagbihis dito.

"Tulog ka na muna mahal ko. Alam kong pagod ka, tapos pinagod na naman kita. Maglilinis lang din ako ng katawan at tatabihan ulit kita dito. Hmm." Ani Igo na sinang-ayunan ni Shey.

Halos mawalan na si Shey ng malay, dahil sa pagod at antok bago pa makalabas si Igo sa kwarto niya. Hinalikan muna niya ang kasintahan sa noo, bago siya lumabas at nagtungo sa banyo.

Mataas na ang araw ng muling magising si Shey. Masakit man ang katawan, ay ramdam niya ang pamumula ng kanyang pisngi. Para siyang teenagers na kinikilig ng maalala na halos hindi siya tigilan ng nobyo sa nagdaang gabi. Nakatulog nga sila dahil sa pagod, pero ng magising siyang muli ay nakahirit pa nga ito ng isa pa.

Ngunit ang ngiti na nakapinta sa kanyang labi ay unti-unting napalitan ng pagkunot ng kanyang noo. Nakarinig siya ng ingay sa labas. Pinapakinggan niya ang mga boses ng mga taong nandoon hindi lang dalawa. Maraming boses ang kanyang naririnig.

Bigla naman siyang napabangon, ng marinig ang isang boses na kilalang-kilala niya. Nangangatal pa siya sa pagbangon. Pero kailangan niyang harapin kung ano ang madadatnan niya sa labas. Natatakot siya, oo. Pero siguro nga need na niyang harapin ang buhay na tinakasan niya.

Flashback

Ilang araw ng nakatira si Bernie sa bahay na inioffer ni Chellay sa kanya. Palagi na lang niyang sinusubaybayan si Shey, mula ng makita ang bahay na tinutuluyan nito. Mabait naman kasi ang senyorita sa mga katulad nilang hindi ka-level ng mga ito. Kaya naman hati ang kalooban niya kung ipapaalam na sa daddy nito kung nasaan ito o hindi pa. Hanggang bigla na lang itong tumawag.

"Senior." Bati niya dito ng makita na ang daddy ni Shey ang tumatawag.

"Ano na ang balita sa sinabi mo sa akin? Nakita mo na bang muli ang babaeng sa tingin mo ay ang aking anak? May bakita na ba kay Shey?" Tanong ni Henry sa kanya. Napalunok naman siya bigla at nahihirapan kung paano pagtatakpan ang kaniyang nalaman.

"Nakita ko po ulit siya doon sa may palengke. Malaki po ang pagkakahawig niya sa senyorita. Pero hindi ko pa po nalalapitan. Inaalam ko pa po kung saan siya nakatira." Pagsisinungaling niya.

"Sana ay magkaroon ka na ng magandang balita sa susunod. Nagtatanong na si Daniel, lalo na at wala itong napala sa huling bansa kung saan niya hinanap ang aking anak."

"Opo senior. Nagpadala po ba kayo ng imbestigador dito?" Lakas loob na tanong ni Bernie.

"Hindi, dahil kung magpapadala ako dyan. Susunod na dyan si Daniel. Ayaw kong mawala na naman agad ang aking anak. Dahil tatakasan na naman niya si Daniel pagnagkataon."

"Naiintindihan ko po senior. Umasa po kayong pagbubutihan ko ang ipinag-uutos po ninyo, at hindi ko po sasabihin kay Sir Daniel."

"Salamat Bernie. Bibigyan kita ng reward, masigurado mo lang at makita mo ang anak ko. Na ligtas at nasa maayos na kalagayan."

Poorman Series: Rodrigo Cardenal Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon