Chapter 37
"Itigil ang kasal!" Sigaw nito kaya natuon ang atensyon ng lahat ng tao sa loob ng simbahan sa kanya.
Sabay pa silang napatingin ni Daniel sa sumigaw. Makikita sa mata nito ang lungkot at takot. Pero nandoon ang mumunting lakas ng loob para pigilan ang kasal nila.
Umayos ng tindig si Daniel at mariing pinagmasdan ang babaeng sumigaw na itigil ang kasal nila na nasa may pintuan pa lang ng simbahan.
Halos pangapusan pa ito ng paghinga. Malamang ay dahil sa pagmamadali nitong magtungo ng simbahan.
"R-Rachelle?" Nauutal na sambit ni Daniel ng makita ang mukha ng babae. Namumutla ito at halos mawalan na ng kulay. Naglalakad na ito papalapit sa kanila. Marahan lamang iyon at wari mo ay hirap maglakad o may iniindang sakit.
"Pakiusap, Sir Daniel. Wag mong ituloy ang kasal." Anito habang punong-puno ng mga luha ang mga mata. Nasa malapit na ito. Ilang dipa na lang ang layo sa kanila ni Shey. Ang mga magulang naman ni Daniel ay nakatingin lang kay Rachelle.
"Hindi ko po intensyon na masira ang kasal mo. Ninyo ni Maam Shey. Kaya lang po. Hindi ko po alam kong paano ko kakayanin na makakasal sa iba ang ama ng aking anak." Paliwanag nito na nagpasinghap sa lahat.
"Alam ko pong mali ang nangyari sa atin ng gabing iyon. Nang umalis si Maam Shey ng engagement dapat ninyo, noong naglasing ka. Alam kong hindi mo iyon nakakalimutan, dahil ikaw ang nauna. Pero ipinangako ko sayo na walang makakaalam. Kaya lang Sir Daniel buntis ako." Umiiyak na wika ng babaeng nagngangalang Rachelle.
Kilala ni Shey ang babae. Anak ito ng katulong sa bahay nina Daniel. Pero estudyante pa lang ito at nag-aaral.
Tahimik na nakikinig lang ang lahat ng tao sa loob ng simbahan. Nakita din nila ang pagmamadali ng mga magulang ni Rachelle na kapapasok lang sa loob ng simbahan.
Katulong ang mag-asawang magulang ni Rachelle sa bahay ng mga Sarmiento. Ang nanay nito ay ang taga linis ng bahay, habang ang tatay nito ay ang hardinero nila. Si Rachelle ay college students at graduating na dapat. Pero ngayon lumalabas na nabuntis ito ni Daniel.
Maganda si Rachelle, palagi itong nananalo sa mga patimpalak lalo na sa larangan ng pangandahan sa unibersidad na pinapasukan nito. Alam din ni Daniel na may lihim na pagtingin sa kanya ang dalaga at tanggap nito na hanggang nakaw tingin lang ito sa kanya. Ang gabing may nangyari sa kanila ay ito din ang nagsabi na ililihim nito ang araw na iyon. Tinanggap nito ang isang gabing iyon ay isa lang one night stand lamang. Pero ibang usapan ang usaping nabuntis niya ito.
"Rachelle?" Muling sambit ni Daniel habang nakatingin sa mukha ng dalaga.
"Sir pasensya na po. Uuwi na po kami." Pahayag ng tatay ni Rachelle. Hinawakan nito ang kamay ng anak at marahang inakay papalayo.
Alam niya kung bakit ganoon ang ikinikilos ng mga magulang ni Rachelle. Malaki ang utang na loob ng mga ito sa pamilya nila. Dahil noong nagkasakit sa kidney ang ama ni Rachelle at halos ikamatay na nito ay ang pamilya nila ang tumulong para maisalba ang buhay nito. Kaya kahit sila ang agrabyado dahil sa nabuntis niya ang anak ng mga ito, ay parang ito pa ang nahihiya sa pamilya nila.
"Sir Daniel, Senior Danilo, Maam Dahlia pasensya na po sa gulo." Hinging paumanhin ng ina ni Rachelle at inakay na rin ang anak papalayo sa kanila.
"Daniel! Anong kaguluhan ang pinasok mo!" Galit na wika ng ama, na ngayon ay nakabawi na sa pagkabigla
"Dad! Hindi ko alam."
"Hindi mo alam? Paanong hindi mo alam? Ano yan? Nang matitigan mo si Rachelle bigla na lang siyang nabuntis?" Halos mamula na sa galit ang kanyang ama, pero piniligilan pa rin nito ang sarili.
BINABASA MO ANG
Poorman Series: Rodrigo Cardenal
RomanceBlurb Rodrigo Cardenal, isa sa tinitilian ng mga kababaihan sa loob ng palengke ng San Lazaro. Matangkad, matipuno higit sa lahat gwapo. Pero sa likod ng pangmodelong katawan at mukha, hindi siya mayaman. Sabi nga kung hindi siya magtatrabaho walang...