Chapter 19
Hindi mawala ang mga ngiti ni Shey pagmulat ng kanyang mga mata kinaumagahan. Hindi lang niya mapaniwalaan na pareho sila ni Igo ng nararamdaman, at ngayon sila ay ganap ng magkasintahan.
Sa bawat araw na nakakasama niya ang binata ay hindi niya maipaliwanag ang sayang kanyang nararamdaman, kahit noong sinusungitan pa siya nito, pero maalaga naman. Bigla din siyang napabangon ng maalala ang dahilan kung bakit siya napunta sa poder ni Igo.
Naglaho ang ngiti na kanina lang ay nakapaskil sa kanyang labi. Ang tuwa, at saya na kanyang nararamdaman ay nabalutan ng takot at pangamba sa maaaring mangyari sa relasyon nila ni Igo pagnatagpuan siya ng daddy niya.
"Tama, dapat kung ipagtapat kay Igo ang lahat." Buo ang desisyon niyang iyon pagbangon niya sa kama. Akmang bubuksan niya ang pintuan ng kwarto ng marinig niya ang malakas na boses ni Igo. Sa tingin niya ay nandoon ang mga kaibigan nito.
"Ang aga naman ninyong mambwisit!" Sita ni Igo sa bagong pasok.
"Ang damot mo dito sa bahay mo. Sa totoo lang dapat kagabi pa kami. Kaso hindi kami nakatuloy ni Jose. May dalawa kasi kaming love birds na nakita sa may daan, nag-uusap ng walang pagitan ba." Birong totoo ni Cy ng makatanggap ng pambabato ni Igo ng potholder na hawak nito. Nagpapakulo kasi si Igo ng tubig sa takure para sa kape.
"Sinasabi mo!?" Singhal ni Igo, pero agad ding napangiti ng maalala ang pag-amin nila ni Shey sa nararamdaman nila kagabi.
"Deny-deny ka pa dyan Rodrigo Cardenal. Kitang-kita namin. At dahil mabait kami ni Jose, hindi na namin kayo inabala. Kaya ngayon na lang umaga. Tamo kita mo ang bitbit ni Jose." Sabay turo ni Cy kay Jose na nakaupo sa mahabang upunan na kawayan, ang dating hinihigaan ni Igo sa salas.
Itinaas naman ni Jose ang supot ng tinapay na dala nito. "Mainit na pandesal, at iyong isa ay bagong luto rin na pineapple pie." Ani Cy at hindi makapaniwala si Igo na tiningnan ang dalawa.
"Dadayo na naman kayo ng kape?" Wala bang mga kape sa bahay ninyo?" Inis na tanong ni Igo na ikinatango ni Jose. Tumawa namang bigla si Cy dahil sa sagot ni Jose.
"Naibili ko na ng pandesal at pineapple pie, kaya dito na lang kami makikikape." Ani Jose na hindi mapaniwalaan ng dalawa.
"Nice one Jose, dalasan mo yang pagsasalita mo. Para damang-dama na kasama ka talaga namin ni Igo.
"Oo na magtitimpla na ako ng kape, wag kayong maingay baka magising n'yo si Shey. Mga pasaway." Aniya sabay talikod sa dalawa.
"Tahimik nga lang kami. Ngayon aminado ka na bang binabahay mo si Shey, at hindi basta pinatuloy lang." Mahinang sigaw ni Cy kaya naman napabalik si Igo sa may salas.
"Bibig mong Cypher ka. Sabi ng hindi ko nga iyon ibinabahay, magkaiba iyon. Kasintahan ko na si Shey. Happy! Pero hindi ko s'ya ibinabahay. Iginagalang ko iyon kasi mahal ko iyon. Ayos na!" Hindi mapigilang sigaw ni Igo kay Cy kaya naman natawa na lang si Jose.
Hindi naman mapigilan ni Shey ang kilig sa mga narinig niyang sinabi ni Igo. Hindi tuloy niya malaman kung paano siya lalabas ng pintuang iyon. Bukod kay Igo, bigla naman siyang nahiya sa dalawang kaibigan nito.
Habang nag-iisip si Shey kung lalabas na ba siya o hindi, ay narinig niyang inaya ni Igo ang dalawa sa may balkonahe para doon magkape. Narinig din niya ang pagsunod ng dalawa. Unti-unti niyang binuksan ang pintuan para hindi marinig ni Igo na gising na siya. Hindi kasi niya alam kung paano haharap kay Igo. Unang umaga na sila na ni Igo bilang magkasintahan.
"May tanong ako Igo." Pukaw ni Cy kay Igo habang nakaupo sa isang hamba, ganoon din si Cy. Si Jose lang ang nakaupo doon sa upuan sa harap ng mesa doon.
BINABASA MO ANG
Poorman Series: Rodrigo Cardenal
RomanceBlurb Rodrigo Cardenal, isa sa tinitilian ng mga kababaihan sa loob ng palengke ng San Lazaro. Matangkad, matipuno higit sa lahat gwapo. Pero sa likod ng pangmodelong katawan at mukha, hindi siya mayaman. Sabi nga kung hindi siya magtatrabaho walang...