Chapter 40
Dalawang araw ang itinagal ni Shey sa ospital. Dala na rin ng sobrang pag-iisip noong nakaraan kaya naman pinayuhan ito ng doktor na manatili muna ng ospital.
Pagkababa ng sasakyan ay hindi kaagad nakakilos ang tatlo. Nakatingin kang sina Igo sa malaking bahay na nasa kanilang harapan. Si Shey naman ay inihatid ng daddy nito at ni Yaya Lourdes papasok sa loob ng bahay.
"Igo ang yaman naman ni Shey ang laki ng bahay." Puna ni Cy na ikinabuntong hininga ni Igo. Nakatitig lang din naman si Jose sa dalawa.
"Masyado nga silang mayaman. Hindi ko naman akalaing ganito. Pero minahal ko lang naman si Shey bilang s'ya. Hindi ko naman expectedang ganito." Sagot ni Igo na napatinging muli sa malaking bahay.
"Hindi ako hinayaan ng daddy ni Shey na magbayad ng bills sa ospital. Nahihiya ako bigla biglang magiging asawa niya. Kung halimbawa magkaroon ng problemang ganoon ay aasa na lang ba ako palagi sa in laws ko? Hindi ko alam. Pero hindi ko talaga alam ang gagawin at isasagot ko." Ani Igo ng maramdaman ang marahang tapik sa kanyang likuran.
Nakita niya ang nakangiting mukha ng daddy ni Shey. Napayuko na lang siya dahil hindi niya alam kung narinig ba nito ang kanyang sinabi.
"Anong ginagawa pa ninyong tatlo dyan. Halina kayo sa loob. Nasa kwarto na niya si Shey at nagpapahinga. Sinabi kong ako na lang muna ang bahala sa inyo."
Pumasok sila sa loob ng malaking bahay. Puro mamahaling kagamitan ang tumambad sa kanila. Kung tutuusin nga. Masasabing sinampal sila ng kahirapan sa pagkakataong iyon. Pero wala naman silang nakikitang pagmamalaki sa mukha ng daddy ni Shey.
"Feel at home mga anak. Alam kong pagod kayo sa byahe noon nakaraan. Bukod pa sa kung gaano katagal si Shey sa ospital ay nandoon lang din kayo. Wag kayong mahiya magsiupo kayo."
Sumunod naman silang tatlo at naupo sa pantanluhang upuan. Naglabas naman si Yaya Lourdes ng orange juice at cookies bilang meryenda.
"Thank you po." Sagot ni Igo ng ilapag sa harapan niya ang baso ng orange juice. Ganoon din ang dalawa.
"Bueno, nasaan ba ang mga magulang mo Rodrigo. Kailan ba ang pamamanhikan?" Tanong ni Henry na hindi kaagad ikinasalita ni Igo.
Napatingin siya sa daddy ni Shey. Nawalan siya ng sasabihin sa mga oras na iyon. Wala na siyang pamilya, maliban kina Cy at Jose. Hindi naman niya akalaing aabot siya sa punto na magmamahal siya ng babaeng halos isang libong beses ang yaman sa kanya. Ang nasa isip lang niya noon ay pag may babaeng pumukaw ng puso niya ay iyon na talaga ang nais niyang makasama. Pero hindi niya akalain, babaeng mayaman na taga Maynila ang magpapatibok ng puso niya.
"Rodrigo?" Tawag muli ni Henry sa kanya.
"Sorry po. Ulilang lubos na po ako. Si Cy at Jose na lang po talaga ang aking kapamilya. Bata pa lang po ako ng iwan ako ng aking mga magulang. Dahil sa hirap ng buhay, natuto po akong kumayod para buhayin ang aking sarili. Hanggang umalis ako sa aming lugar at napadpad ng San Lazaro. Doon po ako hinubog ng panahon hanggang sa tumuntong sa edad kong ito. Mahirap lang po ako aminado po ako doon. Kaya patawarin po ninyo ako kung minahal ko ang anak ninyo at minahal din niya ako pabalik." Paliwanag ni Igo na hindi gaanong maunawaan ni Henry ang kanyang pinupunto.
"Hijo, alam kong matanda na ako. Pero hindi ko gaanong makuha ang nais mong sabihin. Nandoon na tayo sa solo ka na lang sa buhay. Pasensya na sa tanong ko. Hindi ko alam. Pero ano naman ang masama kung nagmamahalan kayo ng anak ko? Dati oo, may pakialam ako. Nais ko sana ay mayaman ang para sa aking anak. Kaya gustong-gusto ko si Daniel. Kaya lang hindi sila ang para sa isa't-isa. Dahil kayo pala ang nakatadhana."
"Dahil po mahirap lang ako. Iyong pagbabayad po ninyo ng hospital bills ni Shey. Sampal po sa kahirapan ko iyon. Ganoon din ng makarating po ako dito sa bahay ninyo. Alam kong natatandaan ninyo kung ano lang ang bahay ko. Halos hindi pa po yata umabot sa ikaapat na bahagi nitong salas ninyo ang kabuoan ng bahay ko. Higit sa lahat ay ang hindi na kagandahang bahay ko. Ngayon sasabihin ko pong nahihiya po akong hinayaan kong patirahin si Shey sa bahay ko. Patawad po." Nakatungong wika ni Igo habang kausap si Henry.
BINABASA MO ANG
Poorman Series: Rodrigo Cardenal
RomanceBlurb Rodrigo Cardenal, isa sa tinitilian ng mga kababaihan sa loob ng palengke ng San Lazaro. Matangkad, matipuno higit sa lahat gwapo. Pero sa likod ng pangmodelong katawan at mukha, hindi siya mayaman. Sabi nga kung hindi siya magtatrabaho walang...