Chapter 33

161 2 1
                                    

Chapter 33

Nakaupo lang sa labas ng bahay si Igo at nakatingin sa kawalan. Solo lang siya ng mga oras na iyon. Hawak ang bote ng beer na kanyang iniinom. Hindi niya maipaliwanag ang sakit na kanyang nararamdaman.

"Ganoon ba talaga katindi ang pagmamahal na inilaan ko sayong alien ka? Naiinis ako sa sarili ko kasi nasasaktan ako sa nangyari sa atin. Ni minsan hindi ako naghangad na maging mayaman. Ang mabuhay ng masaya kasama ang mga kaibigan ko ay sapat na. Pero ng dumating ka. Mas lalo akong naging masaya. Iba pa pagkasama ko iyong dalawa. Akala ko sapat na iyon. Kasi mahal mo ako at mahal na mahal kita. Pero bakit naman ang daya Shey. Dapat ba maging mayaman din ako, para ako ang piliin mo?" Tanong niya habang patuloy na umiinom. Lalaki siya pero maya't-maya na lang lumuluha siya.

"Igo sa akin mo na lang kasi ilaang ang pagmamahal mo. Hindi lang dito sa lupa kita dadalhin, pati sa langit." Mapang-akit na sambit ni Chellay. Kakaiba din ang suot nito ngayon. Isang spaghetti strap crop top na hakab na hakab sa maganda nitong katawan. Kitang-kita rin ang bilugan nitong dibdib. Kung tutuusin ay mas malaki iyon kay sa kay Shey. Nakasuot din ito ng ng jogging pants na cute tingnan para sa babaeng maganda ang katawan.

Isang buntong hininga ang pinakawalan niya at umiwas ng tingin kay Chellay. Naaalala niya si Shey sa pananamit nito ngayon.

"Bakit ba ganyan ang suot mo Chellay?" Tanong niya at hindi pinansin ang sinabi ni Chellay.

"Hindi ba obvious Igo. Syempre inaakit ka?" Maarte nitong sagot ng magpakawala si Igo ng mapang-uyam na tawa.

"Aakitin mo ako sa pananamit na iyan? Naiinis nga ako sa pananamit na iyan, kasi ganyang-ganyang manamit si Shey. Gusto ko na siyang kalimutan. Pero ikaw ang nagpapaalala sa kanya." Ani Igo ng umalis bigla si Chellay sa harapan niya.

Patuloy lang sa pag-inom si Igo, pero ilang minuto lang ay bumalik din si Chellay. Maikli ang suot nitong short na abot sa kalahating hita nito at t-shirt na fit sa katawan ito. Iyon talaga si Chellay at hindi iyong ginayang style ni Shey.

"Igo pansinin mo na ako. Gusto mo bang dalahin kita sa langit?" Pagbubugaw na naman ni Chellay sa sarili ng mapangiwi si Igo.

"Naririnig mo ang sarili mo Chellay? Paano kong sabay tayong tumalon sa bangin ng sabay tayong makarating sa langit? Payag ka?" Ani Igo sabay ubos sa iniimon na beer.

Napanganga naman si Chellay sa sinagot ni Igo, ng makarinig sila ng isang hagalpak na tawa. Napatingin na lang sila kay Cy na namumula na sa pagtawa. Si Jose naman ay tahimik na nagingiti sa narinig.

"Anong tinatawa mong Cypher ka!?" Inis na tanong ni Chellay habang masama ang tingin kay Cypher.

"Kasi one hundred percent accurate ang sagot ni Igo sa pagpunta ninyo ng langit. Gusto mo irecord ko pa?" Wala pa ring humpay sa katatawa si Cy hanggang sa lumapit na sila ni Jose kay Igo.

Si Chellay naman ay hindi na rin nagtagal doon sa inis nito kay Igo at sa pang-aasar ni Cy. Si Jose naman ay tahimik na nagbukas ng beer at tinungga iyon.

Nasa dalawang linggo na rin naman mula ng malaman nila ang katotohanan tungkol kay Shey. Sinasamahan na lang siya ni Cy at Jose. Ramdam niya na nag-aalala ang mga ito sa kanya. Pero ano ang magagawa niya. Hindi niya mapigilan ang sarili na hindi uminom ng alak. Hindi kasi siya makatulog pag hindi lasing dahil kahit galit siya kay Shey. Mahal na mahal naman niya ito.

Magtatrabaho siya sa umaga. Mahina naman ngayon ang pagkakargador, kaya naman maagap silang makauwi, hindi tulad ng nakaraan na inaabot sila ng gabi. Kaya sa hapon pagkakauwi ng bahay, alak na kaagad ang karamay niya.

"Dapat ba naging mayaman ako?" Wala sa isip na tanong ni Igo.

"Hindi mo naman kailangang maging mayaman para magustuhan ka ng babaeng mahal mo. Ang mahalaga pa rin ay mahal mo siya. Bonus na iyong mayaman. Pero sa sitwasyon mo. Hindi ka man mayaman. May ipon ka naman. Kaya mo ngang bumuhay ng pamilya na may tatlong anak. Sa sipag mo, mas madadagdagan pa ang ipon mo at makakaya mo pa silang mapagtapos ng kolehiyo. Isa pa. Akala mo ba hindi namin alam na itong lupa at bahay na ito, ay sayo na. Alam naming nabili mo na ito, doon sa may-ari. Kasi inioffer din noon sa amin ni Jose kung nais naming itulad sayo, ang renta ng bahay. Rent to own na rin. Paalis na sila sa susunod na taon at doon na maninirahan sa ibang bansa. Kami ni Jose ay anim na buwan pa at sarili na rin namin ang lupa at bahay na tinitirahan namin. Kaya hindi mo need na maging mayaman. Need mo ay ipaglaban kung ano ang dapat sayo." Mahabang paliwanag ni Cy habang tatango-tango lang si Igo.

Poorman Series: Rodrigo Cardenal Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon