Chapter 7
Laglag pangang nakatingin si Igo sa dalawang kaibigan habang nakangisi sa kanya. Buhat-buhat pa rin niya si Shey na ngayon ay kapit-tuko pa ring nakakapit sa leeg niya.
"Anong ginagawa ninyo dito?"
"Enjoying the view." Sagot ni Cy kaya naman napailing na lang si Jose. Tulad din ni Rodrigo ay nakakaintindi at nakakapagsalita naman sila ng Ingles. Hindi lang talaga katulad ng iba na kahit mabilis na salita ay nagkakaintindihan.
"Iyong totoo? Anong ginagawa ninyo dito?" Ulit na tanong ni Igo na hindi yata napapansin na sa mga oras na iyon ay buhat pa rin niya si Shey.
"Hindi mo kasi kami inaya na magkape na dati naman ay palagi mong ginagawa. Kaya naman, pinatuloy na namin ang mga sarili namin dito sa bahay mo." Paliwanag ni Cy.
"Saka ko na kayo, iimbintahang magkape magsilayas na kay-." Napahinto ng pagsasalita si Rodrigo ng mapatingin siya kay Jose na naglakad patungo sa may lamesa at naupo sa may silya.
"Ang kulit!" Inis na pa sambit ni Igo.
"Mapapalayas mo ba si Jose? Naku Igo magtimpla ka na lang ng kape at---."
"May magagawa pa ba ako?" Putol ni Igo sa sasabihin pa ni Cypher, ng maramdaman niya ang pagluwag ng pagkakayakap ni Shey sa kanya.
Mabuti na lang at hawak niya itong mabuti at hindi nahulog. Dahil sa takot sa bubwit nakatulog na ito sa pagkakabuhat niya.
Hindi naman muna pinansin ni Rodrigo ang dalawa at dinala na muna niya si Shey sa kwarto. Inihiga niya ito sa kama ay kinumutan. Nang masiguradong komportable na si Shey ay saka lang niya nagawang lumabas ng kwarto. Pero bago pa siya makarating sa bukas ng pintuan ay mukha ni Cy at Jose ang nakita niya na sa tingin niya ay pinapanood ang lahat ng kilos niya. Kanina pa.
"Ang tsismoso ninyong dalawa. Itong si Jose tatahi-tahimik lang, pero isa ding tsismoso eh." Naiiling na sambit ni Igo at nagtungo na sila sa kusina. Mamaya na lang niya gigisingin si Shey pag kakain na sila. Hahayaan na lang muna niyang magpahinga ito. Sa liit ng bubwit na iyon. Para talaga itong bata pagnatatakot. Mabilis makatulog.
"Anong meron sa inyo ng babaeng kasama mo dito sa bahay? Kaya naman pala, maaga ka palaging umuuwi may ipinabahay ka na. Para namang hindi mo kami kaibigan nyan ni Jose eh. Di ba Jose?" Sabay baling kay Jose na nakikinig lang sa kanila. Tumango naman ito bilang pagtungon
Nagtimpla na rin si Igo ng tatlong kape para sa kanila. "Oh kape ng nerbyosin naman kayo sa pagiging tsismoso ninyo." Sabay baba ng tasa ng kape sa mesa sa tapat ni Cy at Jose.
"Grabe ka naman sa amin. Ay sasagutin mo ba ang tanong namin o tatanungin namin iyong babaeng ibinabahay mo?" Tanong ni Cy ng makatanggap ng pambabatok mula kay Rodrigo.
"Aray! Ang sakit noon ha." Reklamo ni Cy.
"Kung anu-ano kasi iyang lumalabas sa bibig mo."
"Ay ano mo siya kung hindi mo ibinabahay?" Nakikinig lang naman si Jose sa pinag-uusapan ng dalawa.
"Ganito kasi iyon."
Ikinuwento naman ni Rodrigo kung kailan niya nakita si Shey at kung paano sila nagkakilala. Na naawa siya dito dahil sa sinabi nitong wala itong maalala kaya naman pinatuloy na muna niya sa bahay niya. Lalo na at ayaw ng dalaga na magpadala sa pulis sa kadahilanang hindi naman daw nito alam kung ang kukuha sa kanya ay kilala ba nitong talaga o may balak na masama sa kanya.
"Naniniwala na kayong dalawa na hindi ko talaga ibinabahay si Shey."
"Ibinabahay pa rin ang tawag dun." Si Cy sabay higop ng kape.
BINABASA MO ANG
Poorman Series: Rodrigo Cardenal
RomanceBlurb Rodrigo Cardenal, isa sa tinitilian ng mga kababaihan sa loob ng palengke ng San Lazaro. Matangkad, matipuno higit sa lahat gwapo. Pero sa likod ng pangmodelong katawan at mukha, hindi siya mayaman. Sabi nga kung hindi siya magtatrabaho walang...