Maridale's POV:
Andito ako ngayon sa may terrace ng kuwarto ko at tanaw na tanaw ko yung BABAE at si Volter na ang sweet sweet habang nagtatamisaw sila sa pool, ewan ko ba pero habang tinitignan ko sila ay nasasaktan ako, halos tumulo na nga ang luha ko sa kakatingin ko sa kanila, at bakit ba ayaw kung umalis ang tingin sa kanila?, bakit kahit nasasaktan ako eh gusto ko pa din silang makita?
"Ate, may problema ka ba?" tanong sa akin ni Jackie.
Agad ko namang inayos ang sarili ko at humarap sakanya ng nakangiti.
"Wa-wala, I'm just thinking" sabi ko sa kanya.
"Na, you're thinking about them?" sabay turo ng nguso niya kila Volter.
"Hmm, yes and why?, kaano-ano mo ba si Madam Auring at bakit mo nahulaan ang iniisip ko?" tanong ko sa kanya at sabay tawa naman kami.
"But seriously ate" sabi niya at tumawayo sa harapan ko.
"Seriously What?" tanong ko sa kanya.
"That Girl is our Big sister?" seryoso niyang sabi.
"WHAT?, are you kidding me?, girlfriend siya ng kuya mo" sabi ko sa kanya.
"I heard them, sabi nung Babae Este ATE JOANNA na daw nila ang pagpapanggap nila, and nagpapanggap ;ang sila just to prove na mahal mo pa si Kuya Volter at para pagselosin ka" seyosong sabi ni Jackie sa akin na akala mo ay matandang nagsasalita.
"Sure ka ba diyan sa narinig mo?" tanong ko sa kanya.
"Yeah, 100% sure ate" sabi sa akin ni Jackie at tumango nalang ako bilang response.
"Gotta go Ate, mag lalaro lang ako sa garden" paalam niya
"Ok, mag-ingat ka" sabi ko sa kanya at tinignan ko ulit ang dalawa.
So ganun pala ang plano nila?, pagselosin ako?, kapatid ko pala yung girl si ATE JOANNA, hmmm.
Volter's POV:
"Psst, Joanna, parang hindi naman siya nagseselos, silipin mo parang ang saya-saya niya pa na may ka-usap siya sa Phone" sabi ko kay Joanna.
"Abay malay ko sa'yo, sabi ko kasi itigil na natin to, tignan mo parang ikaw lang naman yung nasasaktan at yung kapatid mo este yung mahal moay may mahal ng iba" sabi sa akin ni Joanna, badtrip din ito eh, nagsisisi na akong pinilit ko siyang magpagamot sa ibang bansa -__-.
"Halika dito" sabay hila ko kay Joanna at inilapit ko ang mukha ko sa mukha niya, pero bandang tainga niya at sa view at angle ni Maridale ay tanaw niyang naghahalikan kami.
Suddenly nagulat nalang ako ng bigla siyang sumigaw sa taas.
"YEEEEE! ang sweet niyo naman! naniniwala na ako sa FOREVER!" sigaw niya at sakanag tatalon na parang bata.
Bakit ganun? hindi na ba siya aaffected na mayroon na akong iba?, hindi ba siya nasasaktan na may kahlikan akong iba?.
"Masakit noh?, kasi nakita mo ang taong mahal mo na hindi nasasaktan?, sabi ko naman sayo iti..." hindi ko na siya pinatapos at nagwalk-out na ako sa harapan ni Joanna.
Nakakainis lang kasi!, bakit hindi niya na ba ako mahal?!, ganun-ganun nalang?, ganun na ba siya nakamove-on?na parang walang nangyari, na wala kaming naging relasyon?, sumuko na ba siya kaagad?
"aaaaaaaaaaaaah!" sigaw ko at sabay tapon ng makita ko sa kwarto ko.
Agad naman akong kinatok ni Joanna.
"Hey!, are alright?, buksan mo ang pinto!" sigaw niya sa labas ng kwarto ko.
"Please leave me alone!" sigaw ko sa kanya pabalik.
"Ok, just text me if may kailagan ka at kung ok ka na" sabi niya at hindi ko na ulit siya narinig na nasa pintuan pa siya.
*TOK TOK TOK*
"Who's there?" tanong ko.
"Maridale" sabi niya sa may pintuan, bigla akong kinabahan at iba ang nasabi ko.
"Maridale who?!" yan ang nasabi ko sa sobrang kaba.
A/N: medyo corny yung sa dulo hahaha!, ano kayang plano ni Maridale?, ano kaya ang hinanatnan ng pag-iibigan nila?, ABANGAN sorry for VERY LATE UPDATE :3 please VOTE and SHARE :) thanks :)))

BINABASA MO ANG
Nang Dahil sa Ballpen (Completed)
RomanceDami ng lovestory sa mundo pero ang Love story ko nag simula sa isang BALLPEN.... You better read my story para malaman niyo kong anong nangyari :)) thanks