CHAPTER 33:

284 7 0
                                    

MARIDALE'S POV:

        Kinakabahan kami ni Jackie sa magiging reaksyon ni Daddy pag nakita niya kami. Lalong lumalakas ang kabog ng aking dibdib habang papalapit kami sa isang kwarto kung nasaan si daddy, kinakabahan ako sa magiging reaksyon kapag nakita niya kami. Tatanggapin niya kaya kaami ni Jackie?, sana oo dahil ayoko ng bumalikkila Tita, masyado niya na kaming pinapahirapan doon at kung makaasta ay parang siya lahat ang may ari sa aming bahay.

        "Miss dito na po" sabi sa akinn nung driver daw ni Daddy, mas lalong umakas ang kabog ng aking dibdib.

        "Salamat po" sabi ko.

        "Jackie, dapat maging magalang pa din tayo sa harap ni Daddy ano man ang mangyari huh?" bilin ko kay Jackie na halatang kinakabahandin sa mga nangyayari.

        "Opo Ate" sabi niya at niyakap niya ako.

        Pinapasok na kami nung Driver at bumungad sa amin ni Jackie ang isang napakalaking kwarto na punong puno ng Libro, at as  I expected wala akong nakitang picture.

        Nilibot ko ang aking tingin at nakita ko si Daddy sa may sulok.

Umalis na yong driver.

"Maridale?,Jackie?" sabi sa amin ni Daddy habang papalapt sa amin, kita mo sa kanya na sabik na sabik siyang mayakap kami.

Tuluyan na kaming umuiyak ni Jackie at sinalubong din namin si Daddy para mayakap.

"Matagl ko ng gustong gawin sa inyo ito, matagal ko na kayong gustong makita, sana paawadin niyo ako sa lahat ng mga nagawa ko sa inyo, sa pagiging hindi tatay ko sa inyo" sabi ni Daddy sa amin.

Napakabait niya palang tao, hindi ko inaasahan na ganito ang pag wewelcome niya sa amin ni Jackie..

"Ok lang po yon Daddy, I understand kung bakit niyo nagawa yon at Thankful pa din ako dahil pinaubaya niyo po kami kay Mommy at dahil sa kanya ay lumaki pa kami ng maayos" sabi ko kay Daddy.

"Napakabait mo talagang bata ka tama ang sabi tungkol sa iyo ni Feliza" sabi ni Daddy.

"Ikaw naman Jackie,ang laki laki muna huh?" sabi sa kanya ni Daddy at nag smile lang si Jackie kahit halos tutulo na ang sipon niya.

        Sobrang saya ko ngayon dahil ang pagtanggap sa amin ni Daddy ay malugod, at hindi niya kami tinakwil tulad ng sa mga plikula. Nagpatuloy lang ang pagkekwentuhan namin nila Daddy, hindi na nga namin namalayan na 3 pm na kaya napagdesisyunan na naming lumabas ng kanilang library.

        "Alam mo Daddy, akala ko hindi mo kami sisiputin ngayon eh, thankful pa din po ako dahil hindi niyo kami inabayaan ni Jackie dahil kayo pa  din daw po ang nag papaaral saamin, sabi ni Mommy sa sulat" sabi ko kay Daddy na todo naman ang ngiti sa amin ni Jackie.

        "Salamat anak, dahil hindi ka nagtanim ng galit sa akin, hindi talaga ako nagsisi na kay Sheena ko kayo pinaubaya, pinalaki niya kayo ng napaka ayos at may takot sa Diyos" sabi sa amin ni Daddy.

        "I'll go to work, ihahatid nalang kayo ni Manang Fe sa kwarto niyo, ayos lang ba na share mjna kayo ng kwarto sa guest room?"

        "Yes daddy" sabi namin ni Jackie at umalis na nga si Daddy.

Ang sarap safeeling ng may tinatawag si na Daddy, ngayon lang ulit ako nakaranas ng ganitong kasayang pangyayari sa buhay ko.Sabi nga nila 'Never expect the unexpected one's" .

Sana magtuloy-tuloy na ang kasiyahan ko, hinding hindi na kami babalik ni Jackie kila Tita,masaya na kami dito at bahala na sila doon ng wala kami ni Jackie.

Nilibot ako ni Manang Fe sa buong bahay, halos walang tao dito ngayon kudi ang mga maids lang.Hindi ko kasama si Jackie dahil tulogna dahil siguro sa sobrang pagod kahihintay kay Daddy kanina.

"Iha, ikaw muna ang bahala mag libot ha, may aasikasuhin muna ako sandali" pag papa alam ni Manang Fe sa akin.

"Sige po :) Salamat po" sabi ko sa kanya at ngiti nalang ang sinagot niya.

 May dalawang floor pa akong lilibutin bali 4 na palapag kasi ang bahay na to, nakakahilo na hahaha.

 Bilib ako sa pagkakadesenyo ng bahay ni Daddy, hindi ako makapaniwala na mag kakabahay ako ng ganito. Madami akong nalaman tungkol kay Daddy, kahit na ilang oras lang kaming nagkasama kanina ay parang kilang kilala ko na siya, may second family na daw si Daddy but her second wife Died nung pinanganak ang first child nila. Hindi pa nga nababangit sa akin ni Daddy kung ano pangalan ng dalawa niyang anak. At yung totoo naming Mommy ay iniwan kami dahil daw hindi kayang maging Mommy sa amin. Nakakadisappoint lang ng kunti dahil gusto ko din makilala ang tunay naming Mommy ni Jackie pero wala ng pag-asa dahil hindi na daw alamni Daddy kung nasaan siya, ok na sa akin ang lahat, tanggap ko na ateast may naging Nanay kami ni Jackie na gumabay at itinuring kaming mas higit pa sa tunay na anak. 

Kakamuni muni ko ay narating ko na ang pinakataas kong saan nakalagay lahat ng pictures nila Daddy. Unexpectedly.....

To Be Continued.

A/N: Unexpectedly, ano nakita niya? malamang picture diba? kaninong picture? Magiging masaya ba siya o Malungkot? ABANGAN :) Please VOTE and SHARE:)

Nang Dahil sa Ballpen (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon