Prologue

353 13 1
                                    

Prologue

Hindi ko malilimutan. . .

Kung paano ko kagatin ang ibabang labi dahil sa kaba nang tanungin kami ng teacher namin sa bible study kung ano yung pangarap namin sa hinaharap.

Sana hindi ako matawag.

"Ako po gusto ko maging police para huhulihin ko yung kaaway ko tapos ikukulong ko."

"Ako gusto ko yung nag-aano, naggagamot ng aso."

"Teacher, gusto ko maging doctor kasi gusto ko manggamot ng tao."

"Wow! Ang gaganda naman ng mga pangarap niyo! Tuparin niyo iyan, ha?" magiliw na sambit ni Teacher Nancy sa amin."Sige, pagbigyan naman natin ang iba na magsalita."

Pumikit ako habang kinakagat ang kuko dahil sa sandaling pagbilis ng tibok ng puso ko nang sinimulan niyang ilibot ang tingin sa amin. Nang imulat ko ang mga mata, napasabi na lang ako sa sarili na malas ko talaga.

"Ikaw, Darlene. Ano ang pangarap mo?" nakangiting tanong ni Teacher Nancy sa akin.

Lahat ng atensyon ng mga bata sa buong silid at nabaling sa akin ng tingin.

Dahan-dahan akong tumayo at ngumiti nang maliit. "D-Doctor," gaya ko sa sinabi ng isang bata.

Ayos na 'yan, may masabi lang.

"Ha? Di ba nung nakaraan sabi mo gusto mo maging abogada?" pang-eepal ni Tristan.

Tumawa si Danica. "Sabi naman niya nung nag-usap kami gusto niya maging saleslady."

"Sabi naman niya sakin nung birthday ko chef daw."

"Ang epal nitong bruhang 'to," dinig kong bulong ng isa sa likod ko.

Tumawa ang mga kabataan sa loob kaya naramdaman ko na lang ang pag-init ng mukha ko dahil sa labis na kahihiyan. Wag naman sana nilang ibulgar na hindi ko pa alam ang gusto ko.

Lumapit sa akin si Teacher Nancy at ngumiti. "Okay lang 'yan, Darlene, bata ka pa naman kaya may oras ka pang makapag-isip," pang-aalo ni Teacher Nancy sa akin. "In God's will, ibubulong niya rin sayo ang pangarap na dapat sa iyo at alam kong magugustuhan mo ito."

Pinanghawakan ko ang salitang iyon hanggang sa mag-elementary ako. Pero wala eh. Triny ko naman ang best ko na hanapin ang para sa akin. Dumating ang araw na nakisabay na lang ako sa iba, nagpatangay na lang ako kung saan mapunta.

Ang sabi nila hanggat bata ka, mangarap ka.

Paano kung mangapa rin ako sa huli ? What if I still don't know what will be my next move after high school? Natatakot ako na baka maligaw ako isang araw at wala na akong pwedeng balikan kasi hindi na pwede lalo na pagtungtong ko pa sa pinaka-mataas na level ng pag-aaral.

Senior high helps to build the interest of the students to find the field they would take in college.

Pero bakit parang sa akin hindi ako tinablan? Hindi rin nakatulong sa akin.

Kapag senior high school ka dapat alam mo na ang gusto mo, hindi na uso ang paghihintay na pumasok sa isip mong "Ah, ito pala ang gusto ko" because you're about to dive in college. Kailangan na hanapin mo na talaga ang career na napupusuan mo.

Pero gaya nga ng sabi sa isang quotation ni Randy Pausch, "It's not about how to achieve your dreams, it's about how to lead your life, ... If you lead your life the right way, the karma will take care of itself, the dreams will come to you."

Where the Wind Blows (Batchmate Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon