Chapter 2

134 10 0
                                    

"Ma!" sigaw ko, ilang metro pa lang ang layo ko sa bahay habang dahan-dahan na nilalakad ang mabatong daan.

Nakangiti kong hawak ang form na finill-upan ko para sa shifting. I was smiling widely when I pushed the door.

Naabutan ko sila mama na naghahanda na ng hapunan namin. Saktong tumutulong si Kuya at Aljon kay mama sa paghahanda ng mga plato habang si Ate Agora ay nagmamanicure lang ng sariling kamay.

"Ma! Hindi pala ako aalisin sa campus!" I announced with a smile.

Mukhang nabuhayan ang mukha ni mama na kanina ay medyo pagod ang ekspresyon ng mukha. Pinunasan nito ang kamay sa damit saka lumapit sa akin. Niyakap ako nito at pinatakan ng halik sa noo saka ako nagmano.

Napatigil ako saglit sa naamoy ko mula sa kamay ni mama. Calla powder.

Napasulyap ako kay Ate Agora na abala pa rin sa pagpapaganda ng mga daliri niya. Napapikit ako sa pagpigil ng sarili. Si mama na naman hinayaan niya maglaba. Kung hindi ako, si mama talaga gagawa nun eh. Pagod na nga si mama sa pagwawalis niya sa kalsada, pati ba naman paglalaba iaako niya?

"Hindi ka aalis sa school mo, ibig sabihin?" sabik na tanong ni mama.

"Oo nga raw, inulit lang," pabalang na sagot ni Ate Agora.

Tumango lang ako kay mama, hindi na pinansin ang sinabi ng pinsan. "Sa College of Education po ako," nakangiti kong sambit.

Binaba ko ang bitbit na shoulder bag sa de-kahoy namin na mahabang upuan bago tumulong kina kuya sa paghahanda ng pagkain.

"College of Education ba kamo? Ibig sabihin magtititser ka?" tanong ni mama. "Oh, eh, di ba strikto ang mga 'yan sa college of education?"

Ngumuso ako. "Opo, pero a-ayon na lang kasi yung slot na meron. Wala ng iba, eh."

Inagaw sa akin ni kuya ang baso at plato na ilalapag sana sa lamesa. "Magbihis ka muna, Darlene. Madudumihan iyang uniporme mo."

"Ayos lang, kuya. Lalabhan ko naman mamaya."

"Hubarin mo na 'yang uniporme mo, Dalene. Lalabahan ko iyan mamaya," ani mama.

Umiling ako. "Ma, maawa ka sa maganda mong kamay. Mamahinga ka na, ako na maglalaba nito."

"Maganda?" sarkastikong saad ni mama. "Magaspang na, oh." nilahad niya ang kamay niya sa harapan ko.

Hinawakan ko yun at nilapat sa pisngi ko. "Ang mga kamay na iyan ang bumubuhay sa amin kaya maganda ang mga 'yan, ma!"

"Kaya talaga mapalad tayong may ina tayong hindi tayo pinapabayaan. Kaloob ng Diyos 'yan," kuya retorted while smiling at us.

Lumapit siya kay mama at niyakap ito habang nakangiti. I do the same. Si Aljon naman ay nakatingin lang sa amin, napansin ko ang maliit na ngiti nito sa amin kaya naman sumenyas ako na lumapit ang bata.

The boy immediately make his way towards us saka dinaluhan din namin ng yakap.

"Ang da-drama! Kumain na nga lang tayo!" pagputol ni Ate Agora.

Sumimangot si Alj sa kanya. "Alam mo, ate, amboring ng pagkatao mo."

Ate Agora threw him a glare kaya binulungan ko na lang ito na tumahimik na lang dahil mag-aalburoto na naman ang kapatid nito sa galit.

Bumuntonghininga na lang si mama. "S-Sige na, kumain na tayo."

Dumiretso si kuya sa kwarto ni lola para ayain itong kumain. Nagmano ako kay lola nang lumabas nga ito habang tulak-tulak ni kuya ang wheelchair.

Mayamaya ay pumwesto na kaming lahat sa kanya-kanya naming pwesto. Saktong anim na upuan yun sa maliit naming lamesa. We started with the prayer before eating at si kuya ang nag-lead ng prayer, as usual.

Where the Wind Blows (Batchmate Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon