Chapter 9

101 7 0
                                    

Sa hindi kalayuan ay may natanaw akong tindahan, pagkakataon ko na to para bumili ng band aid, medyo mahapdi na kasi yung paltos ko sa paa. Parehas pa naman may paltos. Sa bahay ko na lang din ilalagay dahil nakakahiya naman kung sa harapan pa ni Donovan.

Yung kulay kasi ng footsock ko magkaiba. Yung isa brown tapos yung isa black dahil sa katangahan ko kahapon, eh nabaliktad ko ang kuha sa footsock yan tuloy magkaiba ang kulay na suot ko.

"Uy, Donovan. Bili lang muna ako, ah?" I mumbled to him.

"Saan?" takang tanong ng lalaki sa akin.

Tumuro ako sa tindahan na ilang metro lang ang layo. "Bili lang ako dyan."

Tumango lang sya saka ako sinundan papunta doon.

Apat na piraso ang binili kong band aid para extra lang ang dalawa. Nang humarap ako sa lalaki ay nasa kamay ko ang tingin nya.

Kumamot ito sa sintido bago sinalubong ang mga mata ko. "Para saan yan, Darlene?"

Ngumiti na lang ako nang maliit. "Para sa paa ko lang. . may paltos kasi," pag-aamin ko.

Bumaba ang tingin nya sa paahan ko. I didn't know how to react when he started glancing down there like he's examining them. Walang-pasabi na kinuha nya ang bandaid sa kamay ko saka lumuhod.

"H—Huy. . anong ginagawa mo?" namumula kong tanong.

He sighed bago nya hinila ang isang monoblack papunta sa likod ko." Upo ka. Palitan natin yung bandaid dyan sa paa mo," he answered with a serious voice.

Pinaupo nya ako sa bakenteng upuan ng  bukas na tindahan na lalo kong kinahiya. Binawi ko ang paa ko sa kanya pero kinuha nya lang din ulit.

"Donovan. . ano, ako na lang kasi ano. ." kumamot ako sa ulo.

Pero bago ko pa matuloy ang sasabihin ay natanggal nya na ang isa kong sapatos, sinundan ng isang pagtanggal sa kaliwa kong sapatos. Mainit ang pisngi kong tiningnan ang reaksyon nya. His face went surprised but he just laughed a little eventually.

Napasimangot ako dahil pinagtawanan nya ang magkaiba kong kulay na medyas!

"Alam ko, okay?" umirap kong sambit.

His eyes were amused as he caught me rolling my eyes. "First ko lang nakitang nanaray ka, ah? Cute mo pala, isa pa nga," parang bata nyang saad.

"Parang ano naman, sabi ko kasi ako na, eh."

Tumatawa lang sya habang tinatanggal ang footsock ko. But somehow, I just let him do that to me. Tsaka satisfying din ang pagtawa nya sa tenga ko. I found it very calming while he was chuckling all the time as he gave me a playful glance and a smirk.

His laugh honestly sounds like music that I can listen to all day long.

Nagpasalamat ako sa kanya pagtapos pero hanggang sa pagsakay namin ng tricycle ay asar-asar nya pa rin ako.

Simangot na simangot ako buong byahe pero sya kagat-labing tawa nang tawa. Takang-taka si kuya driver kasi mukha talaga syang baliw eh, tumatawa tapos ako nakasimangot lang.

Nang bumaba ako sa kanto ay gulat akong bumaba rin sya. Hinayaan ko na lang ang lalaki at dumukot ng bente sa wallet ko pero bago ako mag-abot ng bayad ay umandar na ang tricycle paalis.

"Binayaran ko na 'yon, wag ka na magwaldas ng pera mo," he mumbled before meeting my eyes.

"Salamat, Nov. . " sambit ko sa mahinang boses. Sumulyap ako sa bahay at tumuro sa looban, pa-skwater. "Doon ang bahay namin. Kaya ko na to lakarin nang mag-isa."

Tinanaw nya ang tinuro ko bago ako bigyan nang marahang pagtango. It's like he's observing the place. Umiwas na lang ako ng tingin dahil tumagal ang titig nya doon sa lugar namin.

Where the Wind Blows (Batchmate Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon