Chapter 6

115 9 0
                                    


Days went well, I can say, thankfully.

I don't anxious too much about my major subjects dahil malaki ang nababawi ko sa paghahabol. Natututo na rin akong mag-adjust sa environment at schedule ko.

Medyo close ko na rin ang mga kaklase ko. Nabalik na rin ang mga papers ko na naipasa ko sa mga professors. Sa ilang araw kong pag-aaral ay hindi ko maiwasan ang magpasalamat maya't maya sa Diyos dahil kahit papaano ay worth it pa rin ang mga ginagawa ko.

Pero may isang bagay akong napagtanto; hindi pala talaga madali ang maging educ.

Medyo utal-utal kasi ako ng pinag-discuss ako sa unahan. Hindi ko ito pinaghandaan dahil first of all, I never dreamed of to be a teacher. I never imagine myself speaking in front of people, sharing knowledge because I'm stuttering. . Hindi naman ako napagalitan ng professor pero bakas sa ekspresyon ng mukha nito ay hindi ito satisfied.

"Ayos lang 'yan, Darls. Mas galingan mo next time. Nag-improve na nga speaking skills mo, eh," ani Cora.

Isa pa, I still have friends to lean on even without Aury. I hope she's fine along with Nymph and Jelly.

Ibubulong ko na lang sa hangin na sana malaman niyang kaibigan ko pa rin sya kahit ganun ang tingin niya sa akin dahil utang na loob ko sa kanya ang makapasok ako sa university. Kung hindi sya nakipagplastikan sa akin, wala siguro ako ngayon dito.

Pamalakpak ng tatlong beses si Xyna bago panoorin ang dance video namin.

Nakatambay kami ngayon sa Robinson Mall kasama ang mga kagrupo ko dahil sa pagod kaka-film sa historical places sa lugar namin. Sa lyrics kasi ay na-mention ko rin ang mga lugar na ipinagmamalaki ng lugar namin.

"Guys, dito na lang muna kami," paalam ni Jordan.

"Pierro, edit mo, ha?" paalala ni Lyndsey sa kanya.

Ngayon ang deadline ng video.

Pierro gave Lyndsey a heads up before going along with Jordan. Kasama rin nila ang ilang kagrupo namin hanggang sa mag-separate na kami ng daan. Ang iba sa amin ay naglibot-libot pa sa buong mall habang ako ay nilalandas ang daan pauwi.

Marahan ang pukpok ko sa balikat habang tinatahak ang daan papuntang terminal. I was about to align myself to the queue when I saw a familiar person struggling sweeping in the middle of the vast road.

Halos hipuin ng habag ang puso ko nang panoorin ko si mama na buong lakas na winawalis ang kalsada kasama ng mga ka-trabaho nya. Delikado ito. Highway ang winawalis nya. Maraming rumaragasang sasakyang ang dumadaan dito eh.

Akala ko ba hindi siya nagwawalis sa mga ganitong lugar? Nakakapag-alala naman tong area na winawalisan ni mama.

Pinunasan ko ang sariling luha bago tumakbo patungo sa bakery hindi kalayuan. Bumili ako ng bente pesos na tinapay na tig-pipiso at isang malaking mineral water. Maingat akong tumawid bago salubungin si mama ng yakap.

"Ma!" tawag ko sabay yakap sa likuran nya. Nakita ko pa ang pabagsak ng walis tingting na hawak nya sa biglaan kong pagyakap.

Dumaan ang gulat sa mukha nya nang humarap ako. "Ma, may dala akong tinapay."

"N—Nak," she uttered in a surprise voice. "Bakit ka nandito?"

Ngumuso ako. "Nag-film kami rito para sa final project namin, eh! Ito oh, may dala ako pagkain." tinaas ko pa ang dalang tinapay na nakaplastic. "Para sayo, ma. Alam kong gutom ka na."

She plastered a warm smile before hugging me again. "Ang galing naman ng anak ko, nag-aaral nang mabuti. May dala ka pang tinapay, busog pa naman ako."

"Ihh, kainin mo na. . sayang naman pera ko kung di mo kakainin."

Where the Wind Blows (Batchmate Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon