Chapter 14

90 6 0
                                    

52 missed calls from Donovan.
100+ messages from Donovan.

It didn't bother me though. My head was flooded by my other setbacks so I wasn't able to communicate with him. Nilibing namin si lola nang kami lang ang nakakaalam dahil wala namang kamag-anak na pupunta sa libing nya kundi kami lang.

Sinuot ko ang hikaw na bigay sa akin ni lola noon. Sinusuot ko yon kapag namatayan ako ng mahal sa buhay. Para sa akin, ito ang paraan para mapakita kong hindi basta-basta lang ang pagkamatay ng isang tao.

It's a pair of white pearl earrings. Ang sabi ni lola, grief ang ibig sabihin ng hikaw na yon kaya sa tuwing namamatayan ako, suot ko yon.

Lola was abandoned by her children, at walang-alinlangan sya na pinasa kay mama. Mama, as a loving daughter, took care of her. She protected lola. She sent her in hospital and bought her medicine without a helping hands of her other sisters. Kaya naman nang mawala si lola nang ganon lang, talagang nagdalamhati sya.

Walang ibang ginawa si mama kundi umiyak kaya kailangan nya ng susuporta sa kanya. Kuya was there, kapag uuwi ako ng bahay, walang gabi na hindi ko naririnig na umiyak si mama at Alj. Saka na lang ako napapaiyak kapag tuluyan nang nakakatulog ang dalawa.

Parang wala nang buhay ang bahay simula nang mawala si lola. Si kuya, madalas na nang nakatutok sa kanyang laptop dahil pokus sa  pagtatrabaho at pag-aaral, so he had so skip meals. Si Ate Agora ay madalas nasa trabaho, kundi naman ay nasa walwalan. Si Alj naman ay nagkukulong lang sa kwarto, nag-aaral din pero madalas ko syang mahuli na tinititigan ang picture frame ni lola tapos iiyak.

Sa harap ng hapag, nakahanda ang mga pagkain, pero kaming dalawa lang ang nakaharap sa mga ito.

Puno nga ang ref namin ng mga pagkain ngunit, paano kami sasaya kung nawalan kami ng isang miyembro sa pamilya?

"Anak, k—kumain ka na. . " halos pabulong na saad ni mama nang matapos ang prayers ko.

Tumango ako kay mama at sinimulan na lantakan ang pagkain. I tried to show her I was hungry para kahit papaano ay makita nyang masigla akong kumain pero dalawang subo pa lang ng pagkain, masusuka na lang talaga ako sa sobrang kabusugan.

Panay ang inom ko ng tubig upang matulak ang mga nginuya kong pagkain. Sana hindi mahalata ni mama. Susubo pa sana ako ng kanin ulit nang marinig ko ang pagtikhin ni mama sa tabi ko.

"Wag mo nang pilitin kainin ang pagkain mo, Darlene. . ."she heaved a tiring sigh. "Iwan mo na lang ang pagkain mo dyan. . ." mahinang usal nya sa sakin.

"Kakainin ko to, ma," pagsisinungaling ko.

I have to lie. Gusto ko rin naman sya sabayan kumain dahil hindi talaga sya kakain kung di ko sya sasabayan.

"Kahit itago mo, nararamdaman kong hindi ka maayos, anak."

I gulped and took a sip again in my water before reaching her hand. Sinigurado kong matagal ang titig ko sa mga pagod na mata ni mama.

"Ma. . . kailangan natin umusad," I confessed. "Hindi matutuwa si lola kung magstuck lang tayo sa pagkawala nya."

Dahan-dahan nyang pinikit ang mga mata, kumapit nang mahigpit sa aking kamay na nagdurog ng puso ko dahil tuluyan na talaga nyang pinigtal ang lubid ng pagpiit ng damdamin.

"A. . Anak. ." she called between her sobs. "Ang hirap kasi na mawalan ng nanay."

Ayon ang mga salita bago ko sya yakapin at hayaang maligo ng luha. Buong gabi kong inalo si mama. Sinabihan ni kuya si mama na wag nang pumasok muma sa trabaho dahil kailangan pa nga nito magpahinga pero umayaw naman si mama.

Where the Wind Blows (Batchmate Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon