Chapter 30

72 2 0
                                    

The wind passed so fast. 

The bluish blue sky welcomed me as I opened the fragile wooden door in our small house. It's another day to put a smile on my lips again.

Pinagpag ko ang uniporme ko bago tuluyang lumabas ng bahay. I made sure na hindi ko maiiwan na uwang ang pintuan bago tuluyang umalis.

Lakad-takbo ako nang muntikang tumakbo ang jeepney na sasakyan ko papuntang eskwelahan. Buti na lang ay may kasabay akong lalaki na pumara ng jeep.

"Kuya, San Mateo ho," ani ng lalaking katabi ko sa kundoktor.

Inilabas ko rin ang barya sa aking bulsa at inabot sa kundoktor. "Kuya, ako rin po sa San Mateo."

Naramdaman ko ang pagdapo ng tingin sa akin ng lalaki na ako rin ay napatingin na sa kanya. Napansin ko ang kanyang pagbaba ng tingin sa uniporme ko, so I did the same way also. Ngayon ko lang napansin na parehas kami ng kulay ng uniporme. 

Parehas pala kaming. . .

Naagaw ng atensyon ko ang kanyang pagtikhim. "Fourth year?"

Tumango ako sa kanya. His lips parted to form 'O'. Akala ko ay hindi na siya magsasalita pero nagtanong na naman siya sa akin.

"Ano'ng major mo?"

"Elem," sagot ko. "Ikaw?"

"SS," maikli niyang tugon.

Napansin niya yata ang pagkunot ng noo ko dahil hindi ko naiintindihan ang sinabi niya.

"Social Studies."

Bumaba ang tingin ko sa hawak niyang makapal na dalawang libro. Ang kanyang backpack naman ay naka-kandong lang sa hita niya. 

"Kaya pala ang kapal n'yan," nginuso ko ang libro niya.

He chuckled and nodded. "Readings."

I just smiled widely to him before dragging my eyes back outside the window. Doon ko pinansin ang maitin na usok na humahampas sa mukha ko. Grabeng, Pinas, polluted na talaga.

"Handa ka na ba sa pre-board?" 

Napalingon ako sa tanong niyang iyon. Dinaluhan ako ng kaba dahil hindi pa matino ang utak ko para pag-usapan ang kinakatakot ko. 

"Hindi pa."

"Pero nakapagreview ka na?" 

I swallowed hard and nodded. "Oo naman, hindi pwedeng hindi."

"Buti naman, edi handa ka na kasi nakapagreview ka na eh."

"Nakapagreview lang," I clarified. "Hindi pa handa."

Mukhang naiintindihan niya ang ibig kong sabihin kaya tumawa na lamang siya ng mahina at naiiling na iniwas ang tingin sa akin.

Buong byahe ay nagkwentuhan lang kami. I know it's dangerous to talk with strangers pero ang lalaking ito mukhang kumportableng pagkwentuhan. Pakiramdam ko ay may nakakaintindi sa akin. 

Bago kami maghiwalay na dalawa ay may inabot siya sa aking makapal na libro, hindi lang isa kundi tatlo. Nakakagulat lang dahil kumpleto ang mga subjects na nakalagay doon. 

Akala ko ba ay may major siya? Bakit pang-BEED itong reviewer niya?

"Baka makatulong sayo. Saka mo na buksan, delikado rito sa daan, eh. Paki-ingatan na lang, ha," iyon ang huli niyang sinabi.

"Pero—"

Ngumiti siya nang malaki sa akin. "Hiram lang naman iyan, ibabalik mo rin."

"H—Hindi mo ba—"

Where the Wind Blows (Batchmate Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon