Chapter 35

78 2 0
                                    

Mga ilang araw na sunod-sunod na hindi pumasok ang bata kaya ilang araw din itong hindi kasama sa practice ng graduation.

"Ma'am, i-home visit mo na kaya? Sayang din, graduation na rin nila sa darating na biyernes," payo sa akin ni Isabelle.

I was pulled by that idea.

Hinanap ko ang information ni Ericka to know her home address. Agad kong pinuntahan ang lugar nila. Sa eskinita iyon. Medyo malubak ang daan palusong kesa sa labas ng eskinita na medyo patag kaya naman hindi naging madali ang pagpasok ng tricycle na sinakyan ko.

Kumatok ako sa halos marupok na pintuan. Agad na bumukas iyon. Sumalubong sa akin ang nangangayayat na babae. Nakabistida itong bulaklakin. Ang pagkakatali sa buhok ay magulo. May itim din sa ibaba ng mata nito.

"Sino po sila?"

Ngumiti ako nang malaki sa kanya. "Ako po si Ma'am Darlene Amor. Teacher po ni Ericka."

"Po? Ay," agad itong bumalik sa loob ng bahay. Bumalik din ito agad, medyo nahihiya ang ngiti. "Pasok po kayo, ma'am. Pasensya na po, magulo ang loob ng bahay."

"Ayos lang po. Salamat po."

Pumasok ako sa maliit at may kadiliman na bahay nila. Ang nagsisilbing ilaw sa kanila ay isang maliit na bilog na bumbilya. Palagay ko'y inilagay ito sa gitna para kahit papaano ay mabigyang tanglaw ang parte ng bahay.

Umupo ako sa bangkito sa gilid habang pinapasadahan ang kabuuan ng bahay.

This home is familiar to me.

May dalawang kwarto. Sa isang kwarto ay lumabas si Ericka na may bitbit na mangkok. Nanlaki ang mata nito nang makita ako.

"Ma'am!" nilapag nito ang mangkok saglit at nilapitan ako. "Bakit po kayo napadalaw?"

"Ilang araw ka na hindi pumapasok," malungkot kong saad. "Ilang araw na lang graduation niyo na."

"K-Kailangan po kasi ako ni mama sa bahay. ." untag niya. "Pero bukas ay makakapasok na rin ako. Nadala na po kasi sa hospital si mama."

"Ma'am, pasensya na kung hindi nakapasok ang anak ko. Kailangan ko ng katuwang sa pag-aalaga sa kuya niya. N-Nagkasakit po kasi ako. . ." malumanay na wika ng nanay.

Napagtanto ko na may malubhang sakit ang kanyang ina ng mga araw na iyon kaya't naging mabigat ang ilang araw sa kanya.

"Nandyan na si papa," wika ni Ericka. Patakbo siyang bumalik sa upuan, tapat ng lamesa.

"Maam, kain po kayo," alok niya sa akin.

"Nako, uuwi na rin ako."

Inayos ko ang bitbit na dalawang shoulder bag.

"Sigurado ka po, maam? Masarap ang ulam namin ngayon!" dagdag ng nanay niya.

"Busog pa po ako, mommy. Dito na po ako. Maraming salamat po sa pagpapatulo-"

"Ericka!" sigaw ng lalaki mula sa labas.

"Si papa!" nasasabik na wika niya.

Nang may pumasok na lalaki ay mabilis siyang nagmano rito. Ipinakilala naman ako ni Ericka sa tatay niya at mabilis akong inalok para kumain. Tumanggi ako pero hindi na rin nakatanggi.

Nanalangin muna ang buong pamilya bago kumain gaya ng ginagawa namin dati bago kumain.

It's like this scene is showing me a flashback.

Pinagmasdan ko ang mag-anak. Masaya sa loob ko na nasaksihan ko ang ganitong senaryo nila. Tulad ng senaryo ng pamilya ko noon, na kahit sa simpleng pagkain ang mahalaga ay kumpleto at masaya.

Where the Wind Blows (Batchmate Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon