Chapter 43

104 1 0
                                    

Agad akong bumyahe papunta sa address na iyon. Pamilyar ang daan sa akin na siyang napagtanto ko nang madaanan namin ang bahay nila Ericka. Bente minuto ang byahe at layo mula sa bahay nila. Bumaba ako sa may bahay na under construction.

Ang gate ay hindi pa tapos, hindi pa buong-buong ang pagkakatayo ngunit mayroon nang tibay. May mga construction workers na bumati sa akin ngunit sinuklian ko ng nahihiyang ngiti ang mga ito.

Sa kalagitnaan ng panonood ko sa mga manggagawa, isang pamilyar na tao ang tumawag sa aking pangalan.

“Ma'am Darlene?”

Nilingon ko ang tatay ni Ericka na ngayon ay lumalakad sa gawi. There's a bead of sweat on his forehead. Ang hitsura nito ay may ng bahid ng simento. Medyo kumukuba na rin ang ang likuran nito ngunit mapapagaan ang loob mo dahil sa silay na magaang ngiti nito.

“Tay, kayo po pala!” magalang na wika ko sa kanya.

“Nako, ma'am, mukhang may dalaw ho kayo ah? Binibisita niyo ho ba si Architect? Wala ho kasi siya ngayon, ayon, nangibambansa.”

Nangunot ang noo ko sa kanyang sinabi. “Architect? Hindi ho, si Vember ho ang pinupuntahan ko rito.”

“Ah, ‘yong matalik na kaibigan ho ba ni Architect?”

“O—Opo,” magalang na sagot ko.

“Adina?” sambit ng tao sa likuran ko.

It was Vember with furrowed eyebrows. He was wearing a blue shirt that is slightly tight to his body partnered by simple trousers. Nakasilong ito sa kulay itim na payong.

“Nariyan na po pala si Sir. Sige po, ma'am,” tumango ito na agad ko rin pinagpasalamatan.

“What are you doing here?” kunot na kunot na wika ng lalaki.

“Bakit?” taka kong tanong dahil halatang hindi niya inaasahan ang pagdalawa ko.

Umiling siya na parang nadismaya. Inaya niya naman ako pumasok sa loob ng bahay. Sa ground floor lang naman. Doon ay medyo ayos na rin naman ang loob, nga lang wala pang pintura o gamit. Tanging dalawang couch at maliit na mesa sa pagitan nito. Doon kami naupo.

He offered me a drink. Sumaglit siya sa mat kusina. Napagtanto ko na may gamit na rin doon pero yung sakto lang para sa kakailanganin mo. Pasulyap-sulyap siya sa akin habang ginagala ko ang tingin sa kabuuan ng interior.

Nang makalapit ay naupo siya sa tapat kong couch.

“Bakit ka nandito?” tanong niya, hindi makapaniwala.

“What? Bakit parang gulat ka?”

Umiling-iling siya. “Sabi ni Donovan nasa probinsya ka at isang linggo ka doon?”

I looked away. Tinamaan ako ng hiya at konsensya. “I—I lied,” I confessed.

“Bakit mo ginawa ‘yon?” may bahid na gulat sa kanyang tanong.

Tumungo ako, pinaglaruan ang hawak kong baso ng juice. Hindi ako sumagot. I heard him click his tongue and shake his head.

“I knew it. Nabigla ka yata kaya hindi ka handang harapin siya.”

Saglit akong natigilan sa sinabi niya. Kahit sino naman ay mabibigla kung maririnig mo na ikakasal sila nang hindi nila inaanunsyo sa lahat na sila na. Hindi ba nakakabigla yon?

“Kahit ikaw, di ba?” I heaved a sigh. “Lalo pa’t minahal mo si Cora. And you three are friends.”

“Yes, we are.” nakatitig na wika niya sa akin. Sandali niya akong sinuri. “Sigurado ka bang ayos lang sayo na umalis siya?”

Where the Wind Blows (Batchmate Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon