Chapter 24

82 4 0
                                    

Naramdaman ko ang pag-buntong-hiningang paglukot ni Donovan sa kapipilas niyang papel sa sketchpad bago ito itapon kung saan. That's nth time already. Tinapunan ko siya ng tingin dahil alam kong frustrated na siya sa project niya.

Magsisimula na naman yata siya. Napainom tuloy ako sa kape kong nasa gilid ng laptop nang lingunin niya ako. I just looked away and busied myself typing on the keyboard.

"Darling, baka maging busy ako. Nagpapatulong din kasi si Gan at Kirk sa akin," he stated. "Nangako rin kasi ako sa dalawa, eh. Isa pa, may malawakang project kami sa major subject."

Napakamot ako sa ulo dahil may na-cut akong parts sa ginagawa kong lesson plan. I frustratedly rewind it right away.

Saglit akong napatigil sa pagtitipa sa keyboard ng laptop niya bago ako tumango sa kanya. "Ayos lang. Akala mo ba ikaw lang busy? Ako rin kaya."

He smirked. "Naks, busy si teacher ah."

Umusog siya sa tabi ko at hinalikan ako saglit sa labi bago ngumiti nang matamis.

"Paano ba 'yan? Mukhang hindi magtutugma free time natin nito," sambit ko.

"Panigurado na walang bebe time," he pouted. "At walang bebe time extreme."

Mabilis ko siyang hinampas sa braso dahil sa sinabi niya. We did it once. Pero hanggang pleasure lang naman para isa't isa. I told him I can't let him in mine. He just respectfully nodded at that time. Sa aming dalawa kasi siya ang hindi papapiit. Pero kapag ako na ang nagsasalita, para siyang robot na sumusunod sa amo niya.

Pinanindigan niya talaga ang Your words are law to me.

"Hindi pa pwede," sagot ko sa kanya. "Tukaan lang muna," natatawa kong saad.

"It's okay, akin pa rin naman," ngumisi siya sa akin.

Parang hinipo ang puso ko nang abutin niya ang pawisan kong kamay bago ito halikan. I just stared as he did it until his eyes met mine. Napako ang tingin niya sa tenga ko.

"You still didn't remove them," nginuso niya ang hikaw ko. "Hindi ka pa nakakamove on?"

Ngumiti ako nang maliit. "Ang hirap kalimutan ng nangyari. I was there when that accident happened and I couldn't do anything but wait for the justice."

Nanunubig na naman ang mata ko nang maalala ko ang araw na iyon. Donovan all have to do is to comfort me. Hanggang maggabi ay nakabantay lang sa akin ang lalaki. Gumawa siya ng tsaa para sa aming dalawa

Ilang araw din na ganun ang set up namin. Papasok kami nang sabay pero sa magkaibang kotse. I used to ride Bjorns. While him, on the other hand ride on Gan's motorcycle. Ayaw niya ako pa-angkasin sa motor ng lalaki dahil mabilis itong magpatakbo.

Paano ba naman no choice siya dahil ayaw naman pala ng mama niya na pagamitin siya ng motor. May trauma na raw ang mommy niya dahil nasemplang siya tatlong beses malapit sa bangin.

"Kahit ako ang nanay mo mag-aalala ako, eh!" nakasimangot kong pangaral. "Wag ka na ulit magmomotor, tanga ka pala magdrive."

Nanlaki ang mata niya sa sinabi ko. "Tinatanga mo na ako, ha, Darlene. Ikaw nga yun, eh pumatol ka sa ungas na gaya ko."

Natawa ako sa sinabi niya at mas lalong nanlaki ang mga mata niya don. "Hindi mo man lang hahatulan sinabi ko?!"

Mas lalo akong napahalaklak. Mula sa bintana ng dorm niya ay natanaw ko ang pagkinang ng mga bituin. Tumambay ako sa bintana saglit nang maramdaman ko ang pagyakap niya sa akin mula sa likuran.

"Kamusta ang pakiramdam ng darling ko?"

"Ayos lang, excited na ako makalipad mamayang gabi," I joked.

Where the Wind Blows (Batchmate Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon