Chapter 26

78 4 0
                                    

It was my OJT when I entered elementary school.

I'm currently handling grade five pupils as a student teacher. Sa loob ng ilang linggo, pinokus ko ang sarili sa pagtuturo. Since I'm diving into actual teaching, there are things I have to let go, gaya ng mga madalas bonding times naming magkakaibigan at Nov. He's busy as bee, as well kaya naiintindihan namin ang isa't isa.

"Ma'am, nawiwiwi po ako, excuse me po, ma'am ah?" paalam ng estudyante ko.

"Sige lang, you can go out." humarap ako sa klase. "Sa mga gusto mag-cr, you can go out po muna ha, bago tayo mag-start."

"Opo, ma'am!" sabay-sabay na wika nila.

Ang iilan sa kanila ay nagsialisan, bumalik din naman bago kami magsimula.

"Daluyo."

"Present po, ma'am!"

"Dela Cruz."

"Present po!"

"De Felix," I called. I stopped when I didn't hear any words from that student.

Nakasimangot lang itong nagtaas ng kamay sa bandang dulo at nagpangalumbaba. Ngumiti ako sa batang iyon pero inirapan lang ako. Mukhang mapapasubo ako rito.

"All you have to do is to make your own reflection paper tungkol sa inyong nabasang short story, okay?"

The discussion went smoothly. Nang matapos kami sa klase ay on time ko silang pinalabas.

"Maiwan muna ang hindi pa po finish, ah?"

Limang estudyante ang naiwan sa klase. Ang apat sa kanila ay nagpasa na, samantalang yung De Felix ay nasa kanyang upuan pa rin. I watched her frustratedly crumpled the paper and threw it out.

Bumuntonghininga ako dahil nararamdaman kong nahihirapan na ito sa pagsusulat. Sandali kong sinilip ang papel nito, she's still in the three sentences of her own work.

"Kamusta, Berry?" I smiled at her.

"Ayaw ko na gumawa ng activity!" she shouted by throwing the crumpled paper on the floor again. "Ilang beses ko na sinubukan, ang hirap pa rin magsulat!"

Lumebel ako rito upang pantayan siya. "Berry, why don't you use the RAP strategy?"

"Ano po yun?"

Hinila ko ang isang upuan para tabihan siya. "R stands for Read. Kapag nagbabasa ka, kailangan intindihin mo. You can't just read it aloud without comprehension. Second, A for Ask. Tanongin mo ang sarili mo kung ano ang mga main ideas sa binasa? Ano ang role nitong characters sa story at kung ano ang mga nangyari sa story. Pangatlo, P stands for Putting it in your own words. Huwag mong kabisaduhin ang bawat salita na binabasa mo o sinusulat, all you have to say is to understand the story to write something in your paper."

I know it's not effective just that way. Students still need a guide until they learn and are exposed to the strategy. Nang matapos ito ay nagpaalam na itong umuwi.

Ma'am Corpuz, their adviser, asked me about their activities.

"Kamusta naman ang mga estudyante, ma'am?" nakangiting tanong nito sa akin nang ma-lock ang pintuan.

Ngumiti ako nang malaki. "Ayos naman po, ma'am, nakakasipag ang magturo lalo na kapag alam mong effective yung tinuturo mo sa kanila. Parang mas lalo tuloy akong ginanahan."

"Nako, wag kang pakasiguro, ma'am. Sa una lang mabababait mga iyon, bang-titigas ng ulo kapag tumagal. Tahimik at mabait ang mga iyan sa ngayon, kasi bago ka pa, eh," saad ni Ma'am Corpuz sa akin.

Nang umabot kami sa gate, naabutan ko si Berry na nasa labas ng gate, mukhang may hinihintay. Ma'am Corpuz bid a goodbye to me before we parted ways. Tumigil ako sa tabi ni Berry para kausapin ito nang may kotse na tumigil sa tapat namin.

Where the Wind Blows (Batchmate Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon