Chapter 3

127 10 0
                                    

Rowella Ponce added you to the group

Titser-titseran 
(Bardagulan ng BEED)

Rowy

Welcome, mhie!

Page

@Darlene Amor hi ahihihi

Xyna

Hello po. Welcome po!

Darlene

Thank you po. 🙆‍♀️

Pres Dan

@everyone. Magwewelcome kayo o isusumbong ko kayo kay dean na tumakas kayo nung nstp?!

By the way, welcome, miss darlene ;>

Jordan

@Darlene Amor, hi po, miss darlene welcome ka po here.

Pierro

Welcome po!

Lena

Hi, miss darleneee!!!

Welcome po kayo sa aming pamilya!

Napangiti ako nang sunod-sunod ang notification na natanggap ko mula sa group chat namin.

"Ano ba 'yan ang ingay-ingay naman!" sigaw ni Ate Agora nang tumayo ito mula sa pagkakahiga sa mahaba naming upuan na de-kahoy.

"Sorry," I apologized.

Pinindot ko ang minimize button volume ng phone.

She just snorted and sat down. "Pwede naman i-silent ang phone, di ba? Natutulog yung tao rito, eh!"

Napamaang ako sa sinabi niya. She wasn't sleeping! Nagcecellphone lang naman siya habang nakahiga, tawa pa nga nang tawa sa ka-call niya.

Bagong boyfriend niya yata.

Hindi na lang siya nagsalita at tumayo mula sa pagkakaupo habang nanunusok pa rin ang tingin sa akin. Padabog itong pumwesto sa kusina at may kinuha na kung ano katabi ng TV.

Remote pala tapos pinatay niya.

Nasa bahay na ako ngayon, currently reading the notes Rowy lent me. Naka-file yun at well-organized ang mga lessons from 1. Medyo nahirapan lang ako basahin dahil maliliit ang fonts at soft copy lang ang meron ako, meaning tutok ako sa screen ng phone. Kung i-pi-print ko pa 'to ay mapapagastos ako.

At ayaw kong gumastos kasi wala naman akong pera.

Meron na rin mga advance subjects na sinend sa akin si Rowy pang-second year pero tamad na tamad pa akong aralin dahil tambak ako ng hahabulin sa major subjects nung first sem prelims at midterms.

Child Adolescent and Development pagbabasa ko sa title ng subject.

This course provides an opportunity to learn about the period from childhood to adolescence over time how physiological development is necessary to recognize how the social influences affect a person such as his beliefs, attitudes and behavior.

Ang interesante naman nito.

"Nakita mo yung speaker?" tanong ni Ate Agora sa akin, nakatayo na pala sa harapan ko.

Umiling lang ako dahil abala ako sa pagbabasa ng mga definition ng courses na aaralin ko sa susunod.

"Kuya mo yung gumagamit tapos hindi mo alam?" naiinis niyang saad, nakatayo pa rin sa tapat ko.

Where the Wind Blows (Batchmate Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon