Chapter 23

83 4 0
                                    

Ilang minuto kaming nakatulala sa gabing madilim sa backdoor. At kahit ilang beses na akong tumikhim ay hindi pa rin siya nagsisimulang magsalita. Sumuko na lang ako nang Inilapag ko ang kape sa pagitan naming dalawa. Mukhang nahimasmasan na rin siya dahil sa kapeng tinimpla ko at mabuting sumimsim na siya kahit pakonti-konti lang.

"May trabaho pa kaya ako, dapat mabilis lang usapan nating dalawa," I muttered, still looking up at the sky.

"I. ." he started. "I'm sorry if I forced you here. Wala lang talaga akong makausap," he almost whispered those words.

Mukha talagang malalim ang iniisip niya at bigat na bigat ang mga balikat niyang nakasalampak sa pader. Saglit ko siyang tinitigan dahil sa postura niya ngayon.

There are dark circles around his eyes. Medyo putla na rin ang labi nito at naka-linya lang na parang madamot sa ngiti. Hindi katulad ni Donovan na nakangiti lagi lalo na kapag nakikita ako.

Umiwas na lang ako ng tingin at nagbuga ng hangin. "Tungkol saan ang problema mo?"

"My dad died," he announced hurtfully.

Saglit akong natigilan sa salitang iyon. Dahan-dahan ko siyang nilingon dahil sa pamilyar na salitang tumatak sa aking isip.

"My dad fucking died because of me, and my fucking brother didn't fucking care to our family," malutong na mura niya na parang ang tagal-tagal niya nang sabik na sabihin iyon.

"Bakit wala siyang pakialam?" tanong ko sa kanya.

He scoffed. Parang nakakalokong tanong iyon na narinig niya. "Dahil nakuha niya na ang gusto niya. He stole his properties."

Natikom ang bibig ko sa sinabi niya.

"He was the perfect son. He got all that I don't have. Father loves him the most but the most hurtful thing he did, he wasn't there in his funeral. Sino ang nando'n? Ako at si mama. Tangina, matinong anak ba ang gumagawa no'n?"

Nanumbalik ang kaba ko nang tumiklop ang palad niya na parang anytime pwede niya akong sapakin.

"Bakit hindi mo to sinasabi sa mga taong mas close mo naman? I—I mean, may mga kaibigan ka, 'di ba? You have Cora," I told him with a gentle voice.

"Ah, si Cora. . ?" he added with a scowl. "She didn't listen to me, Adina. Puro Donovan. Pwede ba kahit ngayon lang, ako naman?"

"Quit Adina, hindi ako sanay at hindi naman tayo close."

Umangat ang sulok ng labi niya do'n. Saglit na nawala ang galit sa mukha niya at napalitan ng mapaglarong ngisi.

Uminom ako sa kape nang iniwas ko ang tingin mula sa kanya. Nang ibalik ko ang tingin ay nakatitig pa rin siya sa akin. Inalis niya ang pagkakasandal sa pader at tinanggal ang pagitan naming dalawa.

Nakapamulsa niyang nilapit ang mukha niya sa mukha ko. He started checking out my whole face while pressing his lower lip with his fingers and squinted eyes.

"Don't say Donovan's not calling you by that name?"

Umiling ako. "Mas sweet kasi ang Darlene," sagot ko. "Yung Adina kasi. . . yung lola ko yung n—nagbigay sa akin non at . ." I trailed off.

"At. .?"

Kibit-balikat akong lumihis ng tingin. "Namimiss ko lang si lola kapag naririnig ko yung Adina."

"At yung Darlene?" he asked.

Lumunok ako. Mama named that to me. Bata pa lang ako mahal na mahal ko na ang pangalang Darlene and it's not just because it suits my personality. I'm an affectionate and delicate person, to sum up, I'm also a fragile and thoughtful one when it comes to my loved ones.

Where the Wind Blows (Batchmate Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon