Chapter 17

85 6 0
                                    

Tumama ang aking paningin sa puting ceiling nang magmulat ako ng mata. Sandali kong tinitig ang mga mata doon para isipin kung nasaan ako. Tahimik ang kwarto, wala akong naririnig ng kung ano.

I decided to pull my body up. Nakalimutan kong masakit pala ang katawan ko nang bumangon. The nurse suddenly entered the room with a surprise look in her eyes. Mabilis siyang lumakad palapit sa akin.

"Kamusta ka?"

"N—Nurse Lovely," I uttered when I recognized her.

"Ayos na ba ang katawan mo? Nawalan ka ng malay, eh."

"B—Bakit po?"

"Puyat, walang-kain, pagod. Ang sabi sa akin ng kaibigan mo ang huling kain mo ay kaninang umaga at biscuit lang ang pinang-agahan mo."

Sandali kong inisip ang huling nangyari nang mahimatay ako. Ah, oo. Yung babae at si Miss Vanity. She saved me. Napabuga ako ng hangin dahil sa nangyari.

Nakakahiya kay Miss Vanity.

"Nga pala, dinala ka nung tatlong babae tapos binuhat ka pa. Classmates mo ba yon?" tanong niya pa sa akin.

It's Miss Vanity's friends.

Umiling ako. Hinayaan niya akong magpahinga ng isang oras sa loob ng clinic. Tanong lang siya nang tanong sa akin, pampatay lang ng oras.

"Dumaan pa yung tatlo mong kasama lagi. I remembered their names, yung Rowy at Page. Ayon dinalhan ka ng uniform at sinuotan ka kaso may klase pa raw kaya bumalik sila sa room," pagkukwento niya.

Bumaba ang tingin ko sa suot na uniform. Kaya pala pakiramdam ko na hindi basa ang suot ko. I'm glad they visited me here at least.

Nang maayos na ang pakiramdam ko kahit papaano ay nagpaalam akong aalis na. She handed me two burgers before closing the door. Nagpasalamat ako kay Nurse Lovely bago lumabas.

Kinain ko yun nang tumambay ako sa likod ng building namin. Pagtapos ko kumain ay dumeretso ako sa dean's office, nakareceive ako ng private message mula kay Cholo.

Cholo

Daan kang dean's office, Darlene.

Gulat ako nang dumaan ako sa pasilyo ng ground floor dahil namataan ko si Cholo at Vanity nang magkasama, nagtatawanan pa. I just shrugged my shoulders before entering the office.

The whole time, panay ang pag-iikala nung babae ang ginawa niya. I just admitted what happened right away, gusto ko rin makabawi kay Miss Vanity dahil tinulungan niya ako. Hindi ko alam ang nangyayari sa pagitan ni Kirk at Vanity lalo na dahil sa tensyon na binibigay nila sa paligid.

Siguro dahil kay Cholo. Balita sa campus na nililigawan niya si Vanity eh. Alam naman kasi ng lahat na may something kay Vanity at Kirk, kalat sa nf ko nung nakaraan na magkasama ang dalawa sa church.

Wala na rin naman akong alam bukod don. That's their life. Ayaw ko naman makisawsaw. Nagpasalamat ako agad kay Miss Vanity nang makalabas ng office, may ilang paalala pa siyang hinabilin sa akin na pinakinggan ko lang.

Mabait naman pala siya, eh. Ang daming nagsasabi na bossy siya at strikta. Naiintindihan ko naman kung bakit siya gano'n. She's known and pretty smart. She got it all. Kung gano'n ako, pananatiliin ko rin ang titulo ng pangalan ko. Hinding-hindi ko papayagan na madungisan ako, eh, kaso hindi naman ako pinanganak na gaya ni Vanity.

At alam kong kahit sikat siya sa campus; kaya niyang makipag-sabayan sa mga matatalino at natatangi ang ganda niya sa loob ng eskwelahan, may sakit siyang tinatago sa puso. Ayon ang hindi mawawala sa tao.

People can show they're brave enough by bragging things what they have but there's a thing they can't hide, their broken hearts.

Sinalubong ako ni Donovan sa tapat ng building at inakbayan ako. Wala masyadong estudyante dahil nasa klase. Nang tumapat kami sa building namin ay saka niya lang ito binitawan. I heard him groaned inwardly.

Where the Wind Blows (Batchmate Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon