Chapter 7

115 8 0
                                    


I never was anyone's liking as their girl standards pero si Donovan ay pinaniwala ako na ang babaeng gaya ko ay pwede rin pala mapansin ng lalaking tulad nya.

I'm nothing compared to his choices. He has so many options; he has a freedom to choose what kind of woman he would like or. . . fall in love with. Pero ako. . sabi nya, ako ang gusto nya.

Bakit kaya ako? Ang dami kong flaws; mula sa mental, pisikal, estado sa buhay. Pero bakit. . . ako?

In the world of speck of pixie dust, I was a lost dust that was blown by the wind.

I was out of words. I couldn't believe he likes me o baka nahipan lang ako ng masamang hangin kaya kung ano-ano na lang ang pumapasok sa utak ko? Baka naging delulu lang ako? Baka iba yung meaning nya ng like?

But at that moment he seemed serious.

Pumasok ako sa banyo na dala-dala pa rin ang pag-iisip tungkol sa confession sa akin ng lalaki. Hindi ko nga naramdaman ang lamig ng tubig pagbuhos ko mula sa tabo. Nakalimutan ko nga rin ihanda yung damit na isusuot ko ngayong araw.

Napasapo na lang ako sa noo sa katangahan. I just reached for my uniform, ironed them and wore them lazily. Mula sa salamin ay pinanood ko ang sarili na i-tali ang string necktie sa leeg ko nang tumunog ang phone ko.

Inabot ko yun mula sa papag namin para i-check ang nagnotification pero halos mahimatay ako sa nabasa ko notification.

Donovan De Vera sent you a friend request.

Hala, tinotoo nya talaga?

Mabilis kong hinagis saglit sa papag ang phone ko na nakalimutan kong gawa nga pala sa kahoy, baka mabasag yung phone ko kaya mabilis ko rin kinuha agad.

Hinilamos ko na lang ang mukha dahil sa mga pinaparamdam sa akin ni Donovan. Lumihis ang tingin ko sa phone at binigyang pansin na lang ang sarili sa salamin.

I just applied powder on my face and a lip balm. Cora told me to fix myself at least, kailangan daw dahil baka mapuna ako ni Dean. Natuto na ako eh nung unang pagtapak ko pa lang sa office nya.

Napatitig ako saglit sa maliit kong mukha at maliit kong height. Hindi naman kasi ako katangkaran, I'm just 5'2. I'm also thin that makes me look so unhealthy. As in ang payat ko simula pa nung bata ako kaya nga inggit ako sa mga chubby eh.

The tips of hair is a bit wavy but they're healthy. One of thing in my body I cherish the most is my eyes. Nangungusap lagi ang mata ko at mukha talagang iiyak anytime. . . pero normal naman talaga 'to.

Hinanap ko ang pares na footsock ko pero ang isang pares lang ng kulay brown at black kong footsock ang nakita ko.

Shems. Kailangan ko pa naman magfootsock dahil napaltos ang paa ko sa sapatos! Kahit na naka-bandaid na ang parte ng paa ko na may paltos masakit pa rin talaga.

I just took the two different colors right away.

Pumasok ako sa room nang medyo nagkakagulo silang lahat. Kumunot ang noo ko mula sa pagkakatayo sa unahan dahil nasa akin ang talas ng tingin nila Page. Yung tingin na may parang krimen akong ginawa.

Hindi ko na lang sana papansinin kaso hinarangan ako ni Rowy mula sa aisle. She's blocking my way by leaning her arm on the headboard of the chair in front of our chairs' row para hindi ako makapasok sa row namin.

"B-Bakit?" tanong ko sa kanilang tatlo.

Lalo akong pinaningkitan ng tingin ng babae. "Grabe, Darlene, ha? Hindi mo naman sinabi sa amin!"

"S-Sinabi?" kinakabahan kong tanong.

"Yung kay Donovan, mhie!" Cora added with her forehead creased.

"Nakakabigla kaya!" dagdga ni Page.

Where the Wind Blows (Batchmate Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon