Chapter 41

79 1 0
                                    

"Anong ginagawa mo? Baka hindi mo ako kilala?" nagpupumiglas na wika ni Herbert nang posasan ito ng police.

"T-Totoo ba yun, Herbert? Totoo ba ang paratang nila sayo?" our Pastor asked with a worried look painted all over his face.

Nagtiim ang bagang ng lalaki. "Hindi! Hindi totoo yan! Paanong attempted rape?! Ako magkakainteres sa ganyang babae?!"

Dumilim ang mata ni Vember sa kanyang sinabi. Vember once was a witness! Alam niya na nangyari nga ang muntik nang panggagahasa sa akin! Matapang si Vember dahil sigurado siya.

Kuya's eyes went wide, tears slid down from his eyes, his fist closed.

My throat suddenly dried-hindi ko alam ang sasabihin sa kasinungalingan niya. May ebidensya na't lahat, nagkakaila pa!

Mabilis na nalipat ang tingin ko sa tahimik na babae sa kanyang gilid. An anger rises inside my body as her stares gives me shivers-dahil hindi ko maatim na mayroon akong kamag-anak na walang kaluluwa!

Napangisi ako sa kanya. "Oo nga naman, paano ka magkakainteres kung walang bumugaw, di ba? Ate Agora?"

"Anong ibig sabihin non?" Kuya asked, waiting for my response but I remained stared at Ate Agora.

Umiwas ng tingin ang babae sa akin. "A-Anong ako ang tinatanong mo, Darlene?! Ako pa talaga? Nag-ambag ako sa pang-araw-araw na kailangan mo tapos ilalagay mo ako sa problema niyo! Pinsan mo ako!"

My jaw clenched. "Eh, ako? Naisip mo ba na pinsan ako nung walang pagdadalawang isip na itulak sa manyakis na 'yan?! Ha?!" I fired back. "Mga wala kayong konsensya! Lahat kayo ginago ako!"

Kuya faced me with horrid ignites in his expression. Dahan-dahan itong lumapit sa akin, hinawakan ang dalawa kong balikat, pinaharap sa kanya ngunit iginilid ko ang aking mukha upang iwasan ang kanyang mata.

"D-Darlene, magsumbong ka sakin ngayon. . . sabihin mo lahat ang ginawa nila s-sayo."

"N-Ngayon pa, Kuya? Kung kailangan sumabog na ang puso ko sa galit, n-ngayon pa ako magsusumbong?"

"A-Anong ginawa nila sayo?" his voice cracked.

Dahan-dahan kong sinalubong ang kanyang tingin ngunit ang tingin ko sa kanya ay tumagos sa taong nasa kanyang likuran. Donovan. . . was in shock. Pansin ko ang hindi paggalaw ng kanyang katawan mula kanina pa.

Hindi ko makita ang ekspresyon ng kanyang mukha dahil sa panlalabo ng paningin ko.

Ibinalik ko ang tingin kay Kuya nang may luha sa mga mata. "T-They abused my innocence, Kuya. . ." I shobbed. "Hindi ko inasahan na pati ang kadugo ko ihahain ako sa lintek na manyakis na 'yan!"

"D-Darlene . . " Kuya muttered. "Bakit ginawa 'to ni Agora sa'yo? M-May kailangan ba siya kay Herbert?"

"Bakit hindi mo itanong sa Agora na 'yan?!" I pointed the woman in her direction.

All of the people looked in her direction. Her eyes are sudden in fear. "A-Ako? Ang galing, Darlene, ha!" her voice began to shake. "Paano mo nasasabi na may kailangan ako sa Herbert na yan?!"

"Siguro pera?! Pera pang-abroad?! Oo, oo nga. . . kasi may mapapala ka sa pera niya, d-di ba?" I sobbed.

"P-Pero nagtrabaho pa rin ako sa lintik na club na 'yan para may makain sa hapag! Tinanggap ko yung lintik na trabaho na 'yan para may maitulong dahil sayo, Ate!" I cried. "At ikaw, Kuya. . nanahimik ako para hindi ka mawalan ng sponsor, kuya k-kasi gusto mo makapagtapos. Nanahimik ako para iligtas ka sa putragis na manyakis na 'yan!" dinuro ko ang matanda. "K-Kuya. . . sa pagkakataon na 'to gusto ko magsumbong sayo. M-Muntik na ako gahasain niyang pinagmamalaki mong sponsor!"

Where the Wind Blows (Batchmate Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon