Chapter 37

78 1 0
                                    

Akala ko magiging normal ang daloy ng mga sumunod na araw kahit na pilit kong winawaglit sa isipan ko ang lalaki. Naririnig ko pa rin ang boses niya sa aking isipan lalo na ang usapan namin last time.

Umiling na lang ako sa naisip. I received a text from Vember as I waited for it.

Vember

Don't worry, I'm working on it already.

Malaki ang tulong sa akin ng lalaki dahil pinagkakatiwalaan ko siya, kahit noon pa. Akala ko nga ay ang pagkawala niya may iiwan na pagbubunyag ng sikreto ko kila Cora pero hindi, pinanatili niya yun sa sarili niya.

Maulan nang maging abala ako sa pag-eedit ng certification of appreciation sa top 10 students na pinakamataas sa subject ko for this quarter. Nag-asikaso pa kasi ako ng final grades nila bago ako mag-edit ng mga soft copy ng certificate.

I had no sleep last night para tapusin ang gawain ko dahil may lakas akong ilalaan sa kaso ni mama.

Akala ko madali na lang sa akin ang pagprint ng mga certificates pero nasira ang makina ng printer ko kaya kinailangan ko pang sumuong sa ulan para pumunta ng palengke, doon lang kasi ang may 24/7 print shop.

I'm wearing my uniform already. Balak ko sana na dumiretso na pagpasok after nito dahil isasalansan ko pa ang mga outputs ng mga students, ididistribute ko na lang.

"Ma'am, pasensya na po, a? Naubusan po kasi ng ink yung printer, naubos na stock namin, e. Wag kayo mag-alala, bumibili na po," nahihiyang wika ni kuya.

Umiling ako sa kanya habang nakangiti nang maliit. "Sige lang po, kuya. Kaya ko naman po maghintay."

Sinipat ko ang wall clock sa pader at napabuntong-hininga. May 20 minutes na lang akong ilalaan dito. Ayaw kong ma-late dahil simula ngayong araw kailangan kong bumawi.

Medyo naging mainit na ang mata ng principal sa akin, kailangan kong ipakita na hindi na mauulit ang ganung pangyayari lalong-lalo na sa mga bata.

Siksikan ang kalsada ng makalabas ako sa printing shop. Hirap akong bitbitin ang mga bag na dala ko. I have to distribute these papers to my students. Medyo nahirapan pa ako sa pagsakay dahil nag-uunahan ang mga pasahero.

Pumara ako sa isang tricycle papunta sa aking direksyon. Sasakay na sana ako nang may isang babae ang lumapit sa amin. May kaliitan ang suot nitong damit at kitang-kita ang hubog ng katawan. The driver suddenly entertained her.

"Saan kayo, miss?" tanong ng driver sa babae. Sumagot ang babae at agad pinasakay.

"Kuya, a-ako po yung nauna," untag ko sa lalaki.

Saglit na dinungaw ako ng lalaki. "Magjeep ka na lang kaya, miss? Agawan ng tricycle dahil malakas ang ulan," untag ng lalaki sa akin.

Hindi nga nagtry makipag-agawan ang babae sa akin!

I heaved a sigh. No choice akong sumakay sa pinarahan kong jeep dahil ito lang din ang available kong sasakyan. Kahit siksikan ay tiniis ko dahil sanay naman ako. Baka malate na rin ako kung maghihintay ako ng masasakyan.

Papikit-pikit ako sa sasakyan dahil dinadalaw ako ng antok. Mabuti na lang ay sumigaw ang driver sa lugar na bababaan ko. Agad kong hinablot ang isang nakalapag kong bag mula sa kumpol na bag ng ibang pasahero.

I heaved a sigh as I noticed they covered mine. Ang bibigat pa naman ng mga bag nila lalo na yung ginang na karton pa ng laman ng paninda niya ang nakapatong sa mga bag ko knowing na papel ang laman ng mga 'yon!

Dahan-dahan kong inangat ang karton habang masama ang tingin niya sa akin. "Pakidahan-dahan naman," pagalit nitong saad sa akin.

Tahimik kong kinuha ang akin.

Where the Wind Blows (Batchmate Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon