Chapter 11

90 5 0
                                    

Talagang ang bilis ng panahon.

Midterm exam na namin sa Wednesday so we have to work on the activities we have to accomplish. Fortunately, lahat naman ng mga activities ay nahahabol ko na. Sa research namin sa dalawang subjects lang talaga ako nahihirapan dahil ang hirap pagsabayin.

Lalo na dahil sa nalalapit na qualifying exam. Nang maalala ko na naman ang tungkol sa exam na iyon ay hindi ko maiwasan ang magpakawala ng buntong-hininga.

"Guys, kalma lang kayo, ah? Tungkol ito sa qualifying exam. The director approved it already, napirmahan na at isa lang ang ibig sabihin non," Dan blew out a deep sigh before saying, "Continue ang qualifying exam. Magsesend ako ng link ng gform kung saan doon niyo ilalagay ang first choice nyo which is kung ano yung major na kinukuha nyo ngayon and your second choice as your back up if ever hindi nyo mapasa ang first choice."

Pierro raised his hand. "Pres, ano ibig sabihin non kapag hindi napasa ang both choices, may paraan pa ba para ipagpatuloy yung college rito?"

Dumaan ang matinding pagkabog ng puso sa dibdib ko nang marinig ang tanong na iyon.

"Shift program, beh. Pero. . depends pa rin kung papayag ang dean na lumipat ka sa program nila kasi alam mo na. . limited lang ang slot," sagot ng president. "Ang alam ko is. . pa-swertehan na lang na pumayag kang lumipat sa program nila kasi nakareserve na pala sa nga freshman yung slots nila."

Tumango lang ang mga kaklase ko habang nag-uusap na rin tungkol sa pagrereview nila pero ang kaba sa puso ko ay nanatili pa rin.

Kailangan kong galingan sa qualifying exam, ayaw ko nang mag-shift, natatakot na ako. Ayaw kong bumalik sa zero. Ayos na ang buhay ko rito sa BEED. I won't let that qualifying exam defeat my self-determination to pass it.

"I-manifest nyo na lang na mapasa nyo ang major nyo ngayon dahil ayon naman ang importante. Don't think about shifting program dahil sa pag-iisip nyong hindi kayo makakapasa," Dan advised. "Always tell universe to let you reach your dreams."

Sa kabilang banda, Donovan and I stayed with this relationship. A no label relationship.

Hindi ko pa sya pinapayagang manligaw at mas lalong wala pa rin naman kami, pero patuloy pa rina ng koneksyon naming dalawa. Medyo nahihiya nga ako dahil nag-ooffer sya ng help sa mga activities at homeworks ko pero lagi kong tinatanggihan.

Ayaw ko ngang makaabala pa ako sa pag-aaral nya.

I haven't tell him about the qualifying exam dahil hindi ako handa na ibukas ang topic na yon sa kung sino, mas lalo akong natatakot pag-usapan, eh. Nag-start naman na akong magreview after ng preliminary exam namin kaya kahit papaano ay narerecall ko ang ibang topics na napag-aralan namin.

It's Sunday in the morning when I stepped my foot in church. Binati ko si pastor at mga ka-churchmate ko nang umagang iyon. With a sigh, I smiled and throw all uncertainties away in my head.

I make my ways towards my usual spot. Sa harapan namin ay nakaupo si Pastor ang isang kaedaran nyang lalaki na pormal ang suotan. Bumati ako kay pastor nang lumapit at nagmano.

"Ito na pala si Darlene. Kapatid ito ni Darius," tukoy nito sa kuya ko.

The man nodded with a grin. With his observing eyes, he started scanning me from head to toe. Tumagal ang tingin nito sa pinakangdulo ng dress ko na hanggang tuhod. Mas lalong ngumisi ang lalaki pero nandoon pa rin ang tingin.

I can't help but to feel so uncomfortable.

There's something I can't read in his eyes. Parang kakaiba. . kasi ang tingin ng lalaki sa akin.

"Mayroon pa lang magandang kapatid 'yon, ano?" tumatawang saad nito na kina-tungo lang ni pastor.

"Mabait 'yang si Darlene, talagang maaasahan na anak, masunurin at magalang," pagmamalaki ni pastor dito.

Where the Wind Blows (Batchmate Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon