Chapter 12

89 5 0
                                    

Donovan

Hintayin mo ako sa exit gate ng uwian. Mag-uusap tayo.

I sighed in frustration before typing my reply to him.

Me

Nov, sorry kung iniwan kita dun, ha?

I didn't earn a reply from him, basta nya na lang sineen.

I bit my lower lip and sighed.

Galit yata.

Hindi ko naman sinasadyang sabihin yon pero para hindi sila mag-isip ng kung ano sa aming dalawa, hindi ako nagdalawang isip na iwan sya para malaman nang lahat na walang namamagitan sa amin.

I jumped on my seat when another reply popped up.

Donovan

5pm lalabas na ako.

Me

Nagsisimula na ang klase nyo?

Donovan

Yes.

He really seemed angry based on his typings. Hindi na ako masosorpresa do'n dahil napahiya talaga sya nung nangyari yon.

Hindi ko maiwasan ang pagsisisi sa sariling ginawa. I just thought that would be a better way for us to avoid being talked about, lalo na sya!

"Dalene, naipasa ko na kay sir yung gawa natin," Cora informed me with a small smile.

Ngumiti lang ako sa kanya nang malaki. "Salamat, Cora. Sorry kung naiwan kita kanina."

Sinundan nya naman ako pero parang iritado sya nung sinalubong ako sa baba ng building. Nag-apologise ako sa kanya before we continued our work.

"Tapos na rin naman," she added. "Successful din ang gawa natin."

I just nodded. Hinarap ko na lang ang screen ng phone para sana magsalamin. Mula sa screen ng phone ay nakita ko ang pagwala ng ngiti ni Cora sa akin. Behind me, I saw her brow raising at me.

O baka namalikmata lang ako?

Nabalik ako sa ulirat nang may kung sino ang nagwisik ng pabango sa dibdib ko.

"Mabango?" Page asked me.

Inamoy ko ang collar ko. "O—Oo."

"Bango di ba? Galing japan yan!" she said proudly.

Nagdesisyon ako na salubungin si Donovan sa department nila pagtapos ng klase. Gusto ko lang bumawi at humingi ng sorry. I was at fault.

Naglalakad pa lang ako papuntang department nila nang makarinig ako ng bulungan sa paligid ko.

"Ang galing talaga ni Donovan, 'no? Na-perfect nya yung long quiz."

"Kaya ang daming nagkakandarapa, eh. Full package si Nov, 'no?"

"Running for cum laude yun, ah tsaka yung Engineering na si Angeles, kung hindi ako nagkakamali."

"Si Gan pa, yung sa interior designing."

Lalagpasan ko na sana ang grupo ng mga kababaihan not until I heard my name.

"Yung malanding babae na Darlene lang sa coe department ang nanghaharot kay Donovan. Feeling ka-level ni Vanity at Dia, ampota."

Dahan-dahan akong napalingon sa kanila. At dahil sa medyo may kadiliman ang kinatatayuan ko, hindi nila ako masyadong nakita.

Paano nila nalaman na. . .  kalat na ba agad?!

"Teka, ayan ba yung Darlene?" tumuro ang isang babae sa direksyon ko.

I bit my lower lip before walking backwards. Before everyone could react, I ran as fast as I could towards the exit gate. Hingal akong napasandal sa pader ng parking lot ng campus sapo ang dibdib.

Where the Wind Blows (Batchmate Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon