Chapter 38

71 1 0
                                    

I was awake when I felt a warm cloth put on my forehead. Malabo pa ang kabuuan ng lugar nang imulat ko ang aking mata. Naaninag ko ang bulto ng lalaki sa tapat ko nang tawagin ako nito.

“Darlene?” called Vember, giving me a warm smile. “Hey. . “

Bahagyang napakunot ang noo ko dahil sa bahagyang pagkirot ng ulo ko. “Nasaan ako?”

He cleared his throat. “Wag mo na alalahanin, halika, kumain ka muna.”

“K—Kain?”

Dahil doon ay mas lalong kumalam ang sikmura ko. Ngayon ko lang naalala na hindi pa ako nakakakain simula pa kagabi.

He nodded. “Para makainom ka na rin ng gamot. Hindi mo sa akin sinabi na nilalagnat ka, ang taas ng lagnat mo.”

Inalalayan niya ako sa pag-upo hanggang abutin niya ang mangkok ng lugaw. Sumandok siya sa mangkok at sinubo ang isang kutsara sa akin. Inabot niya ang napkin sa tabi niya at pinunas sa gilid ng labi ko yu.

Halos nasamid ako sa sariling laway nang mapansin ang dalawang tao sa tapat na couch, nakaupo. Cora is watching over us with a slight sarcasm smirk in her lips.
Ang katabi niya naman ay nakapanood lang sa amin, nakakrus ang braso, magkasalubong ang kilay. He now managed to wear a black hoodie and white pajamas.

Gulat na nlipat ang tingin ko kay Vember. “A—Anong ginagawa nila dito?”

“Medyo offensive sa may-ari ng bahay, ah?” sarkastikong wika ni Donovan .

“My God, ganyan na ba magpasalamat ang mga teacher sa panahon ngayon?” dagdag pa ni Cora na may bahid ng inis sa tono ng boses.

Vember heaved a sigh. “I'm sorry, hindi ko nasabi.”

“Na?”

“His place is under renovation,” Donovan started with a deep stern voice. “You're in my place, Darlene.”

Medyo tinamaan ako ng hiya sa narinig. I quickly looked away from his eyes. Hindi ko kayang titignan ang lalim ng tingin niya sa akin na parang meron akong masamang ginawa sa kanya!

Dahil ba last time? Hindi siya makalimot? Is that conversation his new greatest nightmare?

“Bakit hindi mo ituloy ang pagsubo ng lugaw sa kanya, Vember? Gutom siya, di ba? Para rin makainom na siya ng gamot at makaalis na.”

Nagsalubong ang kilay ko sa inasta ng babae kaya naman ay tumayo ako nang wala sa oras sa couch.

Mabilis na tumalima si Vember. “Darlene, where are you going?”

“Aalis,” mabilis kong sagot. “Uuwi ako.”

“Malakas ang ulan sa labas, he can't drive you home,” ani Donovan, pinipigilan ako.

Humarap ako sa kanya at inirapan siya. Nagulat siya sa ginawa ko pero natawa na lang din na parang naaasar. Tignan mo, look how different his attitude is to me.

“D—Darlene, we'll stay here for the meantime. Malakas ang ulan, delikado kung ngayon pa ako magmamaneho, madulas ang saan at gabing-gabi na.” hinawakan niya ang braso ko at dahan-dahan ako hinila paupo. “We'll stay here. Pag natapos yung renovation nang maaga babalik naman tayo sa condo ko, wag kang mag-alala.”

“Tama, para naman kami na lang ulit ang maiwan ni Nov dito dahil naiistorbo kami to ar  least we have our peaceful time together, right?” Cora fired back. “Hindi yung may biglang susulpot na tao na halos ilang taong hindi nagparamdam,” pagpaparinig nito.

Napapikit si Vember sa pagtahol ng babae sa kanya. “I told you it was a personal matter kaya wala akong paramdam!”

I shut my mouth and observe the three people around me. Inabot sa akin ni Vember ang mangkok ng lugaw na agad kong nilantakan.

Where the Wind Blows (Batchmate Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon