Chapter 27

73 4 0
                                    


Nauna na akong umalis, I'm sorry I didn't wake you up, may urgent. I'm gonna meet Kirk and Gan.

–Nov.

Isang linggo na, ganun pa rin ang set-up naming dalawa. We didn't talk about this, leaving me every morning tapos siya mag-iiwan lang ng sulat sa akin. I stayed at his dorm, but I feel we're so far from each other. Hanggang ngayon kasi masama pa rin ang loob niya sa akin dahil do'n.

I told Vember to stop seeing me, pero tuwing uwian galing school talagang hindi maiiwasan ang pagsalubong naming dalawa, knowing his niece is one of my students.

"Yung pamangkin ni Vember estudyante ko kasi," I informed Donovan when he waited for me outside the gate.

Magkasalubong ang kanyang kilay habang tinatanaw ang kotse ng lalaki sa malayo. He heaved a deep sigh and smiled a little. "Nauuna ba siya sa akin lagi?"

I swallowed before shaking my head. "Hindi naman."

"There's something odd," sinalubong nito ang tingin ko.

"Odd? May problema ba?" takang-tanong ko.

Ewan ko ba, pero parang masama ang pakiramdam ko nang binigkas niya iyon.

Pinilig niya ang kanyang ulo bago mariing pumikit. "Nothing, nevermind."

Hindi ko na siya maintindihan pagkaraan ng ilang araw. Mukha siyang balisa, at hindi maayos kausap. I asked him if he has a problem. Hindi na lamang ito kumikibo pero pansin ko ang pagdaan ng kakaibang kilos ng lalaki sa akin. Lumalaki na rin ang itim na itim niyang eyebags habang nasa malayo ang tingin.

"May problema ba kayo ni Nov? Break na kayo?" sunod-sunod na tanong ni Rowy sa akin.

"Hindi kami nag-break," sagot ko sa babae. "Kakaiba lang siya talaga nitong mga nakaraang araw."

Sinubo ni Page ang fries mula sa pagkakakunot ng noo. "Paano mo nasabi?"

"Mukha siyang stress na depressed." kumagat ako sa burger bago sinalubong ang tingin ng dalawa. "H—Hindi rin kami nakakapag-usap nang maayos kasi masama ang loob sa akin."

"May ginawa ka bang kinasama ng loob niya? Nako, ha, di ka namin pinalaking-ganyan!" Rowy slapped my hand right away when I was about to pick a piece of fries.

I groaned in pain. Sumimangot lang ako sa babae at sinipat ang relo sa pader.

"May nangyari ba, Darlene?" Rowy asked again.

Nilunok ko muna ang pagkain bago lumapit nang bahagya sa kanila. "Akala niya may namamagitan sa amin ni Vember."

"Ah, nagseselos? Natural lang iyan sa lalaki, mhie!" Rowy said, nagthumb's up pa ito sa akin saka sumimsim sa soft drink.

"Hindi pa siya okay, kaya hindi talaga maayos," I heaved a long sigh. "S—Sana maging okay din siya."

"Hindi rin naman tatagal iyan."

"Anong hindi tatagal?" mabilis kong tanong.

"Gago, yung tampo ni Donovan kasi," maagap na saad ni Page.

"Wag mo isipin yung relasyon niyo ang matapos, baka ma-jinx," payo ni Rowy, tinapik pa ang balikat ko.

Dumaan ang samu't saring mga katanungan sa isip ko sa gitna ng biyahe ko pauwi. Pagod na pagod ako nitong mga nakaraang araw dahil sa mga mabibigat na gawain, but I chose to continue this path. Wala rin naman madaling paraan. Hindi na rin ako nagbalak mag-backout dahil napamahal na sa akin ang pagtuturo. Ang layo ko na, eh, aayaw pa ba ako?

"Kuya, konti na lang, matatapos na bayarin niyo ni mama," balita ko kay kuya sa kalagitnaan ng pagtawag ko sa kanya mula sa phone.

"Magkano na lang ba, Darlene?"

Where the Wind Blows (Batchmate Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon