Chapter 28

62 3 0
                                    

Hindi maayos ang pakiramdam ko pagpasok ng school. But as a teacher, I have to look fine and presentable. Hindi dapat naaapektuhan ng problema ko ang mga bata. Malawak ang ngiti ko sa mga bata kahit na sa loob-loob ko, ang daming katanungan. I thought Donovan and I are okay already pero bakit. . ganun pa rin siya? Ilag pa rin? We slept together on the bed, wala naman nangyari, basta diretso pikit at tulog na kaming dalawa.

Nanlalamig na ba talaga siya sa akin? Napapalitan na ba ako?

"Bakit hindi mo yun itanong sa kanya? Hindi yung mamamatay ka na kaiisip dyan!" diretsahang tanong ni Page sa kabilang linya.

I asked for their advice, even Rowy, pero kagaya ng sinabi ni Page, bakit daw hindi ko tanongin si Donovan.

Nang lumabas ako ng gate, agad akong naglakad papuntang terminal. Abala ako sa pagtatype ng mensahe para kay Donovan nang harangin ako ng lalaki sa harapan ko. Halos mapamura na naman ako dahil si Vember ang nasa harapan ko!

"Puno ang terminal," aniya, parang binasa yata ang gagawin ko.

Binasa ako ang ibabang labi. "Vember, ano na naman?"

"Wala kang masasakyan, no choice ka kundi sumakay sa kotse ko."

"Hindi ko pa nga nakikita, eh!"

He smirked. "I told you, puno na nga. Bahala ka kung maghihintay ka pa, baka anong oras ka na rin makabalik sa inyo."

Tumungo ako sa terminal, gaya ng sabi ni Vember puno nga. Tumawag na lang ako ng taxi para makauwi na. Nilingon ko si Vember na nakatanaw lang sa taxi na sinakyan ko.

Gabing-gabi non nang may kumatok sa pintuan ng bahay. Binuhat ko ang sarili bagama't ang bigat-bigat na ng katawan ko sa sobrang pagod. Dumaan ang gulat sa aking mata nang ma-realize kong si Donovan ang lalaking nasa harap ko.

He looks miserable with three unbuttoned sleeves on his chest. Pulang-pula ang mukha nito at mapungay ang mga mata. Nang banggitin nito ang pangalan ko, dumaan ang amoy ng alak galing sa kanyang bibig-napagtanto kong lasing nga siya.

Susuray-suray itong lumakad palapit sa akin at mabilis akong niyakap na dahilan nang pagsubsob ng mukha ko sa kanyang dibdib saka ko narinig ang mabigat niyang hikbi.

"Ayaw kong umalis. . " he cried out. "I don't want to leave you. . " hagulgol pa nito sa akin.

Did he realize now leaving me every morning is painful?

"Shh. . oo, hindi mo ako ulit iiwan."

Kumalas ito sa pagkakayakap sa akin at tumulak papasok sa loob ng bahay. I closed the door and faced him.

"Bakit lasing ka?" tanong ko sa lalaki.

He didn't answer my question, instead he held my shoulders and stared at my eyes. "Sabihin mo na ayaw mo akong mawala sa'yo."

"N-Nov. . "

"Beg, Darlene, beg to make me stay," he said, a bit hoarse.

My cheeks flushed as he kissed me on the left cheek. "Say you want me to stay."

"D-Dito ka lang, wag mo akong iwan. . " sambit ko sa maliit na boses.

Pinadaan ko ang kamay sa dibdib niyang nag-iinit. Pumungay ang mga mata kong nakatitig sa malawak niyang dibdib. I placed my head on it. My heart warmed when he caressed my hair.

Nang i-angat ko ang tingin sa kanya, mabilis ko siyang dinampian ng halik sa labi. I did it twice. Nang pangatlong beses ay tinagalan ko ang halik sa kanya. I even tiptoed my feet to reach his pinkish wet lips. He suddenly snaked his arm around my waist to support me. The other hand is holding my cheek.

Where the Wind Blows (Batchmate Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon