Chapter 18

87 6 1
                                    

Umaga pa lang pinuntahan na namin ni Donovan ang printing shop. Hindi na ako na-sorpresa ng tapos na agad ang hardbound namin at para talagang kumikintab ang cover sa sobrang linis non. Halatang pinaghandaan talaga. Ngiting-ngiti pa ang owner ng shop nang matanaw kami ni Donovan.

I checked the paper inside, nakahinga naman ako nang maluwag dahil sa wakas nandon na ang pangalan ko. Napabulong ako ng salamat sa Diyos.

"Dun ka," tumuro si Donovan sa standee ni Jollibee, tintutok ang camera ng phone sa akin. "Picture-an kita, remembrance lang na nagpakapuyat ka sa research niyo."

Ngumuso ako sa kanya. "H—Hindi ako photogenic."

"Gaganda ka rito," he convinced. "C'mon, smile."

Hindi ako ngumiti, mas lalo ko pang itinungo ko na lamang ang mukha ko dahil sa hiya. People are looking at us! At baka may makakilala sa amin. Pero ang lalaki panay ang pagkumbinsi sa akin.

"Smile, darling," malambing niyang saad na nagpa-angat ng sulok ng labi ko. Sa gulat ay napaangat ang tingin ko sa kanya, ayon nasaktuhan na nakuhaan ako.

We took a lot of pictures together. Ang kulit niya kasi kanina pa siya video nang video sa aming dalawa. Kahit nung nasa escalator kami, he was filming my back while calling me.

"Darling, harap!" he called while laughing.

Umirap na lang ako sa hangin, hindi siya nililingon. Hindi talaga ako komportable na pinipicturan ako kasi hindi nga ako confident sa itsura ko sa mga pictures. Bukod sa mababa ang self-esteem ko, ang laki rin ng problema ko sa self-confidence.

"Ang ganda mo kaya rito," aniya sa paglalakad namin. "Profile mo to, ha? Kahit cover lang."

Saglit akong napasilip sa picture and I was taken aback as I gathered an air to breathe because. . he's pretty good at photography. Napalundag ako sa saya dahil ang ganda ko nga sa picture.

Ang alon-alon kong itim na buhok ay nabagsak lang sa likod ko habang nakatalikod ako sa cam pero ang ulo ko ay nakabaling sa kanang direksyon, kita tuloy ang medyo may ka-tangusan kong ilong. I'm only wearing a white shirt na naka-tuck in lang sa jeans.

Ang kamay ko naman ay nakasampa lang sa railings at ang kulay asul na kalangitan ang background. Mukha talaga akong maayos tignan dito.

Donovan sent me our pictures together. Mukha kaming mag-jowa. May picture pa kami na nakahawak siya sa braso ko tapos may nakalagay na text sa gilid.

Sa susunod sa kamay naman.

Parang timang. Hindi ko maiwasan ang di kiniligin.

I changed my profile picture as soon as  I got home. Hindi ko na rin ni-private ang bago kong profile. That earned a lot of reactions. Napa-heart din ang dati kong teacher nung high school.

Kumuha ako ng baso at sinalinan ng tubig yon bago inuman. Sumilip ako sa bagong notification sa fb ko. Napabuga ako ng iniinom nang makita ang pangalan ni Donovan don.

Donovan

Nasaan crdts ko?

Agad yon nakaani ng ilang reactions. Within five minutes, he got 106 wow reactions. Ang daming replies don sa comment niya. Nanginig agad ang kamay ko nang mapansin ang daang replies sa comment niya.

Donovan

May bayad po kasi pagpic ko. Kinuha po akong cameraman.

I bit my lower lip to suppress a smile sa nireply niya. Lumulusot pa. Pero sana, his fans won't attack me tomorrow. At sana maniwala sila sa sinabi ni Donovan kahit na hindi naman sila uto-uto para paniwalaan yon.

Where the Wind Blows (Batchmate Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon