Chapter 1

239 12 0
                                    


Sa mundo ng kahirapan, ang makaraos sa pang araw-araw ang kailangan mong alalahanin; pagkain sa araw-araw ang kailangan mong isipin. In my case, pakiramdam ko ay pinagkaitan ang pamilya ko ng masaganang buhay kahit na tuwid ang tingin namin sa Diyos.

Kasalukuyan, ang kuya ko ay kilala sa pagbabahagi  ng salita ng Diyos. Si mama at lola naman ay mga katoliko ngunit hindi ito hadlang para hindi respetuhin ang relihyon na kanilang kinabibilangan.

Proud ako na sa kabila ng pagkakaiba ay kahirapan na dinaranas namin ay hindi kailanma'y tumalikod ang mama, kuya at lola ko sa Diyos . But then, there's a cousin who used to dislike God's grace and words.

"Saan ka na naman pupunta, Darlene? Iniwan mo ang labahin sa loob!" nanggagalaiting singhal ni Ate Agora sa loob ng banyo.

Lumabas ito mula doon saka dumiretso sa kusina. Padabog niyang binuksan ang kaldero na kakarampot na kanin na lang tira. Palagay ko ay isang dakot na lang ng kamay ko yun.

I bit my lower lip to prepare myself with the sudden burst out of her.

"Ay, tangina naman. Nahiya naman ako, ako pa nawalan ng kanin?! Nag-ambag ako ng pera pambili ng pagkain tapos wala man lang natira para sa akin?!"

Napapikit ako bago sumagot. "Te, k-kinain po kasi ni Aljon yung h-huling sinaing," tukoy ko sa kapatid niya.

Nanlalaki ang mata niyang pumeywang sa harap ko. "Ay, putragis alam mo naman palang kumain ang pinsan mo pero hindi ka pa nagsaing! Umaarte ka bang bobo o bobo ka talaga?!" saka niya padabog na tinakpan ang kaldero.

Pinigilan ko ang sarili sa pagsagot kasi kapag di ako nanahimik, mas lalo lang magbubunga ang pinsan kong walang ibang ginawa kundi mag-utos.

Napasulyap ako kay lola na napatigil sa pananahi. "Pasensya na," she mouthed.

Ngumiti ako nang maliit. "Okay lang ako, 'la,"

"Labhan mo na lang yung mga damit doon at para may silbe ka bago pumasok!" sigaw ulit ni Ate Agora papasok ng banyo.

Bumuntong-hininga ako. "Ate, lalabhan ko na lang po kapag nakabalik na ko galing school."

Dinig ko ang pagkalabog ng kung ano sa loob ng banyo bago ito sumigaw mula doon.

"Tangina, mas mahalaga ba 'yang pagpasok mo ng eskwelahan kesa paglaba?! Wala ka namang mapapala d'yan!" sigaw nito mula doon.

I blew out an exasperated sigh. "P-Promise po pag-uwi ko."

Nag-aalangan akong magmano kay lola na nasa wheelchair. Ngumiti lang siya at inabot ang likod ng kanyang palad bago bahagyang ilapat sa noo ko.

"Sige na, ako na ang bahala sa pinsan mo. Pasensya ka na, ha?" she uttered with a very soft voice, plastering a sweet smile.

"Ayos lang po. S-Salamat, 'la."

"Mag-iingat ka, ha? Mag-aral ka nang mabuti, Leng."

Tumango lang ako sa matanda bago sinukbit ang bag at kumaripas ng takbo palabas ng bahay.

"Hoy, Leng! Tangina nilayasan na naman ako!" dinig kong sigaw ni Ate Agora we.

Nakikitira ang dalawa kong pinsan dahil tinalikuran sila ng nanay nila at sumama sa nobyo nito sa abroad. Halos pitong taon na silang tumitira sa bahay pero wala pa rin daw silang sapat na pera para maghanap ng paupahan.

Naawa rin naman si mama sa kanila kaya kinupkop na silang dalawa. After all, magkakapamilya naman daw kami.

Lakad-takbo akong dumaan sa pasilyo bago pumasok sa classroom namin ng umagang iyon.

Where the Wind Blows (Batchmate Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon