Chapter 5

127 10 0
                                    

I haven't had a notification from Donovan, sending me a friend request and I know to myself I was stayed up until 12md to wait for him.

Baka niloko lang ako non at nagpaniwala naman ako.

Napa-buntong-hininga na lang ako dahil sa pagod kakagawa ng lyrics sa RPH namin. Nang matapos ko yun ay sinend ko agad kay Lyndsey pero ang babae ay wala pa rin reply sa akin.

Sa kalagitnaan ng paggawa ay hindi maalis sa isip ko yung mga pinag-usapan namin ni Donovan na parang recording na paulit-ulit nagppplay sa utak ko. Kahit na anong pilit kong matulog, wala pa rin, nandun pa rin.

Medyo takot lang ako na baka mapanaginipan ko siya sa kaiisip ko sa kanya.

Bumalik tuloy sa utak ko yung sinabi niyang mukha akong maiiyak. Lagi ko naman yun naririnig kung kanino, hindi na bago. But it's strange how that simple compliment made it sound unique.

"Nak?" tawag ni mama nang makapasok sa kwarto namin, kakagaling lang sa banyo.

Mabilis kong tinago ang phone ko sa ilalim ng unan at umakto na parang natutulog. I opened my lip a bit and started snoring.

Naramdaman ko na lang ang paggalaw ng papag namin, siguro ay pumwesto na ulit si mama sa higaan niya. Medyo naging komportable ako nang maramdaman ko ang pagpatong ng kumot sa katawan ko.

Ang swerte ko talaga sa nanay ko.

"Gising ka pa, Darlene," she teased by poking my closed eyes. "Gumagalaw-galaw ang pilik-mata mo, nak," she added with a chuckle.

Napamulat na lang ako at ngumuso sa kanya. "Ma, may tanong ako."

"Ano yun?" she asked curiously.

Humarap ako sa kanya. "M—Mukha ba akong maiiyak?"

Tumawa lang si mama sa tanong ko. "Parehas lang tayo, nak. Ayan din yung pinupuna sa akin eh."

"Magkamukha kasi tayo, syempre magnanay tayo."

Tumawa lang si mama saka hinawakan ang pisngi ko at hinalikan ang noo ko.

Bagay na nakuha ko sa hitsura ni mama ay ang mga mata niyang nagsusumamo. She has that pleading eyes that I got from her. Para lang akong nananalamin kapag nakikita ko si mama kaya lang ang kaibahan ay may edad na sya.

I rested my left arm around her tummy and rested my head on her shoulder as if this is my favorite position in sleeping. Nakangiti lang kaming nakatingin sa itaas na kinakalawang naming bubong na parang may pinapanood kami doon.

Tumahimik kami saglit pero agad ko rin binasag ang katahimikan. "Ma, pagod ka na?"

Hindi ito agad sumagot bagkus ay nagpakawala ito ng buntong-hininga. "Pagod ako sa pagwawalis, pero tuwing nakikita ko kayo nawawala na ang pagod ko kasi kayo ang lakas ko, anak."

"Ang bolera mo, wag mo na ko plastikin, ma. Basta pagod ka, yun na yon," I commented.

Kinurot naman nya nang bahagya ang singit ko kaya napaigta ako sa sakit. "Ma naman, dalaga na ko, eh! Kinurot pa ko malapit sa pekpek!"

"Totoo kasi sinasabi ko. Basag drama ka na, Darlene." she laughed. "Sa iba ang tahimik mo kapag sa akin ang harot mo," tumawa siya nang mahina.

Humalaklak lang ako pero agad niya rin tinakpan ang bibig ko. "Huy, tulog sila nanay, baka magising!" sita niya sakin.

Mas lalo akong natawa dahil sa ekspresyon ng mukha nya. Mayamaya ay natigil din ako sa pagtawa nang mapansin ko ang titig sa akin ni mama habang may ngiti sa labi.

"Ang saya mo. May boyfriend ka na ba kaya ka ganyan?"

I grimaced. "Yuck. Si mama magbibiro na lang ayan pa talaga inaano."

Where the Wind Blows (Batchmate Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon