Chapter 20

93 4 0
                                    

Naging maayos ang daloy ng kainan naming tatlo. Seeing my love one's at the same table, made me tear-up. Medyo nag-woworry lang ako kay kuya na panay ang tanong kay Donovan.

"Babaero ka ba?" direktang tanong ni kuya sa kanya kaya napaubo siya sa pagkabigla.

Kuya smirked at the sudden action he made. Inabutan ko na lang ng baso si Donovan na medyo kabadong hinarap si kuya.

"Hindi mo kayang sagutin?" paghamon ni kuya sa kanya sa mababang boses.

Donovan cleared his throat. "I'll prove I'm different now. I-I want to pursue your sister," pormal na sambit ni Donovan sa kanya. "It's not just because I want her to be my girlfriend, I want her to be my permanent."

Kuya nodded. "Okay ka naman sa akin pero narinig ko kasi sa ka-churchmate ko na marami ka raw babae noon, nag-aalala ako." kuya take a look at me. "Siya lang ang kapatid na meron ako at babae pa. 'Yang si Darlene, alagang-alaga namin yan ni mama."

Tumango-tango si Donovan sa kanya. Tutok talaga ang paningin niya kay kuya kahit medyo natatakot siya. Pansin ko yun dahil madalas ang pag-ugoy ng kanyang binti.

I'll take that small gesture from him in my notes. Kapag kinakabahan siya, siging ugoy niya sa sariling binti.

"Ilang taon ka na nga ulit, Donovan?" tanong ni mama sa kanya na malaki ang ngiti.

"I'm twenty-one po," he said with a smile.

Twenty-one? Mas matanda pala siya sa akin ng isang taon. Yon yata ang bagay na hindi ko alam sa kanya. Akala ko kasi magka-edad lang kami.

"Bente na si Darlene ko," sagot ni mama. "Dalaga na ang bunso namin kaya may karapatan naman na ang edad niya na mag-boyfriend. Gusto ko yung lalaking gaya mo ang makatuluyan niya."

Donovan pouted his lips. "Bakit hindi na lang ako, tita? Yung lalaking gaya ko pa talaga."

Tumawa kami sa inasta niya kahit si kuya ay napangiti at napailing na lang. It went smoothly. Medyo good mood din si kuya dahil binahagi niya sa amin yung balita na dean's lister siya. We congratulate him.

Mas lalo tuloy akong napaisip na wag na lang magsumbong sa ginawa ni Herbert. Ayaw ko rin magkaroon ng problema si kuya sa pag-aaral niya.

Pinaalam ako ni Donovan ay mama at kuya na ilalabas daw ako ng lalaki. Naghanap muna ako ng damit na pwedeng masuot bago nagpasiyang lumabas.

I just wore a simple white sky blue shirt partnered by jeans and white flat shoes. Wala na akong masuot eh, nasa labahin lahat ng pwede kong masuot. Isa pa, hindi ako mahilig bumili ng mga damit.

"Hindi ka talaga pala-labas, 'no?"

Tumango ako. Lumitaw ang ngiti sa kanyang labi bago tanggalin ang helmet sa ulo ko. Nang dahil don, mas malaya ko siyang nasilayan. His chino pants really looks great on him lalo na't mahaba ang biyas nito.

Nang humangin, nilipad ang buhok niyang gulo-gulo dahil siguro sa pagtanggal niya ng sariling helmet. Natawa ako kasi mukha siyang natarantang sinuklay ang buhok niya.

"Bagay sayo yung ganyang buhok," pagpuna ko sa curtain haircut niyang buhok na may hati sa gitna.

Tumaas ang sulok ng labi niya. "Sabi ko na crush mo ko eh."

Ngumuso ako. "Hindi kaya kita crush dati," pag-aamin ko. "Hindi ko kaya gusto awra mo, mukha ka kasing mananapak anytime."

"Barumbado ba ako sa palagay mo?" nakangiwing tanong niya.

Hindi ako sumagot, bagkus ay bumaba na lang sa motor niya. Napanganga siya nang lagpasan ko siya nang walang sagot-sagot. Sumunod na lang siya sa akin papasok sa mall.

Where the Wind Blows (Batchmate Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon