Chapter 32

92 3 0
                                    

“And to you, congratulations” is the best gift I received from you.

I posted on facebook. I earned heart reactions from my friends on Facebook. Hindi rin nakaligtas sa akin ang mga komento ng mga kakilala ko doon. 

"Halatang mahal na mahal pa, e," I heard Page said beside me. 

Nakasakay kami ngayon sa van ni Jordan. He's the one who's driving in front. Ang dalawa kong kaibigan ang katabi ko magkabilaan.

"Wag halatang patay na patay pa, te, baka makahalata si kuya," paalala sa akin ni Rowy, mataas ang ngisi ng labi.

"Baka may pag-utal pa iyan. S—S—Salamat. . ." panggagaya ni Lyndsey sa sinabi ko kanina.

I felt the heat on my face. 

"Sa pangalawang beses, nagdadalaga na naman ang Darlene na iyan!" they chanted.

Naghiyawan pa ang lahat na kinangiwi ko dahil sa ingay.

Ngumuso ako at pinatay ang phone. Hindi ko lang maiwasan ang hindi iyon isipin. Yung kanina. Yung nakita ko siya.

Nagrerevewind talaga sa utak ko ang sinabi niya. Kusa pang pumapasok sa utak ko ang mukha niya habang sinasambit niya ang pagbati sa akin. Isabay mo pa ang buo niyang boses habang sinasabi iyon sa akin.

Sa buong byahe hindi ako tinigilan ng pang-aasar nila. Bidang-bida lagi si Rowy at Page sa lakas nilang mang-asar, e, sila nga itong walang mga kalandian.

I was in awe when we entered the huge house of Jordan. Malaki ang ngisi sa akin ng lalaki nang purihin ko ang bahay nila.

"You're gonna have some fun here, I swear."

Mula sa labas ng bahay ay dinig na namin agad ang beat ng music sa loob. There are also few students dancing on the dance floor. Kumpleto rin ang drinks at foods sa mahabang lamesa.

"Sana nagpalit ka muna, 'no? Paano ka lalandi n'yan kung ganyan ang suot mo?" nginuso ni Lyndsey ang suot kong jeans at collar shirt na pink.

"B—Bakit ba? Party lang naman to."

She scoffed. "Oo nga, pero yung suot mo pangsimba."

Napanganga ako sa sinabi niya at sinulyapan ang aking damit. 

Ayos naman, a?! 

Pinanood ko siyang lumakad palayo sa akin. Hindi ko maiwasan na balingan ang kanyang suot na fitted black glittering dress na pinatneran ng four inches heels habang lumalakad sa dagat ng tao.

She had a long time in the restroom to fix herself. 

Umiling na lang ako at sinundan si Rowy at Page na lumalakad sa pwesto na tinuro ni Pierro at Jordan.

Nagsimula na silang salinan ng alak ang mga babasaging baso sa lamesita. Medyo napangiwi ako dahil sa tapang ng amoy ng alak sa akin ilong.

"Isang bote lang, ha?" paalala ko sa kanila, slightly pinching my nose.

Ayaw ko kasi na uuwi sila ng lasing na lasing, ihahatid pa naman ni Jordan ang dalawa at baka maaksidente sa byahe.

"Amboring mo talaga, Darlene. Sa ganitong kasayang party, isang bote lang ang iinumin mo?" natatawang anas ni Pierro sabay iling. 

"This is the first time she attended a party?" tanong ng lalaki na kanina pa nila kasama.

Ang alam ko ay sa ibang department ang lalaki. Mahilig kasi mag-invite sila Jordan ng kakilala sa party ng mga nakakausap nila sa ibang department kaya kahit hindi nila ka-close ay nagiging ka-close na nila eventually.

Where the Wind Blows (Batchmate Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon