Chapter 29

86 4 0
                                    

Sumunod ang ilang araw na hindi niya sinasagot ang tawag ko. I was planting consecutive calls and texts but still, no replies and calls from Donovan. He's healing dahil sa napaniwala siya sa mga kasinungalingan ni Vember. He didn't listen to me, but despite that accusation, I am still able to set aside it.

Umuwi ako sa bahay ng gabing iyon at iniyak sa ilalim ng madilim na gabi ang problema. Tuwing babangon ako ng umaga, hindi mawala ang bigat sa dibdib ko pero kahit gano'n, pinipilit kong isantabi ang pangyayari. Hindi nakaligtas sa akin ang sunod-sunod na tanong ng dalawa. It's because. . Donovan already changed his status on social media. Kung dati ay in a relationship ito, ngayon ay single na lang ang updated status nito.

Nang ipagbigay-alam sa akin ito ng dalawa, hindi na ako nagdalawang-isip na silipin din ang ilang accounts niya. I confirmed, he already erased all of the in a relationship status. Para akong nanlupaypay lalo na ang isang recent post nito na may sad emoticon. Lalong niyanig ang news feed ko, sunod-sunod ang pagtunog ng notification ko dahil sa mention sa akin ng mga schoolmate.

Kumalat na rin yata sa buong campus na ako talaga ang girlfriend ni Donovan. I mean, yung ex girlfriend.

Kada-lakad ko sa ibang department, hindi pwedeng hindi ako makakatanggap ng mga tanong tungkol sa paghihiwalay namingm dalawa. Hindi ako kumportable sa ganung mga tanong kaya isang ngiti na lang ang sinusukli ko sa kanila. Madalas akong nakakatanggap ng mga ganong tanong sa Architecture department, kung hindi naman ay sa Engineering.

Hindi ko pa kayang magsalita tungkol doon. Hindi naman na ako natatakot dahil akala ko hindi ako matatanggap ng lahat kung nalaman nilang kami, nirerespeto ko lang si Donovan dahil alam kong hindi rin siya nagsasalita tungkol sa paghihiwalay namin dalawa. At sa awa ng Diyos, maayos naman ang pakikitungo sa akin ng lahat.

Pinagsisihan ko na ilihim sa lahat ang relasyon naming dalawa. Naduwag ako na ilantad ang pagmamahalan naming dalawa. Pakiramdam ko, dapat lang talaga sa akin ibato ang sisi. Pakiramdam ko, tama lang na hiwalayan niya ako. Tama lang na palayain na niya ang sarili sa akin, dahil hindi man lang siya sumaya sa akin.

Yung pangarap niya na ipagmalaki ako sa lahat, na ipagmayabang ako sa lahat, mararanasan niya na iyon sa ibang babae. Yung hindi matatakot ipagsigawan sa lahat na mahal siya ng isang Donovan De Vera.

Hindi na gaya kong hanggang bulong lang. Pabulong ko lang sinasabi sa sarili na mahal na mahal niya ako. But at the very long time with him, being my man is perfect like a fairy tale. Yun yung bagay na hindi ko naranasan noong bata pa lang ako. Yung may lalaking nagmahal sa akin na katulad ng pagmamahal na pinaramdam niya sa akin.

"Good afternoon po, Doctora," I greeted at the COE program head when I entered the faculty room.

Sumulyap ito sa akin at binati ako nang may ngiti sa labi.

"Ipapatong ko lang po sa table ni Sir Ahlem," I pertain to my major instructor.

Tumango lamang ito sa akin at pinagpatuloy ang pagtitipa sa laptop.

Nang ilapag ko ang folder sa table, tikhim nito ang pumukaw sa akin at ang tanong na hindi ko inasahang maririnig ko mula sa kanya.

"You have a secret affair with the BS Architecture student Donovan de Vera, hija?"

Pumuhit ako paharap bilang paggalang.

Lumunok muna ako at tumango. "Had po, Doctora. . ."

"Sorry?" she leaned closer a bit to her table.

Binasa ko ang ibabang labi bago sumagot ulit. "Had a secret affair po. . hiwalay na po kami."

"Oh. . " her lips turned to O, nodding her head, never leaves her eyes at me.

Where the Wind Blows (Batchmate Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon