Chapter 36

79 1 0
                                    

Nakakrus ang aking mga braso nang lumapit siya sa akin. Sumenyas siya na pumasok ako sa loob ng kotse nang gumawi siya sa labas ng driver's seat.

I blew an exasperated sigh before hopping in.

"Bakit tayo mag-uusap? Ano ang sasabihin mo sa akin? Ayaw ko nang magpaligoy-ligoy, Donovan," seryoso kong tanong sa kanya.

"Galit ka ba sa akin? Dahil sa narinig mo na nanliligaw ako kay Cora? Hindi ako nanliligaw sa kanya."

Walang ano-ano'y nagsalubong ang aking mga kilay sa tanong na yun. Gusto ko siyang tawanan dahil pakiramdam ko kampante siya na nagseselos ako.

"Pagkatapos mo akong paglaruan kanina sa hapag, bigla ka magtatanong ng ganyan sa akin? Donovan, ano ba sa tingin mo ang naramdaman ko nung narinig ko yun? Selos? Eh, wala na nga akong pakialam sayo."

He swallowed hard and looked away. Kita ko kung paano lumungkot ang kanyang mata sa naging responde ko. Isinandal niya ang kanyang ulo sa headboard ng inuupahan at pumikit sandali.

"E, bakit pumunta ka pa rin sa birthday ni Ate Rona? Alam mo naman na nandun ako. Magkaibigan kayo ni Cora, I assumed you already knew her," napapaos na boses niyang saad.

Umiling ako. "Alam mo, Donovan hindi ko hahayaan na magkita tayo ulit kapag alam ko na may taong malapit sa akin na may koneksyon sayo. Wala akong balak na kitain o silayan ka dahil matagal na rin naman na hiwalay tayo."

He smirked sarcastically at me. "You sounded different. Ganyan na ba ang alaga na pinaramdam sayo ng walang kwenta kong kaibigan? Kung tutuusin ako nga dapat ang magalit sayo. I should be the one who's being harsh here pero baliktad yata ang nangyayari. Hindi naman ako mapapalapit kay Cora kung hindi ka nagsinungaling sa akin. Baka nakakalimutan mo-"

Sinalubong ko ang kanyang tingin. "Bakit parang sa akin mo sinisisi ang lahat?"

He stopped for a while. He blew an exasperated sigh before leading his eyes to mine. "Nag-o-open up ako, Darlene."

"Giniguilt trip mo ako, Donovan hindi open up."

"I'm trying to end this conversation on good terms, Darlene. Gusto ko lang na kausapin ka para i-open up ang nararamdaman ko. . . para aware sa pinagdadaanan ko nung mga panahon na yun."

That statement strikes my heart as all what happened to me way back then flashbacks in my head.

Hindi ko gusto ang pagddrag down niya ng pinagdaanan niya na parang mas malala kesa sakin. At hindi ko sinasabi na mas malala ang pinagdaanan ko kesa sa kanya, alam ko na mabigat na bagay ang pinagdadaanan niya dahil hindi niya man lang sinabi sakin yun.

At kasalanan ko na hindi ko kayang sabihin sa kanya pero parang awa naman niya sana, sana maisip niya kung gaano kalala ang naranasan ko that time kaya hirap akong sabihin sa kanya.

Napatulala ako saglit sa kanya. My jaw dropped, didn't even clenched a bit. Tumulo lamang ang luha sa aking mata nang hindi namamalayan.

Wala akong masabi.

His eyes were shocked as he saw my tears falling down to my cheeks. His lips open slightly, mukhang may gusto siyang sabihin pero hindi natuloy.

Pinunasan ko ang luha ko at umiwas ng tingin sa kanya. Pinasadahan ko lang ang tingin sa labas ng bintana ng kotse.

"Bakit hindi ka makatingin nang diretso sa akin, Darlene? Naguiguilty ka ba sa sinabi ko? Ang sakit ng ginawa mo sakin non, hindi mo alam kung gaano ko dinibdib yung mga kasinungalingan mo sa akin. Sa. . . Sabi mo hindi ka nakikipagkita sa kanya. Sa. . Sabi mo hindi ka nagsinungaling. Your lies put me in this state, Darlene."

Where the Wind Blows (Batchmate Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon