Chapter 42

74 1 0
                                    

Nagising ako kinabukasan sa sunod-sunod na katok sa aking pintuan. Tamad kong hinila ko ang katawan mula sa pagkakahiga at dumungaw sa bintana.

My eyes squinted as I noticed the familiar Ferrari in front of the house. Kinuskos ko ang nakapuyos na kamay sa aking mata at muling tinanaw ang kotse sa harapan ng bahay.

It's Donovan's.

Bumalik ang alaala sa aking isipan nang huli ko siyang makita. He's going to propose to Cora. Ano ang problema niya at ako ang i-pinunta? I was thinking if I'll open the door for him or not.

Dahan-dahan akong bumalik sa kama, naupo doon habang ang mata ay nasa bintana. Would I open the door for him?

Lord, will I open?

The wind blew outside my window. Pakiramdam ko iyon ang naging sagot sa tanong ko ngunit may pumipigil sa akin na baka kapag binuksan ko, pati ang puso ko ay papasukin siya ulit at hindi dapat yun ang mangyari dahil tuluyan na siyang nakapasok sa puso ni Cora.

I gulped as I reached my robe to cover up my night dress and made my way downstairs. Medyo may kirot pa sa puso ko dahil hindi niya ako kinausap after ng insidente pero may sabik sa puso ko, umaasa na baka ngayon may sabihin siya sa akin na magpapalubag ng loob ko.

But I remembered, the last time we talked was the time we arrested Ate Rona. Hindi naging maganda ang mga sumunod na araw ng mag-anak dahil dinumog sila ng ilang press at reporters sa kanilang bahay.

And the last news I've heard about Cora, she was devastated. Nang sunod na araw kasi na iyon ay namayapa ang kanyang ina. Tanging ang kanyang ama na lang ang kasama niya ngayon -ang nagpapalago ng kanilang bumagsak na negosyo.

Nang tuluyan akong bumaba mula sa hagdan ay inabot ko ang doorknob, handa ko na sanang pihitin ang pinto nang may marinig akong pagpreno ng sasakyan sa tapat ng bahay.

Lumapit ako sa bintana ng bahay at hinawi ang kurtina. My lips parted as I watched Cora shut the door of her car. Sa kanyang kamay ay madala siyang isang paper bag. She elegantly walks towards our gate but her eyes remain swollen. She might act elegantly and classy but her eyes show her gloomy days.

Mukhang natigilan siya nang makita ang lalaki sa harapan ng pinto ngunit iniwas niya ang kanyang tingin dito, dumiretso pa rin ng lakad. Mabilis kong binalik ang pagkakaharang ng kurtina sa bintana at gumawi sa pintuan.

I leaned my ears on the door to listen to the conversation.

"Why are you here?" asked Donovan.

"I'm here to tell her our proposal, Nov," said Cora without thinking of holding back the words.

Nanikip panandalian ang aking dibdib sa narinig. Sinandal ko pa nang maigi ang aking sarili para marinig nang maayos ang usapan ng dalawa.

Donovan blew a sigh. "You don't have to mind telling her, Cora. Alam kong may ideya na siya rito."

"I want to tell her personally. I want to tell her face to face, Nov." walang paligoy-ligoy na saad nito. "A-And I was sorry. I want to apologize to her for having this immediate plan."

Napatawa ako nang mapakla sa narinig. To say sorry? Na magpapakasal na sila? Ano ba ang pakialam ko kung may plano na silang magpakasal? Ano bang pakialam ko kung sinagot niya na pala si Donovan? Mukha ba akong may pakialam?

Hindi ko alam kung ano ang paniniwalaan ko sa kanila. Cora sounded sincere ngunit ang pagpasok ng kanyang salita sa tenga ko ang nagtitrigger sa galit ko sa kaniya-sa kanilang dalawa.

"She'll understand. Mapapatawad ka niya, Cora."

Sandaling namuo ang katahimikan sa labas ng pintuan. Akala ko ay umalis na ang dalawa nang marinig ko ulit magsalita si Cora.

Where the Wind Blows (Batchmate Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon