Chapter 13

80 6 0
                                    

Namalaam si na lola.

That's all I heard when I was waiting outside of her room. Hagulgol ni mama ang narinig ko at pagpipigil na iyak ni kuyang habang yakap-yakap si mama. Pumatak ang luha ko dahil sa awa sa kalagayan nilang dalawa, mas lalo na kay lola. . .

Mula sa maliit na glass window ng pintuan ng kwarto ay dahan-dahan akong nilingon ni kuya. Mas lalong dinaga ang dibdib ko ng lungkot nag unti-unting syang umiling sa akin.

Isa lang ang ibig sabihin non. Tama nga ang narinig ko.

I closed my eyes as tears dripping on my cheeks.

Ilang araw pa lang naman syang nasa ospital pero ang tagal nyang mawawala sa amin- habang buhay na syang mawawala sa amin.

Why did it happen so fast?

God, I beg, please let her soul rest in peace. Embrace her with your holy and loving arms.

"Ate, kamusta si lola? Pwede na ba pumasok?" Alj curiously asked.

Bumaba ang tingin ko sa hawak nyang isang plastic ng lugaw na may itlog at sa kabilang kamay ay pumpon ng bulaklak na pakuwari ko'y kabibili nya lang mula sa flower shop.

Ayon ang request ni lola ngayong umaga, na bilhan sya no'n. Pinag-ipunan namin ni Alj ang pera namin at sya ang bumili pero, hindi na nya maaamoy at makikita ang bulaklak na binili namin para sa kanya.

Parang. . alam nya na talaga na hanggang ngayon na lang ang buhay nya.

Tumulala lang ako sa kanya pero nagbago ang ekspresyon ng kanyang mukha nang mapansin ang luha sa mga mata ko. Pakiramdam ko ay nabasa nya na ang ibig sabihin non.

"A-Ate," Alj called me through crying. "Ate, sabihin mong makakausap pa natin si lola. Sabihin mong makakasama pa natin sya sa hapunan. Sabihin mo, ate sa akin na. . . makakasama pa rin natin sya nang matagal."

Nanunubig ang mga mata ko, pinapanood si Alj na sinasabi ang mga salitang yon. I don't have any words to say just a stare at his eyes with a emphatetic look in my face.

Sunod-sunod na tumulo ang luha sa mga mata nya. "Ate. . ." he pleaded. "Ate, sabihin mong buhay pa si lola."

Dahan-dahan akong ngumiti. "B. . Buhay pa si lola. . "I uttered before shutting my eyes and opening them again. ". .sa puso natin palagi syang buhay."

Dumaan ang pagkadismaya nya sa huli kong sinabi. Tumitig pa sya sa akin ng ilang segundo bago ilapag ang mga dala sa tabi kong upuan. Umuna syang pumasok sa loob bitbit ang mabigat na yabag.

Sa puntong yon alam ko na hindi namin sya mapipigilan. Mugto ang mga mata nya paglabas ng kwarto habang ako ay nakasandal lang ang likuran sa sandalan ng upuan, hindi natitigil ang pag-agos ng luha.

I received a message from Donovan. Mugto ang mga mata kong binasa ang message nya sa akin.

Donovan

Kamusta si lola?

Me

Wala na sya, nov.

Mabilis nyang sineen ang mensahe ko. Wala pang limang segundo nang magreply sya.

Donovan

I'm sorry, condolence
Gusto mong puntahan kita dyan ulit?

Me

Wag na, dyan ka lang sa inyo, ilang araw mo na akong binabantayan dito. focus ka na lang sa pagrereview mo.

Donovan

I'll call you later, sabihin mo lang kung gusto mo nang tawagan kita.

I just seen his last message dahil wala akong ganang makipagusap sa kanino. Nag-aalala lang ako sa pamilya ko.

Where the Wind Blows (Batchmate Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon