Chapter 10

110 5 0
                                    

When he told me about a place where people don't go to often, I didn't expect that he's talking about carinderia!

Napanganga ako nang tumapat ang motor nya sa medyo may kalakihan na carinderia. Bukas ang ilaw doon sa loob at talagang may kalakihan nga ang loob nang matanaw ko ang ilang tao na kalalabas lang mula doon.

Medyo liblib lang ang lugar dahil maraming puno at dahil medyo madilim na hindi ko masyadong makita ang buong lugar. Pero isa lang ang masasabi ko, maganda ang simoy ng hangin, mukhang masarap tumambay dito.

It's already 6pm in the afternoon pero parang ala-otso na.

"Anong oras ang curfew mo?" tanong nya nang makababa ako.

Lumunok ako. "Eight. . six na, saglit lang tayo makakapag-usap." I chuckled.

Lalo syang napasimangot. "Pwede hanggang 9pm?"

I laughed at him. "Hindi pwede, Nov, mapapagalitan ako ni kuya, medyo strict yun eh."

He just nodded and led me in.

Nang makapasok kami at todo bati ang tatlong waitress sa kanya. They're greeting him like he's sort of a celebrity. Matangkad at gwapo si Donovan, at talagang mukhang anak mayaman.

Kaya nga takang-taka ako kung bakit sya nasa NESU. Kaya nya naman makapag-aral sa ibang university.

Ang pintuan ng kainan ay wooden sliding door, mukhang japanese restaurant ang loob. Mula sa exterior ng kainan ay talagang nakakasabik pasukin ang loob. It's classic yet traditional. Nakanganga akong pinasadahan ng tingin ang mga naka-organize na silya at mga lamesa.

Even the interior, it's homey and calming like it's a home for us! They're very traditional yet enthralling.

Mula sa ceiling hanggang sa malinis na tiles, at mala-lanterns na ilaw na nagbibigay liwanag sa paligid. I like it here. First ko lang makapunta sa ganitong lugar, at sa pinas pa talaga.

Para akong nasa ibang bansa.

"Japanese restaurant ba 'to?" tanong ko sa kanya nang iusog nya ang upuan para makaupo ako sa mesang pinili nya para sa amin.

I heard him let out a light chuckle. "No, this is not a Japanese restaurant. Magugulat ka sa menu nila rito kapag nakita mo."

Tumango lang ako, hindi pa rin naaalis ang ngiti sa labi habang nililibot ang tingin sa buong restaurant.

Umupo sya sa katapat kong silya sabay pangalumbaba sa tapat ko. "Hmm. . you like it here?"

Tumango ako. "Oo naman! Napaka-komportable rito!"

His smile never fades. "Mabuti naman nagustuhan mo rito."

Ngumiti ako sa kanya pabalik. Medyo namula lang ako dahil sa lalim ng titig nya sa akin habang nakapangalumbaba. Hilig nya gumanyan.

"Hilig mo gumanyan," turo ko sa kanyang siko na nakatukod sa lamesa. "Masama kaya yan, nasa hapag ka eh."

Tumawa sya nang mahina. "Yung ganda mo kasi, eh."

Nanlalaki ang mata ko sa sinabi nya. "Ako pa sinisi."

"Yung ganda mo sinisisi ko, hindi ikaw," he reasoned out. Mula sa pagkakatitig nya sa akin ay bumaba ang tingin nya sa center table. "Ito pala yung menu, tignan mo," nakangisi nyang saad, inabot ang menu sa akin.

Agad kong binulat yon at nanlaki ang mata ko sa nabasang mga pagkain na sineserve nila. "Huy? Filipino foods?!"

Lalong lumawak ang ngisi sa labi nya. "Sabi ko sayo nakakagulat eh."

"Talagang nakakagulat. . ." I muttered saka binaba ang binabasa. "Masarap ba pagkain rito?"

Tumango ang lalaki. "Of course. Pili ka lang ng gusto mong kainin."

Where the Wind Blows (Batchmate Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon